Asasinasyon kay Shinzō Abe

Asasinasyon ni Shinzō Abe
Si Shinzo Abe noong 2022
LokasyonMalapit sa Yamato-Saidaiji Station, Nara, Prepektura ng Nara, Hapon
Petsa8 Hulyo 2022 (2022-07-08)
c. 11:30 JST (UTC+9:00)
TargetShinzo Abe
Uri ng paglusobAsasinasyon sa pamamagitan ng pagbaril
SandataImprovised gun
Namatay1 (Shinzo Abe)

Si Shinzō Abe ay ang dating Punong Ministro ng Hapon na nagserbisyo sa miyembro ng Kapulangan ng mga Kinatawan sa bansang Hapon na binaril noong ika-8 ng Hulyo, taong 2022, 11:30 a.m ng tanghali JST, sa Nara, Prepektura ng Nara sa Hapon, habang dumadalo sa isang politikal event, malapit sa istasyon ng Yamato-Saidaiji, habang siya ay nagsasalita sa kanyang kinakampanyang kandidato para sa darating na halalanng konseho, nagtamo siya ng dalawang bala sa kanyang likuran. Napag-alaman na ang gamit na armas ng suspek ay isang "improvised firearm". Si Tetsuya Yamagami ay dinakip malapit sa pinangyarihan kung saan nabaril si Abe. Kalaunan, si Abe ay isinakay sa isang medical chopper sa Nara Medical University Hospital, at idineklarang dead on arrival sa oras na 5:03 p.m, 5 oras makalipas nang siya ay binaril.[1][2]

Pangyayari

Noong ika-8 ng Hulyo, taong 2022, siya ay nagpahayag ng kanyang mensahe para kay Kei Satō, miyembro ng Partido Demokratikong Liberal na tatakbo para sa pagkandidato sa darating na halalan ng konseho na idaraos sa ika-10 ng Hulyo, taong 2022. Pasadong 11:30 a.m (JST), nabaril si Shinzo at nagtamo ng dalawang tama ng "improvised firearm" sa kanyang likuran, hanggang sa ito ay natumba, Ang mga bala ay malapit sa kanyang puso.[3][4]

Pagsalba

Ang mga security guards niya ay hinuli nang agaran ang suspek upang hindi makatakas. Kalauna'y isinakay si Abe sa isang medical helicopter papunta sa Nara Medical University Hospital sa Kashihara sa Nara, habang siya ay nakikipaglaban sa kanyang sakit na cardiac arrest na isa rin sa mga dahilan upang siya ay maidala kaagad sa ospital. Oras na 2:45 p.m ay naglabas ng pahayag si Punong Ministro Fumio Kishida, aniya nito na ang dating Punong Ministro ay nasa malalang kondisyon at gumagawa ang mga doktor ng paraan upang maisalba ang buhay nito.

Pagkamatay

Siya ay idineklarang "dead on arrival" sa oras na 5:03 p.m ng hapon (JST) sa Nara Medical University Hospital, ayon sa doktor na si Hidetada Fukushima. Ayon sa kanya, ang sanhi ng agarang pagkamatay niya ay ang kakulangan ng dugo na umabot pa nang 4 na oras upang makahanap ng dugo at maisalba ang buhay ni Abe.

Suspek

Yamagami Yoko Tetsuya
KapanganakanSeptember 10, 1980
Mie Prefecture, Japan
Estado ng paghuliArestado


Si Yamagami Yoko Tetsuya (Hapones: 山上徹也), edad 41-anyos ay ang itinuturong suspek na sanhi ng pagkamatay ni Abe. Siya ay inaresto ng kapulisan ng Nara kung saan naganap ang pamamaril at inilipat sa Nara West Police Station, Isiniwalat niya na sa mga oras na iyon, siya ay kalmado habang inaasinta niya si Abe.[5]

Sanggunian