Kriptosoolohiya

Ang kriptosoolohiya (Ingles: cryptozoology), mula sa Griyegong κρυπτός, kryptos, "nakatago" + soolohiya; literal na "pag-aaral ng nakakubling mga hayop"), ay tumutukoy sa paghahanap ng mga hayop na itinuturing na maalamat o kaya hindi umiiral sa pangunahing biyolohiya. Kabilang rito ang paghahanap sa nabubuhay na mga halimbawa ng mga hayop na itinuturing nang hindi na umiiral, katulad ng mga dinosauro, mga hayop na ang pag-iral o pagiging buhay ay kulang ng pisikal na ebidensiya ngunit lumilitaw sa mga mito, mga alamat, o mga pag-uulat, katulad ng Bigfoot at Chupacabra,[1] at mababangis na mga hayop na dramatikong nasa labas ng kanilang normal na nasasakupang pook na heograpiko, katulad ng mga pusang pantom o mga dayuhang malalaking pusa (mga ipinakilala o inilagay na mga uri na hindi karaniwan sa isang lugar).

Ang mga taong sangkot sa pag-aaral ng kriptosoolohiya ay tinatawag na mga kriptosoologo o kriptosoolohista. Ang mga hayop na kanilang pinag-aaralan ay kadalasang tinatawag na mga kriptid, binabaybay na cryptid sa Ingles, isang salitang inimbento ni John Wall noong 1983.[2]

Hindi isang kinikilalang sangay ng soolohiya ang kriptosoolohiya. Tinutuligsa ang katayuan nito bilang isang agham[3] dahil nakaayon ito sa mga ebidensiyang anekdotal o salaysay, mga kuwento, at hindi napapatunayang mga pagkakakita,[4] at natukoy bilang isang sudosiyensiya o hindi tunay na agham.[5]

Talaan ng mga kriptid

Mga sanggunian

  1. Simpson, George G. (1984-03-30) "Mammals and Cryptozoology", Proceedings of the American Philosophical Society, p1, V128#1
  2. Coleman, Loren at Clark, Jerome. Cryptozoology A to Z: The Encyclopedia of Loch Monsters, Sasquatch, Chupacabras, and Other Authentic Mysteries of Nature. New York: Fireside/Simon and Schuster, 1999
  3. Simpson, George G. (1984). "Mammals and Crytozoology". Proceedings of the American Philosophical Society. 128 (1). American Philosophical Society: 1–19. Nakuha noong Setyembre 2010. {cite journal}: Check date values in: |accessdate= (tulong)
  4. Carroll, Robert T. (1994–2009). "The Skeptic's Dictionary". Nakuha noong 26 Agosto 2010.{cite web}: CS1 maint: date format (link)
  5. Shermer, Michael; Linse, Pat (2002). The Skeptic Encyclopedia of Pseudoscience. ABC-CLIO. ISBN 1576076539.