Copenhague
Copenhagen København | ||
---|---|---|
Mula sa taas na kaliwa: Christiansborg Palace, Frederik's Church, Tivoli Gardens at Nyhavn. | ||
| ||
Mga koordinado: 55°40′34″N 12°34′06″E / 55.67611°N 12.56833°E | ||
Bansa | Dinamarka | |
Rehiyon | Kabisera (Hovedstaden) | |
Itinatag | Ika-11 dantaon | |
Naging lungsod | Ika-13 | |
Pamahalaan | ||
• Lord Mayor | Frank Jensen (S) | |
Lawak | ||
• Lungsod | 86.20 km2 (33.28 milya kuwadrado) | |
• Metro | 2.778,3 km2 (1.0727 milya kuwadrado) | |
Pinakamataas na pook | 91 m (299 tal) | |
Pinakamababang pook | 1 m (3 tal) | |
Populasyon (2014)[3] | ||
• Lungsod | 579,513 | |
• Kapal | 6,700/km2 (17,000/milya kuwadrado) | |
• Urban | 1,246,611 (details) | |
• Metro | 1,990,036 (details) | |
• Densidad sa metro | 711/km2 (1,840/milya kuwadrado) | |
• Etnisidad | 77.3% Danish 22.7% Iba pa[2] | |
Demonym | Københavner | |
Sona ng oras | UTC+1 (CET) | |
• Tag-init (DST) | UTC+2 (CEST) | |
Postal code | 1050-1778, 2100, 2150, 2200, 2300, 2400, 2450 | |
Kodigo ng lugar | (+45) 3 | |
Websayt | kk.dk |
Ang Copenhague (Danes: København; Ingles: Copenhagen) ay ang kabisera at pinakamalaking lungsod sa Dinamarka, na may populasyon sa kabayanan na 1.2 milyon (base sa Enero 2011) at kalakhang populasyon na 1.9 milyon (base sa Abril 2011). Ang Copenhague ay nakalagay sa mga pulo ng Selandia at Amager.
Unang naitala noong ika-11 siglo, ang Copenhague ay naging kabisera ng Dinamarka noong ika-15 siglo. Noon ika-17 siglo, sa ilalim ng pamumuno ni Cristian IV, ito ay naging mahalagang sentrong panrehiyon. Nang matapos ang pang-malawakang Tulay ng Øresund noong 2000, ang Copenhague ay naging sentro ng lalung nagkakalapit na Rehiyon ng Øresund. Sa loob ng rehiyon na ito, ang Copenhague at ang Swekong lungsod ng Malmoe ay tuluyang lumalaki at nagbubuo ng pinag-isang kalakhan.
Ang Copenhague ay isang pangunahing sentro ng kultura, negosyo, midya at agham, ayon sa ilang mga talaang pandaigdig. Ang biyolohiya, impormatika at pagbabarko ay mahahalagang industriya at ang pagsasaliksik at pagpapatupad (research and development) ay isang pangunahing bahagi ng ekonomiya ng lungsod. Ang natatanging kinalalagyan nito at ng kaniyang kapaki-pakinabang na mga pasilidad, bukod sa pagkakaroon ng pinakamalaking daungan sa Escandinavia[4] na mapupuntahan sa loob ng 14 minutos sa tren mula sa kabayanan, ay siyang nagdulot sa kaniyang pagiging himpilang panrehiyon at isang madalas na tanggapan[5] ng mga rehiyonal na kompanya at kumbensiyon.
Ang Copenhague ay paulit-ulit na kinikilala bilang isa sa mga lungsod na may pinakamataas na kagandahan sa buhay.[6] Ito rin ay kilala bilang isa sa mga lungsod na maalaga sa kalikasan. Ang tubig sa babaying-dagat ay malinis at maaaring languyan. 36% ng mga mamamayan ay naglalakbay patungong trabaho sa pamamagitan ng bisikleta.[7]
Mula noong pagsalin ng milenio, ang Copenhague ay nagkaroon ng mabilis na pag-unlad panlungsod at pangkultura, at inilalarawan ito bilang isang boom town.[8] Ito ay dala rin ng masisigasig na pagpupuhunan sa mga pasilidad pangkultura at isang bagong pangkat ng mga matatagumpay na disenyador, kusinero at arkitektor.[9] Base sa 2010, ang Copenhague is tinala bilang ika-10 pinakamahal-tirahang lungsod sa daigdig ayon sa pahayagang Forbes.[10]
Mga sanggunian
- ↑ "Danmarks Statistik: Areal fordelt efter kommune / region". Danmark Statistik. Nakuha noong 17 July 2014.
- ↑ Statistics Denmark: Statistikbanken, table FOLK11', period 2013K3
- ↑ "Statistics Denmark: Copenhagen City/Urban Area (Københavns Kommune, Hovedstadsområdet), 2012 (tables: FOLK1, BEF44)". Statistics Denmark. Nakuha noong 17 August 2012.
- ↑ http://www.waymarking.com/waymarks/WM3N4X
- ↑ "Copenhagen Region Ranks 3rd in Western Europe for Attracting Head Offices". Ministry of Foreign Affairs of Denmark. 6 Enero 2009. Archived from the original on 9 Mayo 2008. Retrieved 24 Hulyo 2009.
- ↑ "Copenhagen is Scandinavia's most desirable city". International Herald Tribune.
- ↑ "Copenhagen – City of Cyclists". City of Copenhagen.
- ↑ "Cool Boom Towns". Spiegel Special.
- ↑ "Europe's 10 Best Places To Live". Forbes.
- ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-06-29. Nakuha noong 2013-06-29.
{cite web}
: CS1 maint: archived copy as title (link)
Mga kawing panlabas
- http://www.copenhagenet.dk/ Naka-arkibo 2010-06-20 sa Wayback Machine.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Denmark ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.