Ben-Hur (pelikula ng 1959)

Ben-Hur
original na poster ni Reynold Brown
DirektorWilliam Wyler
PrinodyusSam Zimbalist
IskripKarl Tunberg
Ibinase saBen-Hur: A Tale of the Christ ni Lew Wallace
Itinatampok sinaCharlton Heston
Jack Hawkins
Haya Harareet
Stephen Boyd
Hugh Griffith
Sinalaysay niFinlay Currie
MusikaMiklós Rózsa
SinematograpiyaRobert L. Surtees
In-edit niJohn Dunning
Ralph E. Winters
Produksiyon
Metro-Goldwyn-Mayer
TagapamahagiLoew's Inc.[1]
Inilabas noong
  • 18 Nobyembre 1959 (1959-11-18)
Haba
222 minuto
BansaEstados Unidos
WikaIngles
Badyet$15.2 million
Kita$146.9 million (unang labas)

Ang Ben-Hur ay isang epikong pelikula ng 1959 sa direkyon ni William Wyler, at prinodyus ni Sam Zimbalist para sa Metro-Goldwyn-Mayer. Pinangngunahan ang pelikulang ito nina Charlton Heston (na ginawaran ng Pinakamahusay na Pagganap sa Pangunahing Aktor sa Gawad Oscar o Academy Awards), Stephen Boyd, Haya Harareet, Jack Hawkins, at Hugh Griffith (na ginawaran ng Pinakamahusay na Pagganap sa Pansuportang Aktor sa mismong gawad). Ang pelikulang ito ay hango sa nobelang "Ben-Hur: A Tale of the Christ" (Isang Salaysay ng Kristo) na isinulat ni Gen. Lew Wallace.

Ang bersyong ito ay isa rin remake ng pelikula ng nasabing pamagat noong 1925 na pinagbidahan ni Ramon Novarro at sa direksyon ni Fred Niblo. Ang bagong kasunod na bersyon sa pelikulang ito ay nasa filming o shooting at ipapalabas sa taong 2016 sa pakikimahala ng MGM at Paramount Pictures. Ang bagong bersyon ay nasa pamamahala ng mag-asawang prodyuser na sina Mark Burnett at Roma Downey kasunod ang matagumpay na seryeng "The Bible" sa istasyong History at ang spin-off nitong "Son of God".

Ang "Ben-Hur" ay ginawaran ng 11 Gawad Oscar, kabilang ang Pinakamahusay na Pelikula, Pinakamahusay na Direksyon, Pangunahing Aktor, Pansuportang Aktor, at Pinakamahusay na Sinematograpiya[2]. Ang bilang ng mga gawad ay pinantayan ng Titanic (1997) at Lord of the Rings: The Return of the King (kung saan lahat ng nominasyon ay panalo noong 2003). Panalo din ang pelikulang ito ng tatlong gawad na Golden Globe-Pinakamahusay na Pelikula (Drama), Pinakamahusay na Direktor at Pinakamahusay na Pansuportang Aktor (na tinanggap ni Stephen Boyd).

Sa kasalukuyan, kabilang ang pelikulang ito bilang isa sa mga pinakamalaking pelikula na prinodyus, kung saan naging isa sa mga pinakamahal na produksyon noong 1959 sa halagang $15.2 milyon at kumita ng $146.9 milyon sa unang palabas nito. Kilala ang pelikulang ito sa isang eksena ng paligsahan ng mga karwahe (chariots) kung saan magkatunggali sina Ben-Hur at Messala na dating magkaibigan sa kanilang kabataan na naging kaaway dahil sa sitwasyon ng mga Hudyo na sakop ng Imperyong Romano.

Sinopsis

Ang unang bahagi ng pelikula ay tungkol sa pananampalataya kultura at tradisyon ng mga Hudyo sa ilalim ng Imperiyong Romano. Sa eksenang ito makikita ang mag-asawang sina Jose at Maria kung saan nagbayad ng buwis sa pamahalaang Romano. Ang kasunod na tagpo ay ang kapanganakan ni Jesus sa Bethlehem. Makikita ang tatlong mago para ialay ang mga regalo sa Kanya.

Kasunod ng mga opening credits ay ang naging kwento ni Ben-Hur. Noong AD 26, si Judah Ben-Hur (Charlton Heston) ay isang mayamang prinsipe at mangalakal sa Jerusalem, kasama ang inang si Miriam (Martha Scott); ang kanyang kapatid na si Tirzah (Cathy O'Donnell); ang kanilang alalay na si Simonides (Sam Jaffe) at ang kanyang anak na si Esther (Haya Harareet), na umibig kay Ben-Hur. Ang kanyang kababatang kaibigan, ang Romanong si Messala (Stephen Boyd), ay isang tribune ng militar. Matapos ng ilang taon sa labas ng Jerusalem, si Messala ay nagbalik bilang bagong komandante ng lehiyong Romano. Naniwala si Messala sa tagumpay ng Roma at ang kapangyarihang imperiyal nito, habang si Ben-Hur ay deboto sa kanyang pananmpalataya at ang kalayaan ng mga Hudyo.

Charlton Heston bilang si Judah Ben-Hur

Nasa parada ng bagong gobernador na si Valerio Grato nang natangay ang isang piraso ng baldosa ng bubong mula sa tahanan ni Ben-Hur. Sa insidenteng ito halos napatay si Grato sa kanyang sinakyan na kabayo. Bagamat alam ni Messala na isang aksidente lamang, kinondena niya si Ben-Hur at ginawang alipin ng galeyon habang ang kanyang pamilya ay nasa piitan. Doon isinumpa ni Ben-Hur ang paghihiganti sa kanyang kaibigan na ngayo'y isang kaaway, na naging makapangyarihan ang Imperyong Romano sa bayan ng mga Hudyo. Habang nakaposas ang mga preso ay nauhaw si Ben-Hur. Doon nag-alay si Jesus (Claude Heater sa isang di-nabanggit na pagganap), sa panahong iyon ay isang karpintero, ng tubig para kay Ben-Hur upang uminom.

Tatlong taong matapos nanungkulan bilang alipin sa galeyon, itinalaga si Ben-Hur sa kabandilaan ng Consul na Romano na si Quintus Arrius (Jack Hawkins), na nasakdal sa pagsira ng kanyang kabarkuhan ng mga piratang Macedones. Napahanga si Arrius kay Ben-Hur dahil sa kanyang determinasyon at pagiging disiplinado. Inalok ni Arrius kay Ben-Hur ang pagsasanay bilang gladiator o charioteer. Ngunit tinanggihan ni Ben-Hur ang alok, inihayag na babantayan siya ng Diyos sa kanyang paghahanap ng paghihiganti. Nang nakita ng kabarkuhang Romano ang mga Macedon, iniutos ni Arrius ang lahat na manggagaod na panatilihing nakaposas, maliban kay Ben-Hur. Nasira at naanod ang galeyon ni Arrius, ngunit pinalaya ni Ben-Hur ang ibang manggaod, at naligtas niya si Arrius. Inakala ni Arrius na natalo ang kanyang galeyon at nais niyang magpakamatay sa pagkatalo pero pinigilan ni Ben-Hur ang pagpaslang ni Arrius sa sarili. Doon nailigtas ang dalawa at naging dahilan ang dalawa sa matagumpay na digmaan laban sa mga Macedon.

Matagumpay na pinetisyon ni Arrius kay Emperador Tiberius (George Relph) sa pagpapalaya kay Ben-Hur, at inampon ni Arrius si Ben-Hur. Makalipas ang isang taon, naging mayaman ulit si Ben-Hur at natutunan niya ang kultura ng mga Romano at naging isang kampeon na charioteer, ngunit umaasa niya ang kanyang pamilya mula sa Jerusalem .

Hugh Griffith bilang ang Arabong si Sheik Ilderim

Bumalik si Ben-Hur sa Judea. Sa pagdaan niya nakilala si Baltazar (Finlay Currie) at ang arabong si Sheik Ilderim (Hugh Griffith). Narinig ng sheikh ang kakayahan ni Ben-Hur bilang isang charioteer, at inalok niya si Ben-Hur na gamitin ang quadriga sa isang karera sa ilalim ng panauhin na si Poncio Pilato (Frank Thring), ang bagong gobernador ng Judea. Tinanggihan ni Ben-Hur ang karera kahit napag-alaman niya na sasabak si Messala.

Bumalik si Ben-Hur sa kanyang tahanan sa Jerusalem. Nagkita sila ni Esther, na hindi na kayang magpakasal sa kanyang mapapangasawa. Ang tanging dahilan na ginawa ni Esther ay dahil mas minahal si Ben-Hur. Binisita ni Ben-Hur si Messala at kinailangan niya ang pagpapalaya ng kanyang ina at kapatid. Napag-alaman ng mga Romano na nahawa sina Miriam at Tirzah sa ketong at pinaalis sila mula sa Jerusalem. Humingi ang dalawa kay Esther na itago ang kanilang kondisyon kay Ben-Hur para isipin niya na namatay na sila. Doon nagbago ang isip ni Ben-Hur na sasabak sa isang karera bilang paghihiganti kay Messala hindi lamang sa kanya, kundi na rin sa pagtrato ng Imperyong Romano sa Judea.

Sa gitna ng karera, sinakyan ni Messala ang isang chariot na may patalim sa kanyang mga gulong para sirain ang mga chariot ng magkakatunggali, tinangka ni Messala na sirain ang chariot ni Ben-Hur ngunit napatay ang kanyang sarili. Nagtamo ng mga malalaking pinsala si Messala, habang panalo si Ben-Hur sa karera. Bago namatay, sinabi ni Messala kay Ben-Hur na "hindi pa tapos ang laban" at sa gayo'y mahanap ang kanyang pamilya "sa lambak ng mga ketungin, kung makikilala mo sila." Doon napag-alaman ni Ben-Hur na andoon nga sina Tirzah at Miriam.

Dahil responsibilidad ng utos Romano ang kapalaran ng kanyang pamilya, itinakwil ni Ben-Hur ang kanyang pagiging Romano. Dinala nina Ben-Hur at Esther sina Miriam at Tirzah para maipagaling kay Jesus, ngunit huli na ang lahat nang nahatulan si Jesus sa kamatayan sa krus. Nasaksihan ni Ben-Hur ang pagpako kay Jesus. Nang namatay si Jesus, ang Kanyang dugo ay dumaloy sa mga kapaligiran para sa kaligtasan sa gitna ng kulog, kidlat at buos ng ulan. Doon ay himalang gumaling sina Miriam at Tirzah mula sa sakit. Bumalik si Ben-Hur sa kanyang tahanan at nakita niya si Esther. Naghayag si Ben-Hur na, "Naramadaman ko ang Kanyang (Jesus) tinig na alisin ang espada sa aking kamay." Doon muli nang nabuo si Ben-Hur, ang kanyang ina at kapatid, kasama si Esther.

Sa huling eksena makikita ang tatlong krus, kasama ang napadaang pastol na alaga ang kanyang mga tupa- isang metapor na ibig-sabihin na si Jesus ay Isang Mabuting Pastol.

Mga Nagsisiganap

  • Charlton Heston - Judah Ben-Hur
  • Jack Hawkins - Quintus Arrius
  • Haya Harareet - Esther
  • Stephen Boyd - Messala
  • Hugh Griffith - Sheik Ilderim
  • Martha Scott - Miriam
  • Cathy O'Donnell - Tirzah
  • Sam Jaffe - Simonides
  • Finlay Currie - Balthasar/Tagapagsalaysay
  • Frank Thring - Poncio Pilato
  • Terence Longdon - Drusus
  • George Relph - Tiberio Cesar
  • André Morell - Sextus

Si Harareet ang tanging cast member na sa kasalukuyan ay buhay pa.

Mga sanggunian

  1. "Ben-Hur". The American Film Institute Catalog of Motion Pictures. American Film Institute. Nakuha noong Hulyo 6, 2013. Production Company: Metro-Goldwyn-Mayer Corp. (Loew's Inc.); Distribution Company: Loew's Inc.{cite web}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. https://www.oscars.org/oscars/ceremonies/1960