Antonín Dvořák
Si Antonin Dvorak, Tseko: Antonín Dvořák (8 Setyembre 1841 – 1 Mayo 1904) ay isang kompositor mula sa Czechoslovakia. Siya ay isa sa pinaka mahusay na kompositor sa buong mundo. Nakatira at sumulat siya sa Tsek (Czech), at nagtrabaho sa Britanya, Russia at Estados Unidos ng Amerika.
At noong 1892 nakatanggap siya ng imbitasyon mula kay Jeannette Thurber. Si Thurber ay ang nagtatag ng Pambansang Konserbatoryo ng Musika sa New York sa USA. Si Antonin Dvorak ay naging Direktor ng Konserbatoryong ito mula 1892 hanggang 1895. Ang kanyang pinaka sikat na komposisyon na Mula sa Bagong Mundo (wikang Inglés: From The New World, wikang Tseko: Novosvětská), ay ginawa niya sa panahon ng tag-sibol at tag-araw noong 1893, at ang unang pagtatanghal nito ay ginawang napaka ganda sa Bulwagan ng Carnegie (Carnegie Hall) noong Disyembre 1893.
Ngunit siya ay nangulila sa kanyang bansa kaya siya bumalik sa Praga (Prague) sa panahon ng tagsibol noong 1895. Siya ay naging direktor ng Praga (Prague) Konserbatoryo ng Musika noong 1901 hanggang sa kanyang kamatayan noong ika 1 ng Mayo 1904. Namatay siya sa edad na 62 taong gulang.