Distritong pambatas ng Baguio

Ang artikulong ito ay bahagi ng seryeng:
Politika at pamahalaan ng
Pilipinas

Ang solong Distritong Pambatas ng Lungsod ng Baguio ang kinatawan ng mataas na urbanisadong lungsod ng Baguio sa mababang kapulungan ng Pilipinas.

Kasaysayan

Unang nabigyan ng representasyon ang Lungsod ng Baguio kasama ng dating Mountain Province noong 1917 sa bisa ng Kautusan Blg. 2711 (Revised Administrative Code). Nagtalaga ang Gobernador-Heneral ng tatlong assemblymen at-large na kinatawan ng Mountain Province sa mababang kapulungan.

Nagsimulang maghalal ng kinatawan ang Mountain Province kasama ang Baguio noon lamang 1935 sa bisa ng Kautusan Blg. 4203. Ang lungsod ay bahagi ng kinakatawan ng ikalawang distrito ng Mountain Province, kung saan kabilang rin ang noo'y sub-province ng Benguet.

Noong panahon ng Ikalawang Republika, bilang nakakartang lungsod nabigyan ng sariling representasyon ang Baguio. Nagpadala ng dalawang assemblymen at-large ang lungsod sa Kapulungang Pambansa. Nang manumbalik ang Komonwelt, ibinalik ang lungsod sa ikalawang distrito ng Mountain Province.

Sa pamamagitan ng Batas Pambansa Blg. 4695 na naaprubahan noong Hunyo 18, 1966, naging ganap na lalawigan ang Benguet. Ayon sa Seksiyon 10 ng batas, naging bahagi ng solong distrito ng lalawigan ang Baguio na nagsimulang maghalal ng kinatawan noong eleksyon 1969.

Bahagi ito ng kinakatawan ng Rehiyon I sa Pansamantalang Batasang Pambansa, mula 1978 hanggang 1984. Sa bisa ng Batas Pambansa Blg. 51, ginawang mataas na urbanisadong lungsod ang Baguio. Dahil dito, nagpadala ng isang assemblyman at-large ang lungsod sa Regular Batasang Pambansa, mula 1984 hanggang 1986.

Sa ilalim ng bagong Konstitusyon, muling ipinangkat ang lungsod sa Benguet na nirepresentahan bilang unang distrito ng lalawigan mula 1987 hanggang 1992.

Mula 1992, hiniwalay ang lungsod mula sa Benguet at nabigyan muli ng sariling distrito na nagsimulang maghalal ng kinatawan noong eleksyon 1992.

Solong Distrito

  • Populasyon (2015): 345,366
Panahon Kinatawan
Ikasiyam na Kongreso
1992–1995
Bernardo M. Vergara
Ikasampung Kongreso
1995–1998
Ika-11 na Kongreso
1998–2001
Ika-12 na Kongreso
2001–2004
Mauricio G. Domogan
Ika-13 na Kongreso
2004–2007
Ika-14 na Kongreso
2007–2010
Ika-15 na Kongreso
2010–2013
Bernardo M. Vergara
Ika-16 na Kongreso
2013–2016
Nicasio M. Aliping Jr.
Ika-17 na Kongreso
2016–2019
Marquez O. Go
Ika-18 na Kongreso
2019–2022

At-Large (defunct)

1943–1944

Panahon Kinatawan
Kapulungang Pambansa
1943–1944
Florendo Aquino
Nicasio S. Valderrosa (ex officio)

1984–1986

Panahon Kinatawan
Regular Batasang Pambansa
1984–1986
Honorato Y. Aquino

Tingnan din

Sanggunian

  • Philippine House of Representatives Congressional Library