Deboniyano
Deboniyano | |
---|---|
419.2 ± 3.2 – 358.9 ± 0.4 milyong taon ang nakakalipas | |
Kronolohiya | |
Etimolohiya | |
Pormal | Formal |
Palayaw | Age of Fishes |
Impormasyon sa paggamit | |
Celestial body | Earth |
Paggamit panrehiyon | Global (ICS) |
Ginamit na iskala ng panahon | ICS Time Scale |
Kahulugan | |
Yunit kronolohikal | Period |
Yunit stratigrapiko | System |
Pormal na time span | Formal |
Kahulugan ng mababang hangganan | FAD of the Graptolite Monograptus uniformis |
Lower boundary GSSP | Klonk, Czech Republic 49°51′18″N 13°47′31″E / 49.8550°N 13.7920°E |
GSSP ratified | 1972[5] |
Upper boundary definition | FAD of the Conodont Siphonodella sulcata (discovered to have biostratigraphic issues as of 2006).[6] |
Upper boundary GSSP | La Serre, Montagne Noire, France 43°33′20″N 3°21′26″E / 43.5555°N 3.3573°E |
GSSP ratified | 1990[7] |
Atmospheric at climatic data | |
Taas ng dagat kesa kasalukuyan | Relatively steady around 189 m, gradually falling to 120 m through period[8] |
Ang Deboniyano (Ingles: Devonian) ay isang panahong heolohiko na sumasakop mula 419.2 milyong taon ang nakalilipas hanggang 419.2 milyong taon ang nakalilipas. Ito ay ipinangalan sa Devon, Inglatera kung saan ang mga bato sa panahong ito ay unang pinag-aralan. Ang panahong ito ay dumanas ng isang malaking radiasyong pag-aangkop ng mga buhay pang-lupain. Dahil ang mga malalaking bertebratang pang-lupaing herbibora ay hindi pa lumilitaw, ang mga baskular na halamanng pteridophyte ay nagsimulang kumalata sa buong tuyong lupa na ng mga bumuo ng malawak na mga kagubatan na tumakip sa mga kontinente. Sa mga gitna ng Deboniyano, ang ilang mga pangkat ng halaman ay nag-ebolb ng mga dahon at tunay na mga ugat at sa huli nang panahong ito, ang may mga butong halaman ay lumitaw. Ang iba't ibang mga arthropod na pang-lupa ay naging mahusay na nailagay. Ang isda ay umabot sa masaganang dibersidad sa panahong ito na tumungo sa Deboniyano na tawaging Panahon ng Isda. Ang unang may ray na palikpik at may lobong palikpik na mabutong isda ay lumitaw samantalang ang mga placoderma ay nagsimulang manaig sa halos bawat alam na kapaligirang akwatiko(pang-tubig). Ang mga ninuno ng lahat ng mga tetrapoda ay nagsimulang umangkop(adapting) sa paglakad sa lupain at ang mga malalakas na pektoral at pelbikong palikpik ng mga ito ay unti unting nag-ebolb sa mga binti.[9] Ang isang halimbawa ng transisyong ito ang Tiktaalik na lumitaw sa Huling Deboniyano na isang kalaunang nagpatuloy na reliko kesa isang direktang anyong transisyonal.[10] Sa mga karagatan, ang mga primitibong pating ay naging mas marami kesa sa panahong Silurian at huling Ordovician. Ang unang ammonita na mga molluska ay lumitaw. Ang mga trilobite na mga tulad ng molluskang brachiopod at ang dakilang mga coral reef ay karaniwan pa rin. Ang ekstinksiyong huling Deboniyano ay malalang umapekto sa buhay pang-dagat na pumatay sa lahat ng mga buhay pang-dagat gayundin sa lahat ng mga trilobite, maliban sa isang mga espesye ng order na Proteida. Ang paleograpiya ng panahong ito ay pinanaigan ng superkontinenteng Gondwana sa timog, ang kontinenteng Siberia sa hilaga at ang simulang pagkakabuo ng maliit na kontinenteng Euramerika sa pagitan.
Mga subdibisyon
Ang panahong Deboniyano ay pormal na hinahati sa mga subdibisyong Simula, Gitna at Huli. Ang mga batong tumutugon sa mga epoch na ito ay tinutukoy bilang kabilang sa Mababa, Gitna at Itaas na bahagi ng sistemang Deboniyano. Ang Simulang Deboniyano ay tumagal mula 419.2 milyong taon ang nakalilipas hanggang 393.3 milyong taon ang nakalilipas at nagsimula sa yugtong Lochkovian na tumagal hanggang Pragian. Ito ay sumasaklaw mula 410.8 milyong taon ang nakalilipas hanggang 407.6 milyong taon ang nakalilipas at sinundan ng Emsian na tumagal hanggang sa pagsisimula ng Gitnang Deboniyano 393.3± 2.7 milyong taon ang nakalilipas. Ang Gitnang Deboniyano ay binubuo ng dalawang mga subdibisyon, ang Eifelian na nagbibigay daan sa Givetian 387.7± 2.7 milyong taon ang nakalilipas. Sa panahong ito ang may armor na walang pangang isdang ostracoderm ay bumabagsak sa dibersidad. Ang may pangang isda ay yumayabong at tumataas sa dibersidad sa parehong mga karagatan at sariwang tubig. Ang mababaw, mainit at naubusan ng oksihenong mga tubig ng panloob na ilog ng Deboniyano na pinalibutan ng mga primitibong halaman ay nagbigay ng kapaligiran na kailangang para sa isang sinaunang isda na magpaunlad ng mahalagang mga katangian gaya ng mahusay na umunlad na mga baga at ang kakayahan na gumapang papaalis sa tubig at tungo sa lupain sa mga maikling panahon ng panahong ito. Ang huli, na Huling Deboniyano ay nagsisimula sa Frasniyano, 382.7 milyong taon ang nakalilipas hanggang 372.2 milyong taon ang nakalilipas kung saan ang mga unang kagubatan ay nagkakaanyo sa lupain. Ang unang mga tetrapod ay lumitaw sa fossil rekord sa sumunod na subdibisyong Famenniyano na ang simula at wakas ay minarkahan ng mga pangyayaring ekstinksiyon. Ito ay tumagal hanggang sa wakas ng Deboniyano 358.9± 2.5 milyong taon ang nakalilipas.
Klima
Ang Deboniyano ay isang relatibong mainit na panahon at malamang ay nagkukulang ng anumang mga glasyer.[12] Ang rekonstruksiyon ng temperatura ng surpasiyo ng tropikal na dagat mula conodont apatite ay nagpapahiwatig ng aberaheng halaga na 30 °C (86 °F) sa Simulang Deboniyano.[12] Ang mga lebel ng Karbon dioksido ay matarik na bumagsak sa buong panahong Deboniyano dahil ang libingan ng mga bagong nag ebolb na mga kagubatan ay humugot papaalis ng karbon sa atmopero tungo sa mga sedimento. Ito ay maaaring narereplekta ng paglalamig na Gitnang Deboniyano ng mga 5 °C (9 °F).[12] Ang Huling Deboniyano ay uminit sa mga lebel na katumbas ng Simulang Deboniyano. Bagaman walang tumutugong pagtaas sa mga konsentrasyon ng karbon dioksido, ang pagkasirang kontinente ay tumaas gaya ng hinulaan ng mas mababang mga temperatura. Sa karagdagan, ang saklaw ng ebidensiya gaya ng distribusyong ng halaman ay nagtuturo sa pag-iinit sa Huling Deboniyano.[12] Ang klima ay maaaring umapekto sa mga nananaig na mga organismo sa mga reef. Ang mga mikrobyo ay maaaring ang pangunahing nagbubuo ng reef na mga organismo sa mga panahong mainit. Ang pag-init sa wakas ng Deboniyano ay maaaring nag-ambag sa ekstinksiyon ng mga stromatoporoid.
Paleoheograpiya
Ang panahong Deboniyano ay isang panahon ng malaking gawaing tektoniko dahil ang Euramerica at Gondwana ay nagkalapit. Ang kontinenteng Euramerika o Laurassia ay nalikha sa simulang Deboniyano ng pagbabanggan ng Laurentia at Baltica na umikot sa natural na tuyong sona sa kahabaan ng Tropic of Capricorn na nabuo noong panong Palesoiko gaya ngayon ng pagtatagpo ng dalawang malaking mga masa ng hangin na selulang Hadley at selulang Ferrel. Sa mga malapit sa disyertong ito, ang sedimentaryong kamang Old Red Sandstone ay nabuo at ginawang pula ng oksidisadong bakal(iron) (hematite) na katangian ng mga tungong kondisyon. Malapit sa ekwador, ang platong tektoniko ng Euramerica at Gondwana ay nagsisimulang magtagpo na nagpasimula sa simulang mga yugto ng pagtitipon ng Pangaea. Ang gawaing ay karagdagang nagpataas ng hilagaang mga kabundukang Appalachian at bumuo ng mga kabundukang Kaledoniyano sa Gran Britanya at Scandinavia. Ang baybaying kanluaran ng Deboniyanong Hilagang Amerika sa salungat ay isang pasibong marhin na may malalim na may silt na look, mga delta ng ilog at mga estuaryo sa kasalukuyang panahong Idaho at Nevada. Ang papalapit na bulkanikong arkong isla ay umabot sa matarik na lihis ng shelf na kontinental sa Huling Deboniyano at nagsimulang magtaas ng mga deposito ng malalim na tubig na isang pagbabanggang pagpapakilala ng episodyong pagtatayo ng bundok ng panahong Mississippiyano na tiantawag na oroheniyang Antler.[13] Ang mga lebel ng dagat ay mataas sa buong mundo at ang karamihan ng mga lupain ay nakalubog sa ilalim ng mga mababaw na dagt kung saan ang mga tropikal na organismong reef ay namuhay. Ang malalim at malaking pangkalahatang karagatang Panthalassa ay tumakip sa natitirang lugar ng mundo. Ang ibang mga maliliit na karagatan ang Paleo-Tethys, Proto-Tethys, Rheic Ocean, at Ural Ocean na nagsara sa panahon ng pagbabanggaan ng Siberia at Baltica.
Biota
Marinong biota
Ang mga lebel sa Deboniyano ay pangkalahatang mataas. Ang mga faunang marino ay patuloy na pinanaigan ng bryozoa, diberso at masaganang mga brachiopod, ang enigmatikong mga hederelloid, mga microconchid at mga koral. Ang tulad ng lily na mga crinoid ay masagana at ang mga trilobita ay medyo karaniwan pa rin. Sa mga bertebrata, ang walang pangang may armor na isda(ostracoderms) ay bumagsak sa dibersidad samantalang ang may pangang isda (gnathostomes) ay sabay na tumaas sa parehong dagat at sariwang tubig. Ang mga may armoradong placoderm ay marami sa mababang mga yugto ng Deboniyano at naging ekstinkt sa Huling Deboniyano marahil ay dahil sa pakikipagtunggali sa pagkain laban sa ibang mga espesye ng isda. Ang sinaunang cartilaginous (Chondrichthyes) at mga mabutong isda (Osteichthyes) ay naging diberso rin at gumampan ng mahalagang papel sa loob ng mga dagat na Deboniyano. Ang unang masaganang henus ng pating na Cladoselache ay lumitaw sa mga karagatan sa panahong Deboniyano. Ang malaking dibersidad ng isda sa panahong ito ay tumungo sa panahong Deboniyano na bigyan ng pangalang Panahon ng Isda sa kulturang popular. Ang unang mga ammonita ay lumitaw rin o medyo bago ang simulang Deboniyano mga 400 milyong taon ang nakalilipas.[14]
-
Ang Dunkleosteus na isa sa pinakamalaking armoradong mga isda na gumala sa planeta. Ito ay nabuhay sa Huling Deboniyano.
-
Sinaunang pating na Cladoselache, mga ilang may lobong palikpik na isda kabilang ang Eusthenopteron, at placoderma Bothriolepis sa isang ipinintang larawan noong 1905.
-
Ang karaniwang tabulatang koral na Aulopora mula sa Gitnang Deboniyano ng Ohio. pananaw ng pinagmulang kolonyo na nagkakrusta ng balbong brachiopod.
Mga reef
Ang tuyo na ngayong barrier reef na matatagpuan sa kasalukuyang Kimberley Basin ng hilagang kanlurang Australia ay minsang sumaklaw sa isang libong mga kilometro na pumapalibot sa kontinenteng Deboniyano. Ang mga reef sa pangkalahatan ay gawa sa iba`t ibang mga naglalabas ng karbonatang organismo na may kakayahang magtayo ng hindi matatablan ng along mga balangkas na malapit sa lebel ng dagat. Ang pangunahing mga taga-ambag ng mga reef na Deboniyano ay hindi tulad ng mga modernong reef na pangunahing ginawa ng mga koral at mga kalkareyosong algae. Ang mga ito ay gawa sa kalkareyosong algae at ula dng koral na mga stromatoporoid at ang tabulat at mga koral na rugose sa order ng kahalagahan.
-
Pleurodictyum americanum, Kashong Shale, Middle Devonian, Livingston County, New York.
-
SEM larawan ng isang hederelloid mula sa Deboniyano ng Michigain, ang pinakamalaking tubong diametro ay 0.75 mm.
-
Deboniyanong spiriferid brachiopod mula sa Ohio na nagsilbing hostong substrato para sa isang kolonya ng mga hederelloid.
Pang-lupaing biota
Sa panahong Deboniyano, ang buhay ay nagpapatuloy sa kolonisasyon nito ng lupain. Ang mga kagubatang moss at pang bakterya at mga mat na pang algae ng Silurian ay sinamahan sa simula ng panahon ng primitibong may ugat na mga halamang lumikha ng unang matatag na mga lupa(soil) at mga arthropod tulad ng mga mite, alakdan atmyriapods (bagaman ang mga arthropod ay lumitaw sa lupain ng mas maaga kesa sa Simulang Deboniyano at ang pag-iral ng mga fossil gaya ng mga Climactichnite ay nagmumungkahing ang mga arthropod na pang lupain ay lumitaw sa panahong Cambrian). Gayundin, ang unang posibleng mga fossil ng mga insekto ay lumitaw noong mga 416 milyong taon ang nakalilipas sa Simulang Deboniyano. Ang unang mga tetrapod na nag-ebolb mula sa mga may lobong palikpik na isda ay lumitaw sa mga tubig pang baybayin na hindi mas kalaunan sa gitnang Deboniyano at nagpalitaw ng mga unang ampibyano.[15]
Ang pagbeberde ng lupain
Ang mga halaman ng Simulang Deboniyano ay walang mga ugat o dahon tulad ng mga halamang pinaka karaniwan sa kasalukuyan at marami sa mga ito ay walang tisyung baskular. Ang mga ito ay malamang malaking kumalat sa paglagong panghalaman at hindi lumago ng higit sa ilang mga sentimetrong taas. Sa panahong ito, ang pinamalaking organismong pang lupain ang Prototaxites na nag bubungnang katawan ng isang malaking fungus na may taas ng higit sa 8 metro. Sa Gitnang Deboniyano, ang mga tulad ng palumpong na mga kagubatan ng mga primitibong halaman ay umiral: ang mga lycophyte, horsetails, fern, at mga progymnosperm ay nag-ebolb. Ang karamihan ng mga halamang ito ay may tunay na mga ugat at dahon at karamihan ay medyo mataas. Ang pinaka unang mga alam na puno mula sa henus na Wattieza ay lumitaw sa Huling Deboniyano noong mga 380 milyong taon ang nakalilipas.[16] Sa huling Deboniyano, ang mga tulad ng punong sinaunang fern na Archaeopteris at ang mga higanteng punong cladoxylopsid ay lumago[17] na may tunay na kahoy. Ang mga ito ang pinakamatandang mga alam na puno ng unang mga kagubatan ng mundo. Sa huli nang Deboniyano, ang unang bumubuo ng butong mga halaman ay lumitaw. Ang mabilis na paglitaw ng maraming mga pangkat ng halaman at mga anyong paglago ay tinawag na pagsabog na Deboniyano. Ang pagbeberde ng mga kontinente ay umasal bilang isang sink na karbon dioksido at ang mga lebel ng atmospero ng gaas na greenhouse na ito ay maaaring bumagsak. Ito ay maaaring nagpalamig sa klima at tumungo sa malaking pangyayaring ekstinksiyon.
Mga hayop at ang mga unang mga lupa
Ang mga primitibong arthropod ay kapwa nag ebolb kasama ng dibersipikadong istakturang halamanang pang lupaing ito. Ang nag-eebolb na kapwa pagsalalay ng mga insekto at mga halamang buto na naglalarawan ng isang makikilalang modernong mundo ay may pasimula nito sa Huling Deboniyano. Ang pag-unlad ng mga lupa(soil) at ugat ng halaman ay tumungo sa mga pagbabago sa bilis at paterno ng erosyon at pagdedeposito ng sedimento. Ang mabilis na ebolusyon ng ekosistemang pang lupain na naglalaman ng saganang mga hayop ay nagbukas ng daan para sa mga unang berterbrata na maghanap ng pamumuhay pang lupain. Sa huli ng Deboniyano, ang mga arthropod ay matibay nang nakalagay na sa lupain.
Ekstinksiyong Huling Deboniyano
Anbg isang pangunahing ekstinksiyon ay nangyari sa simula ng huling yugto ng panahong Deboniyano, ang yugtong pang fauna na Famenniyano(hangganan Frasniyano-Fammenniyano) mga 364 milyong taon ang nakalilipas nang ang lahat ng mga fossil na isdang agnathan maliban sa mga psammosteid heterostracan ay biglang naglaho. Ang isang ikalawang malaking pulso ay nagsara sa panahong Deboniyano. Ang ekstinksyong Huling Deboniyano ang isa sa limang pangunahing mga pangyayaring ekstinksiyon sa kasaysayan ng biota ng mundo na mas drastiko kesa sa pamilyar na pangyayaring ekstinksiyon na nagsara ng Kretasyoso. Ang krisis na ekstinksiyong Deboniyano ay pangunahing umapekto sa pamayanang marino at selektibong umapekto sa mga organism sa mababaw at mainit na tubig kesa sa mga organismo sa malamig na tubig. Ang pinaka mahalagang pangkat na naapektuhan ng ekstinksyong ito ang mga tagatayo ng reef ng dakilang sistemang reef ng Deboniyano. Kabilang sa mga malalang naapektuhang pangkat marino ang mga brachiopod, mga trilobita, mga ammonita, mga conodont at mga acritarch gayundin ang walang pangang isa at lahat ng mga plakoderma. Ang mga halamang pang lupain gayundin ang mga espesye na pang sariwang tubig gaya ng mga ninuno ng tetrapod ay relatibong hindi naapektuhan ng pangyayaring ekstinksiyon sa Huling Deboniyano. Ang mga dahilan para sa mga ekstinksiyon sa Huling Deboniyano ay hindi pa rin alam at ang ang lahat ng mga paliwanag ay spekulatibo. Ang paleontologong Canadian na si Digby McLaren ay nagmungkahi noong 1969 na ang mga pangyayaring ekstinksiyon sa Deboniyano ay sanhi ng pagbangga ng isang asteroid. Gayunpaman, bagaman may mga pangyayaring pagbabanggan sa Huling Deboniyano, kaunting ebidensiya ang sumusuporta sa pag-iral ng isang krater ng panahong Deboniyano na sapat na malaki.
Mga sanggunian
- ↑ 1.0 1.1 Parry, S. F.; Noble, S. R.; Crowley, Q. G.; Wellman, C. H. (2011). "A high-precision U–Pb age constraint on the Rhynie Chert Konservat-Lagerstätte: time scale and other implications". Journal of the Geological Society. London: Geological Society. 168 (4): 863–872. doi:10.1144/0016-76492010-043.
{cite journal}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 Kaufmann, B.; Trapp, E.; Mezger, K. (2004). "The numerical age of the Upper Frasnian (Upper Devonian) Kellwasser horizons: A new U-Pb zircon date from Steinbruch Schmidt(Kellerwald, Germany)". The Journal of Geology. 112 (4): 495–501. Bibcode:2004JG....112..495K. doi:10.1086/421077.
{cite journal}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 3.0 3.1 Algeo, T. J. (1998). "Terrestrial-marine teleconnections in the Devonian: links between the evolution of land plants, weathering processes, and marine anoxic events". Philosophical Transactions of the Royal Society B: Biological Sciences. 353 (1365): 113–130. doi:10.1098/rstb.1998.0195.
{cite journal}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Chart/Time Scale". www.stratigraphy.org. International Commission on Stratigraphy.
- ↑ Chlupáč, Ivo; Hladil, Jindrich (Enero 2000). "The global stratotype section and point of the Silurian-Devonian boundary". CFS Courier Forschungsinstitut Senckenberg: 1–8. Nakuha noong 7 Disyembre 2020.
{cite journal}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Kaiser, Sandra (1 Abril 2009). "The Devonian/Carboniferous boundary stratotype section (La Serre, France) revisited". Newsletters on Stratigraphy. 43 (2): 195–205. doi:10.1127/0078-0421/2009/0043-0195. Nakuha noong 7 Disyembre 2020.
{cite journal}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Paproth, Eva; Feist, Raimund; Flajs, Gerd (Disyembre 1991). "Decision on the Devonian-Carboniferous boundary stratotype" (PDF). Episodes. 14 (4): 331–336. doi:10.18814/epiiugs/1991/v14i4/004.
{cite journal}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Haq, B. U.; Schutter, SR (2008). "A Chronology of Paleozoic Sea-Level Changes". Science. 322 (5898): 64–68. Bibcode:2008Sci...322...64H. doi:10.1126/science.1161648. PMID 18832639. S2CID 206514545.
{cite journal}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ [1] Fossil tracks record 'oldest land-walkers' - BBC News
- ↑ http://www.nature.com/nature/journal/v463/n7277/edsumm/e100107-01.html
- ↑ "Chart/Time Scale". www.stratigraphy.org. International Commission on Stratigraphy.
- ↑ 12.0 12.1 12.2 12.3 Joachimski, M.M.; Breisig, S.; Buggisch, W.; Talent, J.A.; Mawson, R.; Gereke, M.; Morrow, J.R.; Day, J.; Weddige, K. (2009). "Devonian climate and reef evolution: Insights from oxygen isotopes in apatite". Earth and Planetary Science Letters. 284 (3–4): 599–609. doi:10.1016/j.epsl.2009.05.028. ISSN 0012-821X.
{cite journal}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Graph of palaeotemperature from Conodont apatite Naka-arkibo 2015-09-24 sa Wayback Machine. - ↑ "Devonian Paleogeography". Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-12-21. Nakuha noong 2012-09-19.
{cite web}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Palaeos Paleozoic: Devonian: The Devonian Period - 2
- ↑ Niedźwiedzki (2010). "Tetrapod trackways from the early Middle Devonian period of Poland". Nature. 463: 43–48. Bibcode:2010Natur.463...43N. doi:10.1038/nature08623.
{cite journal}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Smith, Lewis (Abril 19, 2007). "Fossil from a forest that gave Earth its breath of fresh air". The Times. London. Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 4, 2008. Nakuha noong Mayo 1, 2010.
{cite news}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ C.Michael Hogan. 2010. Fern. Encyclopedia of Earth. eds. Saikat Basu and C.Cleveland. National Council for Science and the Environment. Washington DC.