Balindang
Ang pambabaeng medyas, kalsetin, o balindang ay isang piraso ng damit na pambabaeng isinusuot na katulad ng pangkaraniwang medyas ngunit mas mahaba. Gawa ito mula sa nababanat na mga materyales. Karaniwang isinusuot ito sa halip na medyas o damit na pitis o hakab sa katawan. Pitis o hakab sa nasasaklawang pang-ibabang bahagi ng katawan ang kasuotang ito. Mayroong mga uri rin nito na ginagamit sa mga unipormeng pampalakasan o isports. Bagaman karaniwang pambabae ito, mayroon ding mga kalsetin na sadyang ginawa para sa mga lalaki at nagsisilbing panlalaking damit-panloob na pitis o mahigpit din ang pagkakalapat sa nasasakupang pang-ibabang bahagi ng katawan.[1]
Mga sanggunian
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.