Constantius II

Constantius II
Ika-61 Emperador ng Imperyo Romano
Bust of Constantius II
Paghahari324 (13 November) – 337 (22 May): Caesar under his father, Constantine I
337 – 340: co-Augustus (ruled Asian provinces & Egypt) with Constantine II and Constans
340 – 350: co-Augustus (ruled Asian provinces & Egypt) with Constans
350361 (3 November): Sole Augustus of the Roman Empire
Buong pangalanFlavius Julius Constantius (from birth to accession);
Flavius Julius Constantius Caesar (as Caesar);
Flavius Julius Constantius Augustus (as Augustus)
Kapanganakan7 Agosto 317(317-08-07)
Lugar ng kapanganakanSirmium, Pannonia Inferior (Sremska Mitrovica, Serbia)
Kamatayan3 Nobyembre 361(361-11-03) (edad 44)
Lugar ng kamatayanMopsuestia, Cilicia
SinundanConstantino I
KahaliliJulian
Mga asawa1. Daughter of Julius Constantius
2. Eusebia
3. Faustina
SuplingFlavia Maxima Constantia, born posthumously, later married Gratian
DinastiyaConstantinian
AmaConstantine I
InaFausta

Si Flavius Iulius Constantius o Constantius II, (Agosto 7, 317 - Nobyembre 3, 361) ay ang emperador ng Roma mula 337 - 361. Siya ang ikalawang anak ni Constantine I at Fausta. Siya ay umakyat sa trono kasama ng kanyang mga kapatid na sina Constantine II at Constans sa pagkamatay ng kanilang ama. Noong 340 CE, ang mga kapatid ni Constantius ay nag-alitan tungkol sa mga probinsiyang kanluraning ng imperyo. Ang humantong na alita ay nag-iwan kay Constantine II na patay at si Constans bilang pinuno ng kanluran hanggang siya ay mapatalsik at paslangin noong 350 CE nang isang sumunggab sa tronong si Magnentius. Si Constantius ay hindi pumayag kay Magnentius na maging kapwa-pinuno at tinalo siya ni Constantius sa mga labanan ng Mursa Major at Mons Seleucus. Si Magnentius ay nagpakamatay pagkatapos ng ikalawang labanan na nag-iwan kay Constantius na tanging pinuno ng Imperyo Romano. Ang kanyang mga kalaunang kampanyang militar laban sa mga tribong Alemaniko ay matagumpay. Kanyang tinalo ang Alamanni noong 354 CE at nangampanya sa buong Danube laban sa Qadi at Sarmatian noong 357 CE. Salungat dito, ang digmaan sa silangan laban sa mga Sassanid ay nagpatuloy ng may halong mga resulta. Noong 351 CE sanhi ng kahirapan ng pamamahala ng imperyo nang mag-isa, itinaas ni Constantius ang kanyang pinsan na si Constantius Gallus sa subordinadong ranggo ng Caesar. Gayunpaman, si Gallus ay pinapaslang ni Constantius pagkatapos ng 3 taon pagkatapos makatanggap ng mga ulat ng kanyang kalikasan marahas at tiwali. Sa sandaling pagkatapos noong 355 CE, itinaas ni Constantius ang kanyang huling nabubuhay na pinsan na mas batang kalahating kapatid ni Gallues na si Julian sa ranggong Caesar. Gayunpaman, inangkin ni Julian ang ranggo ng Augustus noong 360 CE na humantong sa digmaan sa pagitan ng dalawa. Sa huli ay walang labanang nangyari dahil si Constantius ay nagkasakit at namatay sa huli nang 361 CE bagaman hindi bago pangalanan ang kanyang kalaban bilang kahalili sa trono.