Batas Kanoniko
Bahagi ito ng serye hinggil sa Kristiyanismo | |
Kasaysayan ng Kristiyanismo | |
Bibliya | |
Teolohiyang Kristiyano | |
Simbahang Kristiyano Mga denominasyong Kristiyano |
Ang batas kanoniko (Ingles: canon law) ay isang katagang ginagamit para sa panloob na batas na eklesiyastikal ng maraming mga simbahan na katulad ng Simbahang Katoliko Romano, ng mga Simbahan ng Silangang Ortodoksiya, at ng Angglikanong Komunyon ng mga simbahan.
Simbahang Katoliko
Ang Simbahang Katoliko Romano ang mayroon nang pinakamatandang tuluy-tuloy na gumaganang sistemang pambatas sa Mundong Kanluranin.[1] Mas matanda ito kaysa sa pangkaraniwan at mga tradisyong pambatas na sibil ng Europa. Ang nagsimula bilang mga patakaran o mga "kanon" na inako mismo ng mga Apostol doon sa Konsilyo ng Herusalem noong ika-1 daantaon ay humantong sa isang napakamasalimuot at orihinal na sistemang pambatas na nagsasangkot ng mga norma o pamantayan ng Bagong Tipan, ng mga tradisyong Hebreo (Lumang Tipan), Romano, Bisigotiko, Sahon, at Seltiko na mayroong libu-libong mga taon ng karanasang pantao.
Mga sanggunian
Ang lathalaing ito na tungkol sa Kristiyanismo ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.