Ancient Corinth

37°54′19″N 22°52′49″E / 37.9053455°N 22.8801924°E / 37.9053455; 22.8801924 Ang Corinto (Ingles: Corinth o Korinth; Griyego: Κόρινθος, Kórinthos) ay isang lungsod-estado (polis) na nasa dalahikan ng Corinto (isthmus o tangway ng Corinto), isang makitid na haba ng lupain na nagdurugtong ng Peloponnesus sa punong-lupain ng Gresya, humigit-kumulang na nasa pagitan ng Atenas at ng Isparta. Ang modernong bayan ng Corinto ay nakalagay sa tinatayang 5 kilometro (3.1 mi) hilagang-silangan ng sinaunang mga guho. Magmula noong 1896, ang sistematikong mga pagsisiyasat na pang-arkeolohiya ng Mga Ekskabasyon sa Corinto na isinagawa ng Paaralang Amerikano ng mga Klasikong Pag-aaral sa Atenas ay nakapagpalitaw ng malalaking mga bahagi ng sinaunang lungsod, at ang kamakailang mga paghuhukay na isinagawa ng Ministro ng Kalinganan ng Gresya ay nakapagpalitaw ng mahahalagang bagong mga "tapyas" ng kasinaunahan ("tapyas" ng unang kapanahunan). Para sa mga Kristiyano, ang Corinto ay nakikilala dahil sa dalawang mga aklat na Una at Ikalawang Sulat sa mga taga-Corinto na nasa loob ng Bagong Tipan ng Bibliya.

HeograpiyaGresyaBibliya Ang lathalaing ito na tungkol sa Heograpiya, Gresya at Bibliya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.