Borneo

Borneo (kaliwa) at Sulawesi.

Ang Borneo (pinaghahatiang pampolitika ng Indonesia, Malaysia at Brunei) ang ikatlong pinakamalaking pulo sa daigdig. May sukat itong 748,168 km² (288,869 mi²), at nasa pusod ng kapuluang Malay at Indonesia. Ang Borneo ay bahagi ng heograpikong rehiyon ng Timog-silangang Asya.

Heograpiya

Napalilubitan ang Borneo ng Dagat Timog Tsina sa hilaga at hilagang kanluran, ng Dagat Sulu sa hilagang silangan, ng Dagat Selebes at ng Katuwiran ng Makassar sa silangan, ang Dagat Java at Katuwirang Karimata sa timog.

Sa kanluran ng Borneo ang Tangway Malay at Sumatra. Sa timog ay Java. Sa silangan ang pulo ng Sulawesi. Sa hilagang silangan ang Pilipinas. Bundok Kinabalu sa Sabah, Malaysia ang pinakamataas na lugar nito na may taas ng 4,095 m mula pantay laut (sea level).

Pamamahala

Mapa ng Borneo

Ang politika ng Borneo ay nahahati sa sumusunod:

  • Mga lalawigang Indones ng Silangan, Timog, Kanluran at Gitnang Kalimantan.
  • Mga estadong Malay ng Sabah at Sarawak.
  • Ang independiyenteng kasultanan ng Brunei Darussalam na may dalawang bahagi.

Kasaysayan

Ang buong Borneo ay nasa ilalim ng Imperyo ng Brunei noong ginintuang edad nito mula siglo 15 hanggang 17.

Ang Borneo ang pangunahing lugar ng pagtutunggali sa pagitan ng Indonesia at Malaysia noong pagitan ng 1962 at 1966.

Mga likas na yaman

Sa kasaysayan nito nababalutan ito ng malawak na kagubatan na kasalukuyang mabilis na lumiliit dahil sa pagtotroso para pangangailangan ng industriya ng plywood ng Malaysia at ng mga kompanyang multinasyonal katulad ng Mitsubishi. Kalahati ng trosong tropikal sa buong mundo ay galing sa Borneo. Gayundin, ang taniman ng niyog para sa langis nito ay mabilis ng sumasaklaw sa mga natitirang matandang kagubatan. Lubhang nasira ang kagubatan nito dahil sa malaking sunog noon 1997 hanggang 1998 na sinimulan ng mga tao na natapat sa malubhang tagtuyot dulot ng El Niño. Noong may malaking sunog rito, makikita ang mga hotspots (maiinit na lugar) nito sa mga retrato ng satellite at nagdulot ito ng matinding usok na nakaapekto sa Brunei, Malaysia, Indonesia at Singapore. Ang natitirang kagubatan ng Borneo ang kaisa-isang tahanang likas ng mga uranggutang ng Borneo. Napakahalanggang kanlungan ito ng mga katutubong hayop at halaman ng kagubatan at ng mga elepanteng asyano, rinoserong sumantran at ng ulaping leopardo.

Madaling Araw sa Borneo

Upang mapigilan ang mabilis ng pagdami ng tao sa Java, nagsimula ang pamahalaan ng Indonesia ng malakihang palilipat ng mga mahirap ng magsasaka sa Borneo na tinatawag na transmigrasi upang magsaka ng mga nakalbong lugar mula sa pagtotroso na hindi magandang pagsakahan dahil salat sa katabaan ng putulin ang mga puno at sa pagkawala ng magandang lupang mapagtatamnan na tinangay ng tubig ulan.

Ang mga katutubong tao (e.g. Kayan, Kenyah, Punan Bah at Penan) ng pulong ito ay matagal ng nakikibaka sa kanilang karapatan upang mapanatili ang kapaligiran laban sa mga magtotroso at mga transmigrasi.

Pinagbatayan

  • Gudgeon, L. W. W. 1913. British North Borneo. Adam and Charles Black, London. (An early well-illustrated book on "British North Borneo", now known as Sabah.)