Ika-12_dantaon

Milenyo: ika-2 milenyo
Mga siglo:
Mga dekada: dekada  1100 dekada 1110 dekada 1120 dekada 1130 dekada 1140
dekada 1150 dekada 1160 dekada 1170 dekada 1180 dekada 1190
Ang Silanganing Emisperyo sa simula ng ika-12 dantaon.
Nagpalit ng relihiyon ang Imperyong Gurida mula Budismo patungong Islam.
Sina Saladin Ayyubi at Guy ng Lusignan pagkatapos ng Labanan ng Hattin.

Ang ika-12 dantaon ay isang panahon mula 1101 hanggang 1200 sang-ayon sa kalendaryong Huliyano. Sa kasaysayan ng kalinangang Europeo, tinuturing ang panahon na ito bilang bahagi ng Mataas na Gitnang Panahon at tinatawag minsan bilang ang Panahon ng mga Cister. Ang Ginintuang Panahon ng Islam ay patuloy na nakakaranas ng kaunlaran, partikular ang Islamikong Espanya, Selyusida, at mga teritoryong Gurida. Karamihan sa mga Krusadong estado kabilang ang Kaharian ng Jerusalem ay bumagsak sa dinastiyang Ayyubid na itinatatag ni Saladin, na nilampasan ang mga Fatimid. Humarap ang dinastiyang Song sa Tsina ng isang pagsakop ng mga Jurchen, na nagdulot ng isang paghahating pampolitika sa hilaga at timog. Umusbong ang Imperyong Khmer ng Kambodya sa siglo na ito. Pagkasunod ng paglaki ng mga Ghaznavid at Imperyong Gurida, ang pananakop ng Muslim sa subkontinenteng Indiyano hanggang Bengal ay nagsimula sa huling bahagi ng dantaon.

Mga kaganapan

Ang kompleks ng templo ng Angkor Wat, na ginawa noong panahon ng paghahari ni Suryavarman II sa Kambodya noong Panahong Khmer.
  • Sa timog-silangang Asya, may hidwaan sa pagitan ng Imperyong Khmer at Champa. Ginawa ang Angkor Wat sa ilalim ng haring Hindu na si Suryavarman II. Sa dulo ng siglo, ang Budistang si Jayavarman VII ay naging pinuno.
  • Nasa panahong Heian ang Hapon. Nagawa ang Chōjū-jinbutsu-giga at naiuugnay kay Toba Sōjō. Huling napunta sa ito sa Kōzan-ji, Kyoto.
  • Nagsimulang umunlad ang Gitnang Ingles, at nagsimulang kumalat ang literasiya sa labas ng Simbahan sa buong Europa.[1] Karagdagan dito, dumadami ang mga taong simbahan na pumayag na kumuha ng sekular na pagganap. Sa katapusan ng siglo, hindi bababa sa isang-katlo ng mga obispo ng Inglatera ang nagsibli din bilang mga maharlikang hukom para sa mga alalahaning sekular.[2]
  • Sa dulo ng dantaon, pangunahing umaasa ang parehong Dinastiyang Capet at ang Bahay ni Anjou sa mga mersinaryong militar. Mayroon sa buong taon ang mga sundalong binabayaran, hindi tulad ng mga kabalyero na inaasahan ng ilang panahon ng bakasyon upang mapanatili ang kanilang buhay asyenda.[3]

Mga imbensyon, tuklas at pagpapakilala ayon sa taon

Ang Pagoda ng Liuhe sa Hangzhou, Tsina, 1165
  • 1104: Ang Arsenal ng Benesiya sa Benesiya, Italya, ay itinatag. Kumukuha ito ng mga trabahador na bumibilang ng mga 16,000 tao para sa malawakang produksyon ng mga barkong naglalayag sa malaking linyang asembliya, daan-daang taon bago ang Rebolusyong Industriyal.
  • 1106: Natapos ang pagtatayo ng Monasteryong Gelati.
  • 1107: Pinagsama ng Tsinong inhenyero na si Wu Deren ang mekanikal na behikulong aguhon ng karwaheng tumuturo sa timog at ang sumusukat ng distansya na kagamitang odometer.
  • 1111: Itinatag ang Tsinong Akademyang Donglin.
  • 1165: Naitayo ang Pagoda ng Liuhe Pagoda sa Hangzhou, Tsina.
  • 1170: Binigyan kahulugan ang Kristiyanong pagkaunawa na Purgatoryo.[4]
  • 1185: Unang tala ng mga mulino.

Mahahalagang tao

Iluminasyon mula sa Liber Scivias na ipinapakita si Hildegard von Bingen na tinatanggap ang bisyon at dinidikta sa eskriba at sekretarya

Mga sanggunian

  1. Warren 1961, p. 129.
  2. Warren 1961, p. 159.
  3. Warren 1961, p. 60-61.
  4. Le Goff, Jacques (1986). The Birth of Purgatory (sa wikang Ingles). Chicago: University of Chicago Press. ISBN 0226470822.