Barbie (pelikula)

Barbie
DirektorGreta Gerwig
Prinodyus
Sumulat
  • Greta Gerwig
  • Noah Baumbach
Ibinase saBarbie
ni Mattel
Itinatampok sina
  • Margot Robbie
  • Ryan Gosling
  • America Ferrera
  • Kate McKinnon
  • Michael Cera
  • Issa Rae
  • Rhea Perlman
  • Will Ferrell
Musika
  • Mark Ronson
  • Andrew Wyatt
SinematograpiyaRodrigo Prieto
In-edit niNick Houy
Produksiyon
  • Heyday Films
  • LuckyChap Entertainment
  • NB/GG Pictures
  • Mattel Films
TagapamahagiWarner Bros. Pictures
Inilabas noong
  • 9 Hulyo 2023 (2023-07-09) (Awditoryum na Shrine)
  • 21 Hulyo 2023 (2023-07-21) (Estados Unidos)
Haba
114 minutes[1]
BansaEstados Unidos
WikaIngles
Badyet$128–145 milyon[2][3]
Kita$1.052 bilyon[4][5]

Ang Barbie[a] ay isang pelikulang Amerikano na nasa uring komedyang pantasya na unang nailabas noong 2023 sa direksyon ni Greta Gerwig, na sinulat ang senaryo kasama si Noah Baumbach.[8] Batay sa manikang moda na Barbie ng Mattel, ito unang live-action o totoong-taong pelikulang Barbie pakatapos ng maraming pelikulang pamtelebisyon na inanimasyon sa kompyuter na direkta-sa-bidyo at istriming. Kuwento ang pelikulang ito nina Barbie (Margot Robbie) at Ken (Ryan Gosling) sa isang paglalakbay ng sariling-pagtuklas kasunod ng isang krisis eksistensyal. Kinatatampukan ito ng mga grupo ng pansuportang artista, kabilang sina America Ferrera, Kate McKinnon, Issa Rae, Simu Liu, Michael Cera, Rhea Perlman, at Will Ferrell.

Inanunsyo ang pelikulang totoong-tao na Barbie noong Setyembre 2009 ng Universal Pictures at si Laurence Mark ang prodyuser. Nagsimula ang pagbuo noong Abril 2014, nang nakuha ng Sony Pictures ang karapatan sa pelikula. Kasunod na maraming pagbabago sa manunulat at direktor, at pagkuha sa mga artistang si Amy Schumer at sa kalaunan si Anne Hathaway bilang Barbie, nailapat ang karapatan sa Warner Bros. Pictures noong Oktubre 2018. Naisama si Robbie bilang Barbie noong 2019, at ipinabatid noong 2021 na si Gerwig ang direktor at ang kasamang-manunulat na si Baumbach. Ang mga natirang artista ay ipinabatid noong unang bahagi ng 2022. Pangunahin naisagawa ang paggawa ng pelikula sa mga Istudiyo ng Warner Bros., sa Leavesden, sa Inglatera at sa Venice Beach Skatepark sa Los Angeles mula Marso hanggang Hulyo 2022.

Unang tinanghal ang Barbie sa Awditoryum na Shrine sa Los Angeles noong Hulyo 9, 2023, at pinalabas sa mga sinehan sa Estados Unidos noong Hulyo 21 ng Warner Bros. Pictures. Ang kasabay na paglabas nito sa Oppenheimer ng Universal ay nagdulot sa kaganapang namamasid na "Barbenheimer" sa hatirang pangmadla, na hinikayat ang mga manonood na panoorin ang parehong pelikula bilang isang dobleng tampok. Nakatanggap ang pelikula ng positibong pagsusuri mula sa mga kritiko at kumita ng $1.05 bilyon sa buong mundo, na naging ikalawang pinakamataas na kumitang pelikula ng 2023.

Mga pananda

  1. Kilala din sa materyal ng promosyonal bilang Barbie The Movie[6][7]

Mga sanggunian

  1. "Barbie (12A)" (sa wikang Ingles). British Board of Film Classification. Hulyo 3, 2023. Inarkibo mula sa orihinal noong Hunyo 29, 2023. Nakuha noong Hulyo 3, 2023.{cite web}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. D'Alessandro, Anthony (Hulyo 23, 2023). "'Barbie' Still Gorgeous With Best YTD $155M Opening; 'Oppenheimer' Ticking To $80M+ In Incredible $300M+ U.S. Box Office Weekend – Sunday AM Update". Deadline Hollywood (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 21, 2023. Nakuha noong Hulyo 23, 2023.{cite news}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Paskin, Willa (Hulyo 11, 2023). "Greta Gerwig's 'Barbie' Dream Job". The New York Times Magazine (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 11, 2023. Nakuha noong Hulyo 11, 2023.{cite news}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Barbie". Box Office Mojo (sa wikang Ingles). IMDb. Nakuha noong Agosto 9, 2023.{cite web}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Barbie". The Numbers (sa wikang Ingles). Nash Information Services, LLC. Nakuha noong Agosto 9, 2023.{cite web}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Barbie The Movie" (sa wikang Ingles). Mattel. 31 Hulyo 2023. Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 28, 2023. Nakuha noong 31 Hulyo 2023.{cite web}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Chan, Tim (27 Hulyo 2023). "Flashback: See Margot Robbie and 'Barbie' Cast React to Their Official Barbie Dolls for the First Time". The Hollywood Reporter (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 28, 2023. Nakuha noong 31 Hulyo 2023.{cite news}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Rubin, Rebecca (Abril 25, 2023). "Greta Gerwig, Margot Robbie and Ryan Gosling Bring Plastic, Fantastic 'Barbie' to CinemaCon". Variety (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Abril 25, 2023. Nakuha noong Abril 25, 2023.{cite news}: CS1 maint: date auto-translated (link)