Bundok ng Sinai

Bundok ng Sinai (Jabal Mūsá)
Tugatog ng Bundok ng Sinai
Pinakamataas na punto
Kataasan2,285 m (7,497 tal)
Prominensya334 m (1,096 tal) Edit this on Wikidata
Mga koordinado28°32′23″N 33°58′24″E / 28.53972°N 33.97333°E / 28.53972; 33.97333
Heograpiya
LokasyonSanta Katerina, Gobernorado ng Timog Sinai, Ehipto
Ang Tangway ng Sinai, na nagpapakita ng Bundok ng Sinai.

Ang Bundok ng Sinai (Ingles: Mount Sinai, Arabe: طور سيناءṬūr Sīnāʼ  o جبل موسى Jabal Mūsá ; Arabeng Ehipsiyo: Gabal Mūsa, literal na "Bundok ni Moises" o "Bundok Moises"; Hebreo: הר סיניHar Sinai ), na nakikilala rin bilang Bundok Horeb, ay isang bundok sa Tangway ng Sinai sa Ehipto na tradisyunal at pinaka tinatanggap na kinikilalang Pambibliyang Bundok ng Sinai. Subalit, mayroong mga pag-aangking ginawa ng ilang mga manunulat na katulad nina Bob Cornuke, Ron Wyatt at Lennart Moller, na naniniwalang ang totoong lokasyon ng Bundok ng Sinai ay ang Jabal al-Lawz sa Saudi Arabia.[1] Ang panghuli ay nabanggit nang maraming mga ulit sa Aklat ng Exodus sa Torah, sa Bibliya,[2] at sa Quran.[3] Ayon sa kaugaliang Hudyo, Kristiyano at Islamiko, ang pambibliyang Bundok ng Sinai ay ang lugar kung saan natanggap ni Moises ang Sampung mga Utos ng Diyos.

Heograpiya

Ang Bundok ng Sinai ay isang bundok na mayroong taas na 2,285-metro (7,497 tal) na malapit sa Santa Katerina sa rehiyon ng Sinai. Katabi ito ng Bundok ng Santa Katerina (na mayroong 2,629 m (8,625 tal), ang pinakamataas na tuktok sa Ehipto).[4] Sa lahat ng mga gilid, ito ay napapaligiran ng mas matataas na mga tuktok ng saklaw ng kabundukan.

Mga sanggunian

  1. Buckley, John. Prophecy Unveiled
  2. Joseph J. Hobbs, Mount Sinai (University of Texas Press) 1995, tumatalakay sa Bundok ng Sinai na may kaugnayan sa heograpiya, kasaysayan at relihiyon.
  3. "Tafsir Ibn Kathir". Tafsir.com. 2002-10-26. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-07-16. Nakuha noong 2011-03-21.
  4. "Sinai Geology". AllSinai.info. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-07-18. Nakuha noong 2013-02-23.