AKB48
AKB48 | |
---|---|
Kabatiran | |
Pinagmulan | Akihabara, Tokyo, Hapon |
Genre | J-pop, pop |
Taong aktibo | 2005–kasalukuyan |
Label | AKS DefStar Records You, Be Cool!/King Records |
Miyembro | Team A Details Team K Details Team B Details Team 4 Details |
Dating miyembro | Former Members |
Website | AKB48.co.jp |
Ang AKB48 ay isang idol group na binubuo ng mga kababaihan mula sa Hapon. Ito ay kinonsepto at binuo ni Yasushi Akimoto. Ang grupo na ito ay nagtamo ng malawak na popularidad sa Hapon. Ang siyam na pinakabagong singles nila ay nanguna sa Oricon Weekly Singles Chart. Ang mga single nila na "Beginner" at "Heavy Rotation" ay kapwa naging una at pangalawa sa pinakamabentang single sa Hapon ng taong 2010.[1] Samantala, ang mga single naman na Everyday, Kachuusha, Sakura no Ki ni Naro at Flying Get ang kasalukuyang nangunguna sa mga listahan ng mabentang single ngayong 2011.
Ang AKB48 ay hango sa Akihabara, isang lugar sa Tokyo kung saan matatagpuan ang Don Quijote.[2] Sa ika-walong palapag ng nasabing lugar makikita ang sariling teatro ng AKB48, kung saan sila nagtatanghal. Ang ideya ni Akimoto ay gumawa ng isang grupo na nagtatanghal sa teatro kung saan maaari silang makita araw-araw ng kanilang mga tagahanga; kinalaunan tinawag ang konseptong ito bilang "idols you can meet" (mga idolong maaaring makahalubilo).[3][4] Nagtatanghal parin ang AKB48 sa teatro nila, ngunit ang mga tiket ay pinalolotarya na lamang dahil sa dami ng gustong makapanood ng pagtatanghal nila sa teatro.
Ang AKB48 ay nabilang din sa Guiness World Record bilang grupo na may pinakamaraming miyembro sa larangan ng musika.[5][6] Ang AKB48 ay kasalukuyanh binubuo ng 4 na koponan, ito ay ang Team A, Team B, Team K na may 16 na miyembro bawat isa, at Team 4 na may 12 na miyembro; noong 24 Hulyo 2011 naitala na may 60 na miyembro ang AKB48.[7] Meron ding mga "Kenkyusei"; mga di pa ganap na miyembro na nagsasanay pa lamang upang opisyal na mapabilang sa grupo.
Gumawa rin ng ibang pang mga grupo si Yasushi Akimoto, ito ay ang : SKE48, na nakabase ang teatro sa Sakae, isang lugar sa Nagoya, SDN48, isang groupo na mayroong mas matandang imahe, at NMB48, na nakabase Osaka. Nagkakaroon na rin ng mga audition para sa HKT48, TPE48 at JKT48.
Isa pangkonsepto na ginawa ni Yasushi Akimoto noong 2009 ay ang "halalan para sa Senbatsu", kung saan ang mga tagahanga ay maaaring bumoto kung sino sa mga miyembro ng AKB48 ang makakasali sa susunod na single. Sa huling halalan para sa Senbatsu na ginanap noong Hunyo hangang Hulyo 2011, mahigit isang milyong boto ang naitala, 40 na miyembro ang napili mula sa 152 na miyembro ng AKB48, SKE48, SDN48, at NMB48.[8][9][10][11] Noong 2010 naman, nagkaroon ng bagong paraan ng pagpili ng miyembro ng Senbatsu; ito ay ang Janken Tournament. Isa itong torneo kung saan ang mga napiling mga kalahok ay maglalaban sa pamamagitan ng larong bato-bato-pik; ang matitirang 16 na miyembro ang magiging Senbatsu sa susunod na single; ang mananalo naman ang magiging sentro ng nasabing single. Ang ikalawang Janken Tournament ay naganap noong 20 Setyembre 2011.
Kasaysayan
2005
Noong Hulyo 2005, nagpa-audition si Yasushi Akimoto upang gumawa ng isang grupo ng mga nagtatanghal sa teatro.[12] Mula sa 7,924 na babae nag-audition, 45 ang nakapasa sa unang yugto ng auditions. Nagkaroon ng mas detalyadong pagpili ng mga aplikante, hanggang sa 24 na kababaihan ang napili upang mapabilang sa grupo.
Noong ika-8 ng Disyembre taong 2005, nagsimulang magtanghal sa teatro ang grupo na may 20 na miyembro lamang; kinalaunan ay nakilala bilang Team A.[13] Inanunsiyo na magkakaroon ng panibagong audition, kasama ang NTT DoCoMo , isang telecom na kompanya sa Hapon. Ito ang kauna-unahang audition kung saan kailangang magpadala ng audition video ang mga aplikante. Mula sa 11,892 na aplikante, 19 ang napili upang mapabilang sa AKB48, ngunit sa huli, 18 na miyembro lang ang sumali sa grupo upang maging Team K noong taong 2006.[14]
2006
Noong Enero 2006, pinayagan ni Akimoto si Shinoda Mariko na sumali sa grupo kahit hindi siya sumali ng audition,[15]; ito ay dahil nanalo siya sa isang popularity vote ng mga tagahanga niya. Siya ay nagta-trabaho bilang isang serbidora sa Cafe sa teatro ng AKB48, dahilan ng hindi niya pagkakasali sa naunang audition.[16]
Naglabas ang AKB48 ng kanilang kauna-unahang single na pinamagatang "Sakura no Hanabiratachi"" noong Pebrero 2006. Naging ika-sampu ito sa Oricon weekly charts at bumenta ng 22,011 na sa unang linggo nito, isang katangi-tanging pangyayari para sa isang grupo wala pang label.[17]
Noong ika-1 ng Marso, inilabas ng AKB48 ang kanilang unang photobook, ang Micchaku! "AKB48" ~Shashinshuu Vol.1 the DEBUT. Noong ika-31 ng Marso, nagtapos si Yuki Usami; siya ang pinakaunang miyembro na nagtapos sa AKB48.
Simula noong ika-1 ng Abril, nagsimula nang magtanghal ang Team K sa teatro.
Noong 7 Hunyo 2006, inilabas ang pangalawang single ng AKB48 na pinamagatang "Skirt, Hirari"", and kinanta nila ito sa mga programang pantelebisyon na Music Station at Music Fighter noong ika-9 ng Hunyo. Grumadweyt si Ayako Uemura noong ika-17 ng parehong buwan.
Noong Agosto 2006, lumagda ang AKB48 sa DefStar Records na kaparte ng Sony Music Entertainment. Ang unang single nila sa DefStar Records ay pinamagatang "Aitakatta", inilabas noong ika-25 ng Oktubre; ito ay nagtala ng ika-labing dalawang puwesto sa Oricon weekly single charts.[18] Ang "Aitakatta" ay nakabenta ng 25,544 na kopya sa unang anim na linggo nila sa Oricon.
Oktubre ng nasabing taon, inanunsiyo na magkakaroon ng panibagong audition para buoin ang Team B.[19] Nagkaroon ng 12,828 na aplikante ngunit 13 lamang ang nakapasa. Sila ang naging bagong Team B noong Disyembre ng nasabing taon.[20]
Noong ika-3 at 4 ng Nobyembre, itinanghal ng AKB48 ang kanilang unang konsiyerto na pinamagatangAKB48 First Concert "Aitakatta ~Hashira wa Nai ze!~ sa Nippon Seinenkan, Sendagaya, Shinjuku. Noong Disyembre 2006, nagkaroon ng unang pagbabago sa mga miyembro ng grupo. Sina Kazumi Urano, Shiho Watanabe at si Natsumi Hirajima mula Team A ay inilipat sa Team B para maging mga supporting members. Nagtapos si Ayumi Orii pagkatapos nito, ngunit pagkatapos ng kanyang pagtatapos, lumabas siya sa Crayon Friends from AKB48, isang sub-unit ng AKB48.
2011
Ang unang labas na “single” para sa taon ay ang "Sakura no Ki ni Narō". Nilabas ito noong Pebrero 16. Naka abot ng 655,000 na kopya ang nabenta mula sa unang araw ng paglabas ng AKB48 ng “single” na ito. Tinalo nito ang dating “top record” nilang single “Beginner” na bumenta naman ng 568,000 na kopya sa unang araw ng labas. Ito ay bumenta ng hanggang 942,479 na kopya sa unang linggo ng paglabas, at ito ang pinakamataas na record ng AKB48 sa panahong iyon.
Nung Pebrero, inihayag na sina Yūki Kanazawa at Manami Oku ay mag-tatapos na bilang miyembro ng grupong AKB48.
Ang kanilang pangatlong “studio album” na “Koko ni Ita Koto” (ここにいたこと?) ay inihayag noong 21 Pebrero 2011. Ito ang kanilang kauna-unahang orihinal na “album” (kumpara sa dati na mga pagtitipon ng mga nailabas na “singles”). May laman itong labing isang (11) bagong mga kanta na hindi pa nailalabas dati, kasama dito ang “title track Koko ni Ita Koto”. Ito ay itinakdang ma-“release” sa Japan noong 6 Abril 2011.
Inanunsiyo nila sa kanilang “blog” nung 12 Marso 2011 na pansamantalang magsasara ang “AKB Theater” dahil sa naganap na trahedyang “2011 Tohoku earthquake and tsunami” pati na din lahat ng kanilang mga palabas pangpubliko ay pansamantalang na kansela. Pagkalipas ng dalawang araw, na anunsiyo sa kanilang “official blog” na ang kanilang konsiyertong “Takamina ni tsuite ikimasu (たかみなについて行きます?, lit. "(We) will follow Takamina" na sana ay gaganapin noong Marso 25-27, 2011 sa “Yokohama Arena” ay kanila ring kinanselang pansamantala. Naglungsad sila ng proyektong kanilang tinawag na “Dareka no Tame ni" (誰かのために lit. "For someone's sake"?)-(“para sa kapakanan ng iba”). Ginamit nila ang “Yokohama Arena” para sa kanilang “charity event” na ginanap sa loob ng dalawang araw na nagsimula ng 26 Marso 2011. 12 sa kanilang mahalaga o pinaka sikat na miyembro ay pumunta naman sa “Okinawa International Movie Festival“ noong Marso 26 para din sa kawanggawa para sa mga biktima ng “2011 Tohoku earthquake and tsunami”. Tatlong araw pagkaraan nito, kanilang inanunsiyo na maghahandog sila ng ¥500 milyon (humigit – kumulang P 250 milyon) para sa mga biktima ng trahedya. Ang nasabing donasyon ay nanggaling sa AKB48, SKE48, NMB48, SDN48 at sa kanilang “producer” na si Yasushi Akimoto. Sa araw na iyon, inanunsiyo din nila na kanilang ipagpapaliban ang paglabas ng kanilang album na ,Koko ni Ita Koto (ここにいたこと?) at sinabi rin nila na parte ng kikitain ng “album” na iyon ay ibibigay din nila sa mga biktima ng trahedya. Bukod dito, inihayag din nila na gaganapin nila ang “senbatsu election” para mapili ang mga myembrong gaganap sa kanilang pang 22 na “single”. Nung Abril 1, naglabas sila ng “single” na "Dareka no Tame ni (What can I do for someone?)" (誰かのために -What can I do for someone?-?). Sa pamamagitan ng “Recochoku website” pwede itong mabili bilang “digital download” at lahat ng kikitain nito ay kanilang ihahandog sa mga biktima ng trahedya ng lindol at tsunami. (ang “. Dareka no Tame ni” ay dati na nilang kanta na kasama sa isang “live” album na nilabas nila noong 2007)
Nung Abril 6, nagtapos si Manami Oku pagkawakas ng pagtanghal ng “Team B stage”.
Nung Mayo 1, may ibinalita na may lilikhaing bagong 48 na grupo na HKT48. Ito ay nakapwesto sa “Fukuoka sa Kyushu” at ang “theater” nito ay matatagpuan sa “Hawks Town Mall of Fukuoka’s Chuo ward”.
Nung Mayo 3, Ihinayag sa “The Straits Times” na ang AKB48 ay magbubukas ng kauna-unahang “overseas theater” nila sa Singapore. Ito ay matatagpuan sa SCAPE Youth Park. 16 na miyembro ng AKB48 at mga iba pang grupong 48 ay nakatakdang gumanap dito ng dalawang araw sa isang buwan na may dalawang pagganap kada araw. Nagbukas ito nuong 14 Mayo 2011 at unang beses silang nagtanghal nuong 15 Mayo 2011 doon. Nagbukas din sa SCAPE Youth Park, Singapore ng “AKB48 Café” nuong 25 Hunyo 2011. Sabi nila, iyon daw ang pinaka-unang “AKB48 café” na maghahanda ng “Japanese fusion cuisine” at mga panghimagas.
Ibinalita ng “AKB staff blog” na dalawang “trainee” na sina Nau Yamaguchi at Sara Ushikobu ay aalis ng grupo at hindi nila sinabi kung ano ang rason. Ang huli nilang pagtanghal bilang miyembro ng grupo ay 19 Hunyo 2011.
Nilabas ng AKB48 ang kanilang pang 21 na “single album” na "Everyday, Kachūsha" noong 25 Mayo 2011. Sa unang araw ng paglabas nito, 942,475 na kopya ang kanilang nabenta at 1,333,969 na kopya naman ang nabenta sa unang linggo kaya ito ang nagging pinakamabentang “single” sa Japan base sa mga kopyang nabenta sa unang linggo nung panahong iyon.
Nung 7 Hunyo 2011, ibinalita ng AKB48 na magbubuo sila ng bagong koponan na kanilang binansagang “Team 4” bago nila ganapin ang kanilang “nationwide tour concerts” sa Japan. Ang bagong koponan na ito ay may sampung miyembro (magdadagdag pa sila ng anim para maging 16 ang miyembro kapag may napili nang mga idadagdag). Ang team na ito ay ang dating 'Team Kenkyuusei' (mga “trainee” o estudyante ng AKB48).
Nung 11 Hunyo 2011, ibinalita sa isa nilang “handshake event” na may bagong babae na tatanggapin sa AKB48 bilang “Kenkyuusei” na si Aimi Eguchi (nag “audition” daw sya para sa NMB48 pero sa AKB48 sya tatanggapin). Napag-alaman na pakana lang pala ito para sa kanilang iniindorso na produktong “Ice no Mi” ng Glico at di pala tunay na tao si Aimi Eguchi.
Inihayag ng Oricon nung 22 Hunyo 2011 na base sa kanilang ranggo ng pagbenta noong unang kalahating yugto ng taong 2011, ang grupong AKB48 ay nagpakita ng pinakamalas na pagbenta ng “singles”. Ang AKB48 lang ang nagkaroon ng bentang dalawang milyon poara sa kanilang “singles” na “Everyday, Kachūsha at "Sakura no Ki ni Narō". Ang mga ito ay ang mga pinakamalakas at pangalawang pinakamalakas na nabentang “singles”. Sa isang pagsusuri para sa panahong 27 Disyembre 2010 hanggang 20 Hunyo 2011, napag-alaman na kumita ng humigit-kumulang na ¥6.66 bilyon ang AKB48 mula sa pagbenta ng kanilang paninda.
Ibinalita ng “producer” ng AKB48 na si Yasushi Akimoto noong 28 Hunyo 2011 na gagawa siya ng isang grupong magiging karibal ng AKB48. Binansagan nya ito ng pangalang “Nogizaka46 (乃木坂46?) “. Nasabi din na Maguumpisa ang grupong ito na may 20 na miyembro. Isiniwalat ni Yasushi Akimoto na nabuo ang grupong ito sa kanyang pakikipag ugnayan sa “Sony Music Japan” para mag “produce” ng nasabing karibal na grupo.
Nung Agusto 22, 2011, inilabas ng AKB48 ang kanilang pang 22 na “single” ang “Flying Get (フライングゲット Furaingugetto?)”. Ito ay nakabenta ng 1,025,952 na kopya sa unang araw ng paglabas at 1,354,000 sa unang linggo ng paglabas. Ang “Flying Get “ ay ang pang apat na “single” ng AKB48 na nakabenta ng higit sa isang milyong kopya sa unang linggo ng paglabas.
Dalawang AKB48 “Kenkyuusei” o “trainees” ang idadagdag para sa “Team 4” ng AKB48 nung 23 Hulyo 2011. Ang dalawang ito ay sina Abe Maria at Iriyama Anna. Nung oras rin nay un, ibinunyag din nila na may napili nang lider ng “Team 4” na walang iba kundi si Oba Mina.
Nagpalabas muli ng kanilang pang 23 na major “single” (Kaze wa Fuiteiru) ang AKB48 noong 26 Oktubre 2011. Ito ay bumenta ng 1,045,937 na kopya sa unang araw ng paglabas at ito din ang nagging bagong tala ng pinakamabentang “single” ng AKB48 base sa unang araw ng paglabas. Pagkatapos nito, naglabas sila muli ng kanilang pang 24 na “single” (Ue kara Mariko) noong 7 Disyembre 2011. Ito naman ay nakabenta ng 1,199,000 na kopya sa unang linggo ng labas nito.
Para sa taong 2011, ang AKB48 ay nanguna sa pito (7) ng 16 na batayan ng Oricon “top rankings”. Kasama sa pinangunahan nilang mga kategorya ay ang mga sumusunod: “Total sales by an artist, Copies sold for a single, Total sales for a single, Total sales by an artist (for singles), Copies sold for a music Blu-ray disc, Total sales for a music Blu-ray disc and Total sales by an artist (for Blu-rays discs)”. Bukod dito, ibinalita din na ang AKB48 ay humahawak ng mga titolong “all-time records for the most singles selling over 1 million copies in a year, the best-selling single by a female group and the highest-earning female group”. Nanalo din sa “53rd Japan Record Award” ang “Flying Get.single” ng AKB48.
Miyembro (2017 Enero)
Team A
Pangalan[21] | Petsa ng Kapanganakan (edad) | "Senbatsu Sousenkyō" Resulta | |||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
1[22] | 2[23] | 3[24] | 4[25] | 5[26] | 6[27] | 7[28] | 8[29] | ||
Anna Iriyama (入山 杏奈 Iriyama Anna) | 3 Disyembre 1995 | N/A | N/A | N/A | 30 | 20 | 18 | ||
Shizuka Oya (大家 志津香 Ōya Shizuka) | 28 Disyembre 1991 | N/A | N/A | 29 | 59 | N/A | N/A | N/A | N/A |
Natsuki Kojima (小嶋 菜月 Kojima Natsuki) | 8 Marso 1995 | N/A | N/A | N/A | N/A | N/A | N/A | ||
Yukari Sasaki (佐々木 優佳里 Sasaki Yukari) | 28 Agosto 1995 | N/A | N/A | 47 | 50 | 38 | |||
Miru Shiroma (白間 美瑠 Shiroma Miru) | 14 Oktubre 1997 | N/A | N/A | N/A | 43 | 34 | 24 | ||
Kayoko Takita (田北 香世子 Takita Kayoko) | 13 Pebrero 1997 | N/A | N/A | N/A | |||||
Megu Taniguchi (谷口 めぐ Taniguchi Megu) | 12 Nobyembre 1998 | N/A | N/A | 69 | |||||
Chiyori Nakanishi (中西 智代梨 Nakanishi Chiyori) | 12 Mayo 1995 | N/A | N/A | N/A | N/A | N/A | |||
Yui Hiwatashi (樋渡 結依 Hiwatashi Yui) | 30 Abril 2000 | N/A | |||||||
Miho Miyazaki (宮崎 美穂 Miyazaki Miho) | 30 Hulyo 1993 | 18 | 21 | 27 | 38 | N/A | 78 | N/A | 78 |
Sakura Miyawaki (宮脇 咲良 Miyawaki Sakura) | 19 Marso 1998 | 47 | 26 | 11 | 7 | 6 | |||
Nanami Yamada (山田 菜々美 Yamada Nanami)[a] | 9 Pebrero 1999 | N/A | N/A | N/A | |||||
Yui Yokoyama (横山 由依 Yokoyama Yui) | 8 Disyembre 1992 | N/A | 19 | 15 | 13 | 13 | 10 | 11 |
Team K
Pangalan[30] | Petsa ng Kapanganakan (edad) | "Senbatsu Sousenkyō" Resulta | |||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
1[22] | 2[23] | 3[24] | 4[25] | 5[26] | 6[27] | 7[28] | 8[29] | ||
Maria Abe (阿部 マリア Abe Maria) | 29 Nobyembre 1995 | N/A | N/A | N/A | N/A | N/A | |||
Manami Ichikawa (市川 愛美 Ichikawa Manami) | 26 Agosto 1999 | N/A | N/A | N/A | |||||
Haruka Kodama (兒玉 遥 Kodama Haruka) | 19 Setyembre 1996 | N/A | 37 | 21 | 17 | 9 | |||
Ayana Shinozaki (篠崎 彩奈 Shinozaki Ayana) | 8 Enero 1996 | N/A | N/A | N/A | 78 | N/A | |||
Haruka Shimada (島田 晴香 Shimada Haruka) | 16 Disyembre 1992 | N/A | N/A | N/A | N/A | N/A | N/A | N/A | |
Hinana Shimoguchi (下口 ひなな Shimoguchi Hinana) | 19 Hulyo 2001 | N/A | N/A | N/A | |||||
Mariya Suzuki (鈴木 まりや Suzuki Mariya) | 29 Abril 1991 | N/A | N/A | N/A | N/A | N/A | N/A | N/A | N/A |
Yuuka Tano (田野 優花 Tano Yūka) | 7 Marso 1997 | 45 | 38 | 45 | 47 | N/A | |||
Ikumi Nakano (中野 郁海 Nakano Ikumi)[b] | 20 Agosto 2000 | N/A | N/A | N/A | |||||
Nana Fujita (藤田 奈那 Fujita Nana) | 28 Disyembre 1996 | N/A | N/A | N/A | N/A | N/A | N/A | N/A | |
Minami Minegishi (峯岸 みなみ Minegishi Minami) | 15 Nobyembre 1992 | 16 | 14 | 15 | 14 | 18 | 22 | 19 | 17 |
Mion Mukaichi (向井地 美音 Mukaichi Mion) | 29 Enero 1998 | N/A | 44 | 13 | |||||
Tomu Mutou (武藤 十夢 Mutō Tomu) | 25 Nobyembre 1994 | 49 | 45 | 24 | 16 | 10 | |||
Shinobu Mogi (茂木 忍 Mogi Shinobu) | 16 Pebrero 1997 | N/A | N/A | N/A | 57 | 47 | |||
Ami Yumoto (湯本 亜美 Yumoto Ami) | 3 Oktubre 1997 | N/A | N/A | N/A |
Team B
Pangalan[31] | Petsa ng Kapanganakan (edad) | "Senbatsu Sousenkyō" Resulta | |||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
1[22] | 2[23] | 3[24] | 4[25] | 5[26] | 6[27] | 7[28] | 8[29] | ||
Ryoka Oshima (大島 涼花 Ōshima Ryōka) | 21 Oktubre 1998 | N/A | N/A | 80 | N/A | 32 | |||
Yuki Kashiwagi (柏木 由紀 Kashiwagi Yuki) | 15 Hulyo 1991 | 9 | 8 | 3 | 3 | 4 | 3 | 2 | 5 |
Rena Kato (加藤 玲奈 Katō Rena) | 10 Hulyo 1997 | N/A | N/A | N/A | 32 | 28 | 26 | ||
Yuria Kizaki (木﨑 ゆりあ Kizaki Yuria) | 11 Pebrero 1996 | 31 | 22 | 23 | 22 | 37 | |||
Moe Goto (後藤 萌咲 Gotō Moe) | 20 Mayo 2001 | N/A | N/A | N/A | |||||
Nagisa Sakaguchi (坂口 渚沙 Sakaguchi Nagisa)[c] | 23 Disyembre 2000 | N/A | N/A | N/A | |||||
Miyu Takeuchi (竹内 美宥 Takeuchi Miyu) | 12 Enero 1996 | N/A | N/A | N/A | N/A | N/A | |||
Makiho Tatsuya (達家 真姫宝 Tatsuya Makiho) | 19 Oktubre 2001 | N/A | N/A | N/A | |||||
Miku Tanabe (田名部 生来 Tanabe Miku) | 2 Disyembre 1992 | N/A | N/A | N/A | N/A | N/A | 71 | ||
Seina Fukuoka (福岡 聖菜 Fukuoka Seina) | 1 Agosto 2000 | N/A | N/A | N/A | |||||
Chia-ling Ma (馬 嘉伶 Ma Chia-ling) | 21 Disyembre 1996 | N/A | |||||||
Nako Yabuki (矢吹 奈子 Yabuki Nako) | 18 Hunyo 2001 | N/A | N/A | 28 | |||||
Aeri Yokoshima (横島 亜衿 Yokoshima Aeri) | 17 Disyembre 1999 | N/A | N/A | N/A | |||||
Mayu Watanabe (渡辺 麻友 Watanabe Mayu) | 26 Marso 1994 | 4 | 5 | 5 | 2 | 3 | 1 | 3 | 2 |
Team 4
Pangalan[32] | Petsa ng Kapanganakan (edad) | "Senbatsu Sousenkyō" Resulta | |||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
1[22] | 2[23] | 3[24] | 4[25] | 5[26] | 6[27] | 7[28] | 8[29] | ||
Miyabi Iino (飯野 雅 Iino Miyabi) | 29 Setyembre 1997 | N/A | N/A | N/A | |||||
Rina Izuta (伊豆田 莉奈 Izuta Rina) | 26 Nobyembre 1995 | N/A | N/A | N/A | N/A | N/A | N/A | ||
Saho Iwatate (岩立 沙穂 Iwatate Saho) | 4 Oktubre 1994 | N/A | N/A | 66 | N/A | 51 | |||
Rio Okawa (大川 莉央 Ōkawa Rio) | 1 Marso 2001 | N/A | N/A | N/A | |||||
Miyuu Omori (大森 美優 Ōmori Miyū) | 3 Setyembre 1998 | N/A | N/A | N/A | 67 | 73 | |||
Ayaka Okada (岡田 彩花 Okada Ayaka) | 6 Nobyembre 1998 | N/A | N/A | N/A | N/A | 57 | |||
Nana Okada (岡田 奈々 Okada Nana) | 7 Nobyembre 1997 | N/A | 51 | 29 | 14 | ||||
Saya Kawamoto (川本 紗矢 Kawamoto Saya) | 31 Agosto 1998 | N/A | N/A | 27 | |||||
Ryoha Kitagawa (北川 綾巴 Kitagawa Ryōha) | 9 Oktubre 1998 | N/A | N/A | 66 | 64 | ||||
Saki Kitazawa (北澤 早紀 Kitazawa Saki) | 5 Hunyo 1997 | N/A | N/A | N/A | N/A | N/A | |||
Mako Kojima (小嶋真子 Kojima Mako) | 30 Mayo 1997 | N/A | 36 | 26 | 19 | ||||
Haruka Komiyama (込山 榛香 Komiyama Haruka) | 12 Setyembre 1998 | N/A | N/A | 21 | |||||
Kiara Sato (佐藤 妃星 Satō Kiara) | 11 Agosto 2000 | N/A | N/A | N/A | |||||
Nagisa Shibuya (渋谷 凪咲 Shibuya Nagisa) | 25 Agosto 1996 | N/A | N/A | 58 | 56 | ||||
Juri Takahashi (高橋 朱里 Takahashi Juri) | 3 Oktubre 1997 | N/A | N/A | 28 | 25 | 15 | |||
Mio Tomonaga (朝長 美桜 Tomonaga Mio) | 17 Mayo 1998 | 59 | 27 | 21 | 23 | ||||
Rena Nozawa (野澤 玲奈 Nozawa Rena) | 6 Mayo 1998 | N/A | N/A | ||||||
Yuiri Murayama (村山 彩希 Murayama Yuiri) | 15 Hunyo 1997 | N/A | N/A | N/A |
Team 8
Pangalan | Petsa ng Kapanganakan (edad) | Prepektura | |||||
---|---|---|---|---|---|---|---|
Hokkaido & Tōhoku | |||||||
Sakaguchi Nagisa (坂口 渚沙) | 23 Disyembre 2000 | Prepektura ng Hokkaido | |||||
Yokoyama Yui (横山 結衣) | 22 Pebrero 2001 | Aomori | |||||
Tanikawa Hijiri (谷川 聖) | 26 Disyembre 2000 | Akita | |||||
Satō Nanami (佐藤 七海) | 19 Enero 2000 | Iwate | |||||
Hayasaka Tsumugi (早坂 つむぎ) | 12 Mayo 2001 | Yamagata | |||||
Satō Akari (佐藤 朱) | 9 Nobyembre 1996 | Miyagi | |||||
Mōgi Kasumi (舞木 香純) | 28 Abril 1997 | Fukushima | |||||
Kantō | |||||||
Okabe Rin (岡部 麟) | 7 Nobyembre 1996 | Ibaraki | |||||
Honda Hitomi (本田 仁美) | 6 Oktubre 2001 | Tochigi | |||||
Shimizu Maria (清水 麻璃亜) | 29 Setyembre 1997 | Gunma | |||||
Takahashi Ayane (髙橋 彩音) | 30 Disyembre 1997 | Saitama | |||||
Yoshikawa Nanase (吉川 七瀬) | 21 Hulyo 1998 | Chiba | |||||
Oguri Yui (小栗 有以) | 26 Disyembre 2001 | Prepektura ng Tokyo | |||||
Oda Erina (小田 えりな) | 25 Abril 1997 | Kanagawa | |||||
Satō Shiori (佐藤 栞) | 3 Pebrero 1998 | Niigata | |||||
Hidaritomo Ayaka (左伴 彩佳) | 29 Hulyo 1998 | Yamanashi | |||||
Chūbu | |||||||
Utada Hatsuka (歌田 初夏) | 28 Hulyo 2002 | Aichi | |||||
Yokomichi Yuri (横道 侑里) | 23 Oktubre 2000 | Shizuoka | |||||
Hattori Yuna (服部 有菜) | 30 Marso 2001 | Gifu | |||||
Noda Hinano (野田 陽菜乃) | 8 Pebrero 2004 | Mie | |||||
Hashimoto Haruna (橋本 陽菜) | 25 Mayo 2000 | Toyama | |||||
Hirano Hikaru (平野 ひかる) | 29 Enero 2003 | Ishikawa | |||||
Chō Kurena (長 久玲奈) | 11 Mayo 2000 | Fukui | |||||
Takahashi Sayaka (髙橋 彩香) | 22 Nobyembre 2001 | Nagano | |||||
Kansai | |||||||
Nagano Serika (永野 芹佳) | 27 Marso 2001 | Osaka | |||||
Ōta Nao (太田 奈緒) | 5 Disyembre 1994 | Kyoto | |||||
Yamada Nanami (山田 菜々美) | 9 Pebrero 1999 | Hyōgo | |||||
Yamamoto Ruka (山本 瑠香) | 10 Oktubre 2000 | Wakayama | |||||
Ōnishi Momoka (大西 桃香) | 20 Setyembre 1997 | Nara | |||||
Hama Sayuna (濵 咲友菜) | 20 Agosto 2001 | Shiga | |||||
Chūgoku & Shikoku | |||||||
Nakano Ikumi (中野 郁海) | 20 Agosto 2000 | Tottori | |||||
Abe Mei (阿部 芽唯) | 9 Pebrero 2001 | Shimane | |||||
Hitomi Kotone (人見 古都音) | 19 Enero 2001 | Okayama | |||||
Tani Yuri (谷 優里) | 19 Hulyo 1999 | Hiroshima | |||||
Shitao Miu (下尾 みう) | 3 Abril 2001 | Yamaguchi | |||||
Hamamatsu Riona (濵松 里緒菜) | 28 Hulyo 1995 | Tokushima | |||||
Gyōten Yurina (行天 優莉奈) | 14 Marso 1999 | Kagawa | |||||
Takaoka Kaoru (高岡 薫) | 29 Nobyembre 2000 | Ehime | |||||
Hirose Natsuki (廣瀬 なつき) | 9 Hunyo 1997 | Kōchi | |||||
Kyushu | |||||||
Yoshida Karen (吉田 華恋) | 27 Hulyo 2002 | Fukuoka | |||||
Fukuchi Rena (福地 礼奈) | 2 Mayo 1996 | Saga | |||||
Terada Misaki (寺田 美咲) | 26 Disyembre 1999 | Nagasaki | |||||
Kuranoo Narumi (倉野尾 成美) | 8 Nobyembre 2000 | Kumamoto | |||||
Yoshino Miyu (吉野 未優) | 16 Pebrero 2001 | Ōita | |||||
Yaguchi Moka (谷口 もか) | 28 Mayo 2001 | Miyazaki | |||||
Shimoaoki Karin (下青木 香鈴) | 28 Oktubre 2000 | Kagoshima | |||||
Miyazato Rira (宮里 莉羅) | 30 Marso 2002 | Okinawa |
Kenkyūsei (Ikalawang Henerasyon ng mga Draft na Miyembro)
Ang bawat miyembro ng "2nd 48Group Draft" (ドラフト二期生, Dorafuto nikisei) ay nakatakda sa isang tiyak na pangkat.
Pangalan | Petsa ng Kapanganakan (edad) | Team | "Senbatsu Sousenkyō" Resulta | |||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
1[22] | 2[23] | 3[24] | 4[25] | 5[26] | 6[27] | 7[28] | 8[29] | |||
Satone Kubo (久保怜音 Kubo Satone) | 20 Nobyembre 2003 | Team K [30] | N/A | |||||||
Nao Nomura (野村奈央 Nomura Nao) | 10 Agosto 1999 | Team K [30] | N/A | |||||||
Kira Takahashi (高橋希良 Takahashi Kira) | 14 Enero 2001 | Team B [31] | N/A | |||||||
Rei Nishikawa (西川怜 Nishikawa Rei) | 25 Oktubre 2003 | Team B [31] | N/A | |||||||
Ayu Yamabe (山邊步夢 Yamabe Ayu) | 3 Pebrero 2002 | Team B [31] | N/A | |||||||
Erii Chiba (千葉恵里 Chiba Erii) | 27 Oktubre 2003 | Team 4 [32] | N/A |
Kenkyūsei (Ika-Labing-Anim na Henerasyon)
Noong 8 Disyembre 2016, sa okasyon ng ika-11 Anibersaryo ng AKB48, 19 mga batang babae na naging mga miyembro ng ika-16 na henerasyon ng Kenkyūsei ay nagkaroon ng isang pasinaya pagganap sa AKB48 mula sa Akihabara Theater.
Pangalan[33] | Petsa ng Kapanganakan (edad) |
---|---|
Nanami Asai (浅井七海 Asai Nanami) | 20 Mayo 2000 |
Kaori Inagaki (稲垣香織 Inagaki Kaori) | 31 Oktubre 1997 |
Izumi Umemoto (梅本和泉 Umemoto Izumi) | 16 Oktubre 1998 |
Haruka Kurosu (黒須遥香 Kurosu Haruka) | 28 Pebrero 2001 |
Minami Sato (佐藤美波 Sato Minami) | 3 Agosto 2003 |
Nagisa Shouji (庄司なぎさ Shouji Nagisa) | 29 Oktubre 2000 |
Kurumi Suzuki (鈴木くるみ Suzuki Kurumi) | 2 Setyembre 2004 |
Manaka Taguchi (田口愛佳 Taguchi Manaka) | 12 Disyembre 2003 |
Misaki Taya (多屋美咲 Taya Misaki) | 14 Hulyo 2004 |
Ayami Nagatomo (長友彩海 Nagatomo Ayami) | 2 Nobyembre 2000 |
Nanami Noguchi (野口菜々美 Noguchi Nanami) | 17 Setyembre 2003 |
Nanami Harima (播磨七海 Harima Nanami) | 2 Agosto 2004 |
Mai Honma (本間麻衣 Honma Mai) | 6 Setyembre 2002 |
Ayaka Maeda (前田彩佳 Maeda Ayaka) | 18 Disyembre 2000 |
Saki Michieda (道枝咲 Michieda Saki) | 20 Disyembre 2003 |
Orin Mutou (武藤小麟 Mutou Orin) | 22 Hulyo 2000 |
Kana Yasuda (安田叶 Yasuda Kana) | 11 Marso 2002 |
Mizuki Yamauchi (山内瑞葵 Yamauchi Mizuki) | 20 Setyembre 2001 |
Suzuha Yamane (山根涼羽 Yamane Suzuha) | 11 Agosto 2000 |
Mga Nagtapos Na Miyembro
- Pangunahing lathalain: List of former members of AKB48
Diskograpiya
Singles
# | Pamagat | Petsa ng Paglabas | Kabuuang Benta | |||
---|---|---|---|---|---|---|
DefStar Records | ||||||
1 | Aitakatta (会いたかった) | 25 Oktubre 2006 | 55,308 | |||
2 | Seifuku ga Jama wo Suru (制服が邪魔をする) | 31 Enero 2007 | 21,989 | |||
3 | Keibetsu Shiteita Aijou (軽蔑していた愛情) | 18 Abril 2007 | 22,671 | |||
4 | BINGO ! | 18 Hulyo 2007 | 25,611 | |||
5 | Boku no Taiyou (僕の太陽) | 8 Agosto 2007 | 28,840 | |||
6 | Yuuhi wo Miteiru ka? (夕陽を見ているか?) | 31 Oktubre 2007 | 18,429 | |||
7 | Romance de Irane (ロマンス、イラネ) | 23 Enero 2008 | 23,209 | |||
8 | Sakura no Hanabiratachi 2008 (桜の花びらたち2008) | 27 Pebrero 2008 | 25,482 | |||
You de Be Cool!/KING RECORDS | ||||||
10 | Oogoe Diamond (大声ダイヤモンド) | 22 Oktubre 2008 | 96,566 | |||
11 | 10nen Sakura (10年桜) | 4 Marso 2009 | 124,700 | |||
12 | Namida Surprise! (涙サプライズ!) | 24 Hunyo 2009 | 168,826 | |||
13 | Iiwake Maybe (言い訳Maybe) | 26 Agosto 2009 | 145,776 | |||
14 | RIVER | 21 Oktubre 2009 | 260,553 | |||
15 | Sakura no Shiori (桜の栞) | 17 Pebrero 2010 | 404,696 | |||
16 | Ponytail to Shushu (ポニーテールとシュシュ) | 26 Mayo 2010 | 740,291 | |||
17 | Heavy Rotation (ヘビーローテーション) | 18 Agosto 2010 | 881,519 | |||
18 | Beginner | 27 Oktubre 2010 | 1,039,362 | |||
19 | Chance no Junban (チャンスの順番) | 8 Disyembre 2010 | 694,042 | |||
20 | Sakura no Ki ni Narou (桜の木になろう) | 16 Pebrero 2011 | 1,081,686 | |||
21 | Everyday, Kachuusha (Everyday、カチューシャ) | 25 Mayo 2011 | 1,608,299 | |||
22 | Flying Get (フライングゲット) | 24 Agosto 2011 | 1,625,849 | |||
23 | Kaze wa Fuiteiru (風は吹いている) | 26 Oktubre 2011 | 1,457,113 | |||
24 | Ue Kara Mariko (上からマリコ) | 7 Disyembre 2011 | 1,304,903 | |||
25 | GIVE ME FIVE ! | 15 Pebrero 2012 | 1,436,519 | |||
26 | Manatsu no Sounds Good ! (真夏のSounds good !) | 23 Mayo 2012 | 1,822,220 | |||
27 | Gingham Check (ギンガムチェック) | 29 Agosto 2012 | 1,316,240 | |||
28 | UZA | 31 Oktubre 2012 | 1,263,148 | |||
29 | Eien Pressure (永遠プレッシャー) | 5 Disyembre 2012 | 1,206,869 | |||
30 | So Long! | 20 Pebrero 2013 | 1,132,853 | |||
31 | Sayonara Crawl (さよならクロール) | 22 Mayo 2013 | 1,955,800 | |||
32 | Koi Suru Fortune Cookie (恋するフォーチュンクッキー) | 21 Agosto 2013 | 1,548,596 | |||
33 | Heart Electric (ハート・エレキ) | 30 Nobyembre 2013 | 1,294,197 | |||
34 | Suzukake no Ki no Michi de "Kimi no Hohoemi wo Yume ni Miru" to Itteshimattara Bokutachi no Kankei wa Dou Kawatte Shimau Noka, Bokunari ni Nannichi ka Kangaeta |
11 Disyembre 2013 | 1,086,491 | |||
35 | Mae shika mukanē (前しか向かねえ) | 26 Pebrero 2014 | 1,153,906 | |||
36 | Labrador Retriever (ラブラドール・レトリバー) | 21 Mayo 2014 | 1,787,367 | |||
37 | Kokoro no Placard (心のプラカード) | 27 Agosto 2014 | 1,061,976 | |||
38 | Kibōteki Refrain (希望的リフレイン) | 26 Nobyembre 2014 | 1,199,429 | |||
39 | Green Flash | 4 Marso 2015 | 1,045,492 | |||
40 | Bokutachi wa Tatakawanai (僕たちは戦わない) | 20 Mayo 2015 | 1,782,897 | |||
41 | Halloween Night | augusto 26, 2015 | 1,331,573 | |||
42 | Kuchibiru ni Be My Baby (唇にBe My Baby) | 9 Disyembre 2015 | 1,090,171 | |||
43 | Kimi wa Melody (君はメロディー) | 9 Marso 2016 | 1,295,645 | |||
44 | Tsubasa wa Iranai (翼はいらない) | 1 Hunyo 2016 | 1,519,387 | |||
45 | LOVE TRIP/Shiawase o Wakenasai (しあわせを分けなさい) | 31 Agosto 2016 | 1,215,489 | |||
46 | High Tension | 16 Nobyembre 2016 | 1,209,637 | |||
47 | Shoot Sign | 15 Marso 2017 | 1,047,685 | |||
48 | Negaigoto no Mochigusare (願いごとの持ち腐れ) | 31 Mayo 2017 | 1,385,393 | |||
49 | #Sukinanda (
|
30 Agosto 2017 | 1,120,617 | |||
50 | 11gatsu no Anklet (11月のアンクレット) | 22 Nobyembre 2017 | 1,127,395 | |||
51 | Jabaja (ジャーバージャ) | 14 Marso 2018 | 1,172,399 | |||
52 | Teacher Teacher | 30 Mayo 2018 | 1,817,518 | |||
53 | Sentimental Train (センチメンタルトレイン) | 19 Setyembre 2018 | 1,448,900 | |||
54 | No Way Man | 28 Nobyembre 2018 (TBA) | TBA |
Mga Album
# | Pamagat | Petsa ng Paglabas | Kabuuang Benta |
---|---|---|---|
1 | SET LIST 〜Greatest Songs 2006–2007〜 (SET LIST 〜グレイテストソングス 2006-2007〜) | 1 Enero 2008 | 53,583 |
2 | Kamikyokutachi (神曲たち) | 7 Abril 2010 | 565,117 |
※ | SET LIST ~Greatest Songs~ Kanzenban (SET LIST 〜グレイテストソングス〜 完全盤) | 14 Hulyo 2010 | 170,861 |
3 | Koko ni Ita Koto (ここにいたこと) | 13 Abril 2011 | 884,280 |
4 | 1830m (1830m) | 15 Agosto 2012 | 1,042,879 |
5 | Tsugi no Ashiato (次の足跡) | 22 Enero 2014 | 1,041,951 |
6 | Koko ga Rhodes da, Koko de Tobe (ここがロドスだ、 ここで跳べ) | 21 Enero 2015 | 780,591 |
7 | 0 to 1 no Aida (0と1の間) | 18 Nobyembre 2015 | 715,109 |
8 | Thumbnail (サムネイル) | 25 Enero 2017 | 623,132 |
9 | Bokutachi wa, Ano Hi no Yoake wo Shitteiru (僕たちは、あの日の夜明けを知っている) | 24 Enero 2018 | 584,547 |
Teatro Album
# | Pamagat | Petsa ng Paglabas |
---|---|---|
1 | Team A 1st Stage "PARTY ga Hajimaru yo" (チームA 1st Stage「PARTYが始まるよ」) | 7 Marso 2007 |
2 | Team A 2nd Stage "Aitakatta" (チームA 2nd Stage「会いたかった」) | |
3 | Team A 3rd Stage "Dareka no Tame ni" (チームA 3rd Stage「誰かのために」) | |
4 | Team K 1st Stage "PARTY ga Hajimaru yo" (チームK 1st Stage「PARTYが始まるよ」) | |
5 | Team K 2nd Stage "Seishun Girls" (チームK 2nd Stage「青春ガールズ」) | |
6 | Team K 3rd Stage "Nonai Paradise" (チームK 3rd Stage「脳内パラダイス」) | |
7 | Team A 5th Stage "Renai Kinshi Jourei" (チームA 5th Stage 「恋愛禁止条例」) | 11 Agosto 2009 |
8 | Team K 5th Stage "Saka Agari" (チームK 5th Stage 「逆上がり」) | |
9 | Team B 4th Stage "Idol no Yoake" (チームB 4th Stage 「アイドルの夜明け」) | |
10 | Team K 6th Stage "RESET" (チームK 6th Stage 「RESET」) | 7 Agosto 2010 |
11 | Team B 5th Stage "Theater no Megami" (チームB 5th Stage 「シアターの女神」) | |
12 | Team A 6th Stage "Mokugekisha" (チームA 6th Stage 「目撃者」) | 18 Setyembre 2010 |
13 | Team 4 1th Stage "Boku no Taiyou" (チーム4 1th Stage 「僕の太陽」) | 22 Enero 2013 |
Mga DVD
- SPECIAL EDITION AKB48 「Memories」
- チームA 1st Stage「PARTYが始まるよ」(Team A Party ga Hajimaruyo)
- チームA 2nd Stage「会いたかった」(Team A 2nd Stage Aitakatta)
- チームA 3rd Stage「誰かのために」(Team A 3rd Stage Dareka no Tame ni)
- チームA 4th Stage「ただいま恋愛中」(Team A 4th Stage Tadaima Renai Chuu)
- チームK 1st Stage「PARTYが始まるよ」(Team K 1st Stage Party ga Hajimaruyo)
- チームK 2nd Stage「青春ガールズ」(Team K 2nd Stage Seishun Girls)
- チームK 3rd Stage「脳内パラダイス」(Team K 3nd Stage Nounai Paradise)
- First Concert「会いたかった~柱はないぜ!~」in 日本青年館 Normal Version
- First Concert「会いたかった~柱はないぜ!~」in 日本青年館 Shuffle Version
- First Concert Tour「春のちょっとだけ全国ツアー~まだまだだぜ AKB48!~」in 東京厚生年金会館
Mga Pagtatanghal
Ang mga araw-araw na pagtatanghal ng AKB48 sa AKB48 Theater.
- Team A 1st Stage, Party Ga Hajimaruyo: 8 Disyembre 2005 hanggang 31 Marso 2006
- Team A 2nd Stage, Aitakatta: 15 Abril 2006 hanggang Agusto 11, 2006
- Team A 3rd Stage, Dareka No Tame Ni: 20 Abril 2006 hanggang 25 Enero 2007
- Team A 4th Stage, Tadaima Renai Chuu: 25 Pebrero 2007 hanggang 26 Hunyo 2007
- Team K 1st Stage, Party Ga Hajimaruyo: 1 Abril 2006 hanggang 5 Hulyo 2006
- Team K 2nd Stage, Seishun Girls: 8 Hulyo 2006 hanggang 6 Nobyembre 2006
- Team K 3rd Stage, Nounai Paradise: 17 Disyembre 2006 hanggang 22 Hunyo 2007
- Team B 1st Stage, Seishun Girls: 8 Abril 2007 hanggang 2 Oktubre 2007
- Team B 2nd Stage, Aitakatta: 7 Oktubre 2007 hanggang 21 Pebrero 2008
- Team B 3rd Stage, Pajama Drive: nagsimula noong 1 Marso 2008 at patuloy na nagtatanghal
- Himawari 1st Stage, Boku No Taiyou: 1 Hulyo 2007 hanggang 30 Nobyembre 2007
- Himawari 2nd Stage, Yume Wo Shinaseru Wake Ni Ikanai: nagsimula noong 8 Disyembre 2007 at patuloy na nagtatanghal
Talababa
Mga sanggunian
- ↑ "シングル年間ランキング-ORICON STYLE ランキング" (sa wikang Hapones). Oricon Inc. Nakuha noong 2011-07-17.
{cite web}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "AKB48 Official Site|Where to see them". AKB48. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-12-18.
{cite web}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "What is AKB48? / AKB48 [Official]". AKB48. 2011-02-14. Nakuha noong 2011-06-29.
{cite web}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Japanese Idol Group AKB48 to Perform at MIPCOM". Reuters. 2009-07-28. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-06-16. Nakuha noong 2011-06-29.
{cite web}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2012-11-12 sa Wayback Machine. - ↑ "AKB48 is officially the world's biggest group". 2010-11-15. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-07-18. Nakuha noong 2011-06-29.
{cite web}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Guinness Worlds Records - Largest pop group". Guinness World Records. Nakuha noong 2011-06-29.
{cite web}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "AKB48公式サイト|メンバー情報" (sa wikang Hapones). Inarkibo mula sa orihinal noong 2006-06-13. Nakuha noong 2011-10-11.
{cite web}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2006-06-13 sa Wayback Machine. (might not reflect recent promotion and graduation) - ↑ "第3回選抜総選挙にAKB、SKE、NMB全152名が立候補". Natalie (sa wikang Hapones). Excite Japan Co., Ltd. 2011-04-12. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-06-09. Nakuha noong 2011-07-22.
{cite web}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "AKB48、第3回選抜総選挙の詳細が明らかに". Listen Japan (sa wikang Hapones). MSN (Microsoft). 2011-04-12. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-04-16. Nakuha noong 2011-07-22.
{cite web}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2011-04-16 sa Wayback Machine. - ↑ "第3回選抜総選挙にAKB、SKE、NMB全152名が立候補". Natalie (sa wikang Hapones). Yahoo Japan Corporation. 2011-04-12. Nakuha noong 2011-06-29.
{cite web}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "AKB48『第3回選抜総選挙!選抜メンバーフォト&完全レポート』-ORICON STYLE ミュージック" (sa wikang Hapones). Oricon Inc. 2011-06-09. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-10-02. Nakuha noong 2011-07-22.
{cite web}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "AKBINGO!". AKBINGO!. Panahon 4. Episode 91. Hapon. 2010-07-07. Nippon Television.
{cite episode}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "今月も" (sa wikang Hapones). AKB48 Official Blog. 2005-11-01.
{cite web}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "AKBINGO!". AKBINGO!. Hapon. 2010-07-14. Nippon Television.
{cite episode}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "本日1月22日18時公演よりAKB48に新メンバー篠田麻里子が入りました。" (sa wikang Hapones). AKB48 Official Blog. 2006-01-22.
{cite web}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "インタビュー:AKB48「天然が多いんです」" (sa wikang Hapones). livedoor Co.,Ltd. 2006-10-25.
{cite web}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "AKB48、デビュー作が初登場TOP10入り!モー娘。以来の快挙達成!" (sa wikang Hapones). Oricon. 2006-02-06. Nakuha noong 2010-05-17.
{cite web}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "アーティスト&楽曲検索 会いたかった" (sa wikang Hapones). Oricon. Nakuha noong 2011-04-24.
{cite web}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "チームBオーディション締め切り決定!" (sa wikang Hapones). AKB48 Official Blog. 2006-10-05.
{cite web}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "来年からの新体制について" (sa wikang Hapones). AKB48 Official Blog. 2006-12-19.
{cite web}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "AKB48公式サイト" [AKB48 Official Roster – Team A]. AKB48 official website (sa wikang Hapones). Nakuha noong 5 Enero 2017.
{cite web}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 22.0 22.1 22.2 22.3 22.4 "AKB48 13thシングル選抜総選挙 結果発表" [13th single selection general election result announced]. AKB48 Official Blog (sa wikang Hapones). Ameblo.jp. 2009-07-08. Nakuha noong 2014-01-13.
{cite web}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 23.0 23.1 23.2 23.3 23.4 "AKB48 選抜総選挙 結果" [AKB48 Selection Election]. AKB48 Official Blog (sa wikang Hapones). Ameblo.jp. 2010-06-09. Nakuha noong 2014-01-13.
{cite web}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 24.0 24.1 24.2 24.3 24.4 "AKB48 22ndシングル選抜総選挙結果" [AKB48 22nd Single selection Election]. AKB48 Official Blog (sa wikang Hapones). Ameblo.jp. 2011-06-10. Nakuha noong 2014-01-13.
{cite web}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 25.0 25.1 25.2 25.3 25.4 "AKB48 27thシングル選抜総選挙 開票結果" [AKB48 27th Single selection election vote counting result]. AKB48 Official Blog (sa wikang Hapones). Ameblo.jp. 2012-06-06. Nakuha noong 2014-01-13.
{cite web}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 26.0 26.1 26.2 26.3 26.4 "AKB48 32ndシングル 選抜総選挙" [32nd single selection elections]. AKB48 Official Site (sa wikang Hapones). 2013-06-08.
{cite web}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 27.0 27.1 27.2 27.3 27.4 "AKB48 37thシングル 選抜総選挙" [37th single selection elections]. AKB48 Official Site (sa wikang Hapones). 2014-06-07.
{cite web}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 28.0 28.1 28.2 28.3 28.4 "AKB48 41stシングル 選抜総選挙" [41st single selection elections]. AKB48 Official Site (sa wikang Hapones). 2015-06-06.
{cite web}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 29.0 29.1 29.2 29.3 29.4 Hapones:AKB48公式サイト AKB48 45thシングル 選抜総選挙 [45th single selection elections]. AKB48 Official Site (sa wikang Hapones). Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-06-19. Nakuha noong 2016-07-08.
{cite web}
: Invalid|script-title=
: missing prefix (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 30.0 30.1 30.2 "AKB48公式サイト" [AKB48 Official Roster – Team K]. AKB48 official website (sa wikang Hapones). Nakuha noong 5 Enero 2017.
{cite web}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 31.0 31.1 31.2 31.3 "AKB48公式サイト" [AKB48 Official Roster – Team B]. AKB48 official website (sa wikang Hapones). Nakuha noong 5 Enero 2017.
{cite web}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 32.0 32.1 "AKB48公式サイト" [AKB48 Official Roster – Team 4]. AKB48 official website (sa wikang Hapones). Nakuha noong 5 Enero 2017.
{cite web}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "AKB48公式サイト". akb48.co.jp. Nakuha noong 5 Enero 2017.
{cite web}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga kawing panlabas
- AKB48 official website (Hapones)
- AKB48 official website Naka-arkibo 2010-11-19 sa Wayback Machine. (Ingles)
- Bidyo sa YouTube
- AKB48 King Records website (Hapones)
- AKB48 Official Shop Hong Kong Naka-arkibo 2013-11-25 sa Wayback Machine. (tradisyonal na Tsino)
- AKB48 Official Shop Hong Kong News Naka-arkibo 2011-06-20 sa Wayback Machine. (tradisyonal na Tsino)
- AKB48 Official Singapore Website Naka-arkibo 2012-04-24 sa Wayback Machine. (Ingls)
- Filwota48 Naka-arkibo 2012-03-19 sa Wayback Machine.