DYJV
Pamayanan ng lisensya | Boracay |
---|---|
Lugar na pinagsisilbihan | Boracay at mga karatig na lugar |
Frequency | 106.1 MHz |
Tatak | Radio Boracay 106.1 |
Palatuntunan | |
Wika | |
Format | CHR/Top 40, Island, Talk |
Pagmamay-ari | |
May-ari | One Media Boracay (Capricom Production and Management) |
Kaysaysayn | |
Unang pag-ere | 2006 |
Dating pangalan | FM2 (2017–2022) |
Impormasyong teknikal | |
Awtoridad na naglisensiya | NTC |
Class | A / B / C |
Power | 1,000 watts |
Ang DYJV (106.1 FM), sumasahimpapawid bilang Radio Boracay 106.1, ay isang himpilan ng radyo na pagmamay-ari at pinamamahalaan ng Capricom Production and Management sa pamamagitan ng subsidiary nitong One Media Boracay Inc. Ang estudyo at transmiter nito ay matatagpuan sa Zone 5, Boracay Bulabog Rd., Malay, Aklan.[1][2][3]
Kasaysayan
Itinatag ang Radio Boracay noong 2006 na may halong Top 40 at island music sa format nito.
Noong Marso 2009, nung nasa pamamalaha ni dating konsehal ng Malay na si Jonathan Cabrera ang Radio Boracay, nagdagdag ito ng mga programang pangbalita at pangtalakayan sa format nito.
Mula 2010 hanggang 2013, kaanib ito ng Magic 89.9 na nakabase sa Maynila, kung saan umere ito ng Good Times at Boys Night Out.
Mula 2017 hanggang 2022, kaanib ito ng Philippine Broadcasting Service. Noong panahong iyon, sumahimpapawid ito bilang 106.1 FM2 na may classic hits na format.
Mga sanggunian
- ↑ "Boracay Island Philippines General Information". Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-04-23. Nakuha noong 2025-01-12.
- ↑ Boracay A Day: Premiere FM radio stations on the island
- ↑ New Pinoy Online Streaming Stations: Boracay and Albay Broadcasts Online