Pakikipagtalastasan
Ang komunikasyon ay isang proseso ng pagpapalitan ng impormasyon na kadalasan na ginagawa sa pamamagitan ng karaniwang sistema ng mga simbolo. Ang araling pangkomunikasyon ang disiplinang pang-akademya na pinag-aaralan ang komunikasyon. Ito rin ay ang interaksiyon ng mga tao sa isa't isa.
Ang komunikasyon (galing sa salitang Latin na commūnicāre, na ang ibig sabihin ay "ibahagi") ay aktibidad ng pagpapahiwatig ng kahulugan batay sa sistema ng mga senyales at batas semiyotiko. Ang komunikasyon sa biyolohiya ay kadalasang nangyayari sa pamamagitan ng biswal, awditoryo, o sa biyokimikal na paraan. Ang komunikasyong pang-tao naman ay kakaiba dahil sa malawak na gamit ng wika. Ang hindi pang-taong komunikasyon naman ay inaaral sa biyosemiyotiko.
Ang hindi pasalitang komunikasyon ay naglalarawan sa proseso ng paglalathala ng kahulugan sa pamamagitan ng mga mensahe na hindi kinakailangan ang mga salita. Ang mga halimbawa ng hindi pasalitang komunikasyon ay ang komunikasyong sa pamamagitan ng hipo (haptic), komumikasyong kronemerika, mga pagkumpas, wika ng katawan, pangungusap ng mukha, pagkikita ng mata, at kung paano manamit ang isang tao. Ang pagsasalita ay maaari ring maglaman ng mga elemento ng hindi pasalitang komunikasyon tulad ng mistulang wika, halimbawa. ritmo, intonasyon, tempo at diin. Ayon sa pagsasaliksik, 55% sa komunikasyon ng tao ay pangungusap ng mukha at ang iba pa ay 38% na mistulang wika o paralanguage. Gayun din, ang mga nasusulat na teksto ay naglalaman din ng mga elemento ng hindi pasalitang komunikasyon tulad ng estilo sa pagsulat at ang paggamit ng emoji" upang maipahayag ang nararamdaman sa pamamagitan ng porma ng mga imahe.
Iba't ibang kahulugan
- Diksiyunaryong Webster: Ang komunikasyon ay pagpapahayag, pagpapaalam, pagpapabatid o pagbibigay ng impormasyon sa mabisang paraan, isang pakikipag-ugnayan, pakikipagpalagayan o pakikipag-unawaan.
- Barnhart (American College Dictionary): Ang komunikasyon ay pagpapahayag at pagpapalitan ng ideya, opinyon o impormasyon sa pamamagitan ng pagsasalita, pagsulat, o pagsenyas.
- Sikologo: Napiling pagtugon o reaksiyon.
- Dalubwika: Ang komunikasyon ay ang pakikibahagi ng tao sa kanyang kapwa at pakikibagay niya sa kanyang kapaligiran.
- Aristotle: Nagsasalita, sinasabi, nakikinig
- Wilbur Schramm: Taong nagsasalita, sumusulat, gumuguhit, kumukumpas atbp.
- Mensahe – pamamagitan ng simbolo, mga usapan, liham atbp.
- Destinasyon – taong nakikinig, nagbabasa, nanonood atbp.
- Richard Swanson at Charles Marquandt:
- Ang pinanggalingan ng mensahe (participant na nagsulat o nagbasa)
- Ang ideya o mensahe (binuong kaisipan)
- Kodigo (wika, kumpas, ekspresyon ng mukha)
- Tsanel (paraan ng paghahatid sa pamamagitan ng telepono, teleponong selular, liham, karaniwang usapan, atbp.)
Uri ng komunikasyon
Ito ang iba't ibang uri ng komunikasyon:
- Komunikasyon ng hayop
- Komunikasyong interpersonal - Tinatawag itong interpersonal sapagkat ito ay nagaganap sa pagitan ng dalawa o mahigit pang (dami ng) tao. Kumpara sa komunikasyong intrapersonal, ang uring ito ay mas may konkretong daloy kung saan ang mga elemento ng komunikasyon ay makikita. Kasama dito ay ang tagapagsalita, mensahe, medium, ingay o balakid, at tagatanggap. Mayroong apat na uri ng komunikasyong interpersonal.
- Komunikasyong intrapersonal - Bagaman sinasabi na ang komunikasyon ay transaksyon sa pagitan ng dalawa o higit pang tao, itinuturing pa rin na uri ng komunikasyon ang komunikasyong intrapersonal. Isang tao lamang ang gumagawa ng transaksyon na ito. Kapag ang isang tao ay nag-iisip, sinasabi na ito ay nagsasagawa ng komunikasyon intrapersonal. Samantala, mayroon namang pagtatalo kung maituturing bang komunikasyong intrapersonal ang pagdadasal. Para sa mga sumasang-ayon dito, sinasabi na wala naman talagang konkretong katugunan na natatanggap sa pagdadasal. Subalit para sa iba, ang katugunan ay matatagpuan sa pang araw-araw na kaganapan sa buhay ng tao mismo.
- Komunikasyong di pasalita
- Komunikasyong pasalita
- Komunikasyong cross-cultural
- Telekomunikasyon
Anyo at sangkap ng komunikasyong pantao
Nakikipagusap ang mga tao upang maipamahagi o matukoy ang karanasan at kaalaman ng bawat isa. Maaari din na intrapersonal o interpersonal ang komunikasyon. May mga ilang teoriya ng komunikasyon na sinusubukang ipaliwanag ang komunikasyon pang-tao. Ito ay isang sistemang pagkaiintindihan sa bawat taong nagkakaintindihan. Maaari na intensiyonal o di intensiyonal, interaktib, transaktib,ang komunikasyon; maaari din na di pasalita o pasalita ito. puwede rin intrapersonal o kaya'y interpersonal ang komunikasyon pantao. May mga ilang paktor ng komunikasyon na sinusubukang ipaliwanag ang komunikasyon pang-tao.
Antas ng Komunikasyon
- Intrapersonal - pakikipagusap sa sarili; pinakamababang antas; tumutukoy sa pakikipag-usap ng indibidwal sa sarili-sa kanyang replektibong pag-iisip, pakikinig sa sarili, pagbubulay-bulay, o kaya ay kapag pinakikiramdaman ang paggalaw ng sarili.
- Interpersonal - pakikipagusap sa ibang tao; pakikipagtalastasan sa iba't-ibang indibidwal.
- Pampubliko - pakikipagusap sa maraming tao; ang halimbawa nito ay ang valedictory address
- Pangmasa - panglahatan; halimbawa nito ay ang SONA
- Pangorganisasyon - para sa mga grupo
- Pangkultura - pakikipagusap tungkol sa kultura
- Pangkaunlaran - ito ay ang komunikasyong naglalayong gamitin sa pagpapa-unlad ng bansa.
Teknolohiya ng komunikasyon
Sa telekomunikasyon, nangyari sa pinakaunang transatlantic na pamamahayag gamit ang two-way radio noong 25 Hulyo 1940. (Tingnan din: semaphore, telegraphy, telephony, at radioteletype- kilala din bilang Public Switched Telephone Network, communications satellites, ethernet, at ang internet - isang network ng mga kabit-kabit na computer network.)
Habang bumabalangkas ang teknolohiya, kailangan din bumalangkas ang communication protocol; halimbawa, kailangang matuklasan ni Thomas Edison na kaunti lamang pagiging ambiguous ng pagbati ng hello sa pamamagitan ng boses sa malayong distansiya; di maintindihan o nawawala ang transmission ng mga naunang pagbati katulad ng hail.
Maaaring paghiwalay ang pagkomunikasyon ng bawat tao sa iba't ibang larangan sa pagtubo ng palitang kaisipan sa pagitan ng maliliit na numerong ng tao (debate, talk radio, e-mail, personal na sulat) at sa mga malawak na pagkakalat ng isang payak na mensahe (ugnayang pampubliko, telebisyon, pelikula).
Hindi nagtatapos sa salitang ugat ng Latin na "communicare" ang pagkakautang natin sa mga Romano sa larangan ng komunikasyon. Sila ang kauna-unahang gumawa na maaari nating tawagin na tunay na sulat o sistemang koreo upang gawing sentro ang pagkontrol sa buong imperyo ng Roma. Dahil sa sistemang ito, madaling natipon ng Roma ang kaalaman ukol sa kaganapan ng karamihan sa kanilang laganap na lalawigan.
Isang mahalagang usapin sa komunikasyong gamit ang kompyuter ang virtual management.
Nagbabago ang komunikasyon sa pagunawa nito. Habang nagbabago ang mundo, nagbabago din ang paraan kung paano makipag-usap at mag-organisa. Sa katotohanan, ang pagbabago sa teknolohiya ng komunikasyon ang gumagawa sa pinakamalimit at laganap na pagpababago ng pilipino - tignan natin ang halimbawa ng pagtaas ng gamit ng web cam chat at iba pang biswal na komunikasyon na gumagamit ng network sa pagitan ng mga magkakalayong tao.
Mga hadlang sa komunikasyon
Communication apprehension o pangamba sa komunikasyon ang tawag sa komunikasyon na may kasamang pagkabalisa. Maaring naimpluwensiyahan ng sariling-pagkakilala ang pagkabalisang iyon. Maaari din maging sagabal sa komunikasyon ang bypassing (lumalagtaw), diskriminasyon at polarisasyon. Isa sa mahalagang hadlang sa maraming pook sa mundo ang pagkabigong ibahagi ang karaniwang wika.