Charles Martel

Charles Martel

Si Charles Martel (c. 688 – 22 Oktubre 741) ay isang Prankong politiko at pinunong militar na, bilang Duke at Prinsipe ng mga Pranko at Alkalde ng Palasyo, ay naging de facto na pinuno ng Francia mula 718 hanggang sa kaniyang kamatayan.[1][2][3][4][5]

Bilang isang anak sa labas ng isang makapangyarihang Pranko na si Pepin ng Heristal at ng isang maharlikang babaeng ang pangalan ay Alpaida, matagumpay na napangatwiranan ni Martel ang kaniyang pag-aangkin sa kapangyarihan bilang kahalili ng kaniyang ama bilang ang kapangyarihan sa likod ng trono sa politikang Pranko. Habang ipinagpapatuloy at nagpapatibay sa mga nagawa ng kaniyang ama, ipinanumbalik niya ang sentralisadong pamahalaan sa Francia at sinimulan ang mga serye ng mga kampanyang pangmilitar na muling naglunsad ng mga Pranko (mga Frank) bilang tunay na mga panginoon sa kabuoan ng Gaul. Sa mga digmaan sa labas ng Francia, napasuko ni Martel ang Bavaria, Alemannia, at Frisia, nalupig niya ang paganong mga Saxon, at napigil niya ang pagsulong na Islamiko na papaloob na sana sa Kanlurang Europa roon sa Labanan ng Tours.[6]

Itinuturing si Martel bilang ang tao na tagapagtatag noong Gitnang Kapanahunan sa Europa. May kasanayan bilang isang tagapangasiwa at mandirigma, madalas na ikinakabit sa kaniya ang isang gampaning matagumpay sa pagpapaunlad ng peudalismo at pagkakabalyero. Isang dakilang patron si Martel ni San Bonifacio at isinagawa niya ang unang pagtatangka sa rekonsilyasyon sa pagitan ng Kapapahan (Papasiya) at ng mga Pranko. Hiniling ni Papa Gregorio III na si Martel ay maging tagapagtanggol ng Banal na Sede at inalok siya ng Papang ito ng tungkulin bilang konsul ng Roma. Tinanggihan ni Martel ang alok na ito, subalit isa itong tanda ng mga bagay na sasapit.[7][8]

Bagaman hindi kailanman ginamit ni Martel ang pamagat na hari, hinati niya ang Francia na parang isang hari, sa pagitan ng kaniyang mga anak na lalaking sina Carloman at Pepin. Ang panghuli (si Pepin) ay naging una sa mga Carolingiano, na mag-anak ni Charles Martel, na maging hari. Ang apong lalaki ni Martel na si Charlemagne, ang nagpalawak ng mga nasasakupang Pranko upang masali ang karamihan ng nasa Kanluran, at naging unang Emperador magmula noong pagbagsak ng Roma. Kung gayon, batay sa kaniyang mga nagawa, tinatanaw si Martel bilang naglatag ng landas para sa Imperyong Carolingiano.[9][10] Sa paglalagom ng paglalarawan kay Martel, ang tao at lalaki, isinulat ni Edward Gibbon na si Martel ay ang bayani ng kapanahunan, habang inilarawan naman si Martel ni Albert J. Guerard bilang ang kampeon ng Krus laban sa Gasuklay.[11][12]

Mga sanggunian

  1. Schulman, Jana K. (2002). The Rise of the Medieval World, 500-1300: A Biographical Dictionary. Greenwood Publishing Group. p. 101. ISBN 0-313-30817-9.
  2. Littlewood, Ian (2002). France. Rough Guides. p. 34. ISBN 1-85828-826-6.
  3. Cawthorne, Nigel (2004). Military Commanders: The 100 Greatest Throughout History. Enchanted Lion Books. pp. 52–53. ISBN 1-59270-029-2.
  4. Fouracre, Paul (2000). The Age of Charles Martel. Longman. p. 55. ISBN 0-582-06475-9.
  5. Kibler, William W.; Zinn, Grover A. (1995). Medieval France: An Encyclopedia. Routledge. pp. 205–206. ISBN 0-8240-4444-4.
  6. "Battle of Tours - Britannica Online Encyclopedia". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-08-27. Nakuha noong 2013-05-26.
  7. "Pope Gregory III, menaced by the Lombards, invoked the aid of Charles in 739, sent him a deputation with the keys of the Holy Sepulchre and the chains of St. Peter, and offered to break with the emperor and Constantinople, and to give Charles the Roman consulate (ut a partibus imperatoris recederet et Romanum consulatum Carolo sanciret). This proposal, though unsuccessful, was the starting point of a new papal policy." Charles Martel - NNDB
  8. The Frankish Kingdom Naka-arkibo 2009-03-06 sa Wayback Machine.. 2001. The Encyclopedia of World History
  9. Fouracre, John. “The Age of Charles Martel
  10. deMartelly, Louis. [1]. "Charles Martel and the Lance of Destiny." Author Solutions (2008).
  11. Edward Gibbon, The history of the decline and fall of the Roman empire, Volume 6, p. 197.
  12. Albert Guerard, France: A Modern History.