Atabismo

Ang atabismo (mula sa Ingles na atavism at Kastilang atavismo) ay ang teknikal na katawagan sa paglitaw sa isang supling o anak ng katangian ng isang ninunong matagal nang hindi nakikita sa mga salinlahi o henerasyon.[1] Isa itong uri ng pagkamana kung saan nagiging mas kamukha ng bata ang isang lolo o lola o isang ninunong higit na malayo, sa halip na kahawig ng isang kaagad o tuwirang magulang o ina at ama ng supling. Maaaring maging isang anyo ng karamdaman ang namanang katangian. Nagmula ang salitang atabismo mula sa Lating atavus na may ibig sabihing "malayong ninuno".[2]

Sanggunian


Agham Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.