Bituka

Para sa ibang gamit ng menudo, tingnan ang menudo (paglilinaw).

Sa larangan ng anatomiya, ang bituka ay isang bahagi ng pitak na pang-alimentaryo na sumasakop mula sa tiyan (stomach) hanggang sa butas ng puwit (anus)[1] at, sa mga tao at iba pang mamalya, binubuo ito ng dalawang maliit na bahagi o segmento, ang maliit na bituka at ang malaking bituka. Habang tinutunaw ang pagkain, dumaraan ang kinain mula sa tiyan papunta sa maliit na bituka at pagkaraan ay sa malaking bituka naman.[1] Sa mga tao, mas hinati-hati pa sa iba pang bahagi ang maliit na bituka: ang duodenum, ang jejunum at ileum; habang hinati-hati ang ang malaking bituka sa mga bahaging cecum at colon. Tinatawag ding menudo o minudo ang mga bituka ng hayop.[2]

Istruktura at gamit

Maaaring hatiin ang kahabaan ng bituka sa dalawang magkaibang mga bahagi, ang maliit at malaking bituka. Mangasulngasul (kakulay ng lila) at kulay abo na may diyametrong 35 milimetro (1.5 pulgada). Ang maliit na bituka ang pinakauna at pinakamahaba, na karaniwang may sukat na 6-8 metro sa isang may gulang na tao. Mas maikli at mas makapal, ang malaking bituka naman ay maitim ang pagkapula na may karaniwang sukat na 1.5 metro. May pagkakahalintulad ang dalawang bituka sa hitsura at binubuo ng maraming magkakapatung-patong na mga bahagi (Ingles:mga layer o mga patong): Ang lumen ay isang puwang, butas o hukay (Ingles:cavity) kung saan dumaraan ang mga natunaw na mga pagkain at kung saan tinatanggap o hinihigop ng katawan ang mga sustansiya (nutrients) ng pagkain. Nakapaloob sa kahabaan ng bituka (sa epitelyong glandular) ang mga selulang goblet (ang mga goblet cell). Iniluluwa ng mga ito ang mga mucus na nakapagpapadulas at nakatutulong sa pagdaraan ng mga pagkain, at siya ring nagiging pananggalang ng bituka sa mga panunaw na enzaym o digestive enzymes.

Tingnan din

Tingnan ang katumbas na artikulo sa Wikipediang Ingles para sa mas malawak na pagtalakay ng paksang ito.
  • Pamamaga ng bituka (Inflammatory bowel disease o IBD)
  • Pagtatae (Diarrhea)
  • Konstipasyon (Kahirapan sa pagdumi)

Mga sanggunian

Talababa

  1. 1.0 1.1 "Intestines, Some Medical Terms, Diseases". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{cite ensiklopedya}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 206.
  2. English, Leo James (1977). "menudo, entrails, tripe". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.{cite ensiklopedya}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Bibliyograpiya


Anatomiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Anatomiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.