Albagiara
Albagiara Ollasta | |
---|---|
Comune di Albagiara (Sardegna) | |
Mga koordinado: 39°47′N 8°52′E / 39.783°N 8.867°E | |
Bansa | Italya |
Rehiyon | Cerdeña |
Lalawigan | Oristano (OR) |
Pamahalaan | |
• Mayor | Marco Marroccu |
Lawak | |
• Kabuuan | 8.87 km2 (3.42 milya kuwadrado) |
Taas | 215 m (705 tal) |
Populasyon (2018-01-01)[2] | |
• Kabuuan | 254 |
• Kapal | 29/km2 (74/milya kuwadrado) |
Sona ng oras | UTC+1 (CET) |
• Tag-init (DST) | UTC+2 (CEST) |
Kodigong Postal | 09090 |
Kodigo sa pagpihit | 0783 |
Websayt | Opisyal na website |
Ang Albagiara (Sardo: Ollasta), ay isang comune (komunidad o munisipalidad) sa Lalawigan ng Oristano, awtonomong rehiyon ng Cerdeña, kanlurang Italya, na matatagpuan mga 70 kilometro (43 mi) hilagang-kanluran ng Cagliari at mga 30 kilometro (19 mi) timog-silangan ng Oristano.
Ang Albagiara ay may hangganan sa mga sumusunod na munisipalidad: Ales, Assolo, Genoni, Gonnosnò, Mogorella, Usellus, at Villa Sant'Antonio. Ang ekonomiya ay nakabatay sa agrikultura at yaring-kahoy.
Kasaysayan
Ang Albagiara ay dating tinatawag na Ollastra Usellus[3] (isa nang independiyenteng munisipalidad mula 1861 hanggang 1927), na pagkatapos ay pinagsama-sama sa Usellus.[4] Nabawi nito ang awtonomiya noong 1959 na may pangalang Ollasta (L.R. n. 1),[5] pagkatapos ay pinalitan ito ng Albagiara noong 1964 (L.R. n. 9).
Mga monumento at tanawin
Pook arkeolohiko
Sa teritoryo ng Albagiara ay mayroong limang nuraghe:
- Nuraghe Bingias
- Nuraghe Furisinu
- Nuraghe Lea
- Nuraghe Lussorio
- Nuraghe Porcili
Mga sanggunian
- ↑ "Superficie di Comuni Province e Regioni italiane al 9 ottobre 2011". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
- ↑ "Popolazione Residente al 1° Gennaio 2018". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
- ↑ Padron:Cita.
- ↑ R.D. 19 agosto 1927, n. 1652
- ↑ "Legge Regionale 1/1959". Nakuha noong 29 marzo 2020.
{cite web}
: Check date values in:|access-date=
(tulong)