Ebolusyong komberhente

Ang dalawang henerang makatas na halamang Euphorbia at Astrophytum ay malayong magkaugnay ngunit independiyenteng nag-konberhente sa isang labis na magkatulad na anyo ng katawan.
Ang pill millipede at pill bug ay halos magkamukha ngunit ang huli ay aktuwal na isang klase ng kutong kahoy na nag-angkop ng parehong mga pagtatanggol.
Ang una ay isang butiking salamin na Sheltopusik na mukhang ahas ngunit aktuwal na isang butiki. Ang huli ay isang ahas.

Ang Ebolusyong konberhente o Ebolusyong pagtatagpo ay naglalarawan sa pag-eebolb o pagkakamit ng parehong katangiang biolohiko sa mga organismo o espesyeng walang kaugnayan sa isa't isa. Ang sanhi nito ay karaniwang isang magkatulad na ebolusyonaryong bioma(biome) dahil ang mga magkatulad na mga kapaligiran ay pipili ng mga parehong katangian sa mga espesye na sumasakop sa parehong niche na ekolohikal kahit pa ang mga espesyeng ito ay malayong magkaugnay. Ang pakpak ang isang klasikong halimbawa ng ebolusyong konberhente. Ang mga lumilipad na insekto, ibon, at mga paniki ay lahat independiyenteng(hindi nakasalalay sa iba pa) nag-ebolb ng kakayahan na makalipad. Ang mga ito ay nagkonberhente sa magagamit na katangian. Ang mga ninuno ng parehong mga paniki at ibon ay mga panlupaing kwadruped at ang bawat isang ito ay independiyenteng nag-ebolb ng may enerhiyang paglipad sa pamamagitan ng mga pag-aangkop ng mga harapang biyas nito. Bagaman ang parehong mga pag-aangkop sa harapang biyas ay superpisyal na hugis pakpak, ang mga ito ay malaking hindi magkatulad sa konstruksiyon. Ang pakpak ng paniki ay isang membranong sumasakop sa apat na sukdulang humabang mga daliri samantalang ang airfoil ng pakpak ng ibon ay gawa ng mga balahibo(feathers) na malakas na nakakabit sa harapang braso(ula) at mataas na magkasanib na mga buto ng wrist at kamay(carpometacarpus) na tanging may mga mungting labi ng natitirang mga daliri na umaangkla sa bawat isang balahibo. Parehong napanatili ng mga paniki at ibon ang hinlalaki para sa espesyalisadong tungkulin. Kaya bagaman ang mga pakpak ng mga paniki at ibon ay konberhente sa tungkulin, ang mga ito ay hindi konberhente sa anatomiya. Ang mga katangiang lumilitaw sa pamamagitan ng ebolusyong konberhente ay tinaguriang mga analogosong istaktura na salungat sa mga homolohosong istraktura na may isang karaniwang pinagmulan. Ang mga pakpak ng paniki at pterosaur ay isang halimbawa ng mga istrakturang analohoso samantalang ang pakpak ng paniki ay homolohoso sa mga harapang braso ng tao at iba pang mamalya na nagsasalo ng isang katayuang pang-ninuno sa kabilang ng pagkakaroon ng iba't ibang mga tungkulin. Ang pagkakatulad ng espesye sa iba't ibang ninuno na resulta ng ebolusyong konberhente ay tinatawag na homoplasiya. Ang kabaligtaran ng ebolusyong konberhente ang ebolusyong diberhente kung saan ang mga magkakaugnay na espesye ay nag-ebolb ng iba't ibang mga katangian. Sa lebel ng molekula, ito ay nangyayari sanhi ng isang randomang mutasyon na walang kaugnayan sa mga pagbabagong pag-aangkop. Ang ebolusyong konberhente ay katulad ngunit natatangi mula sa phenomena ng ebolusyonaryong relay at parallelo o magkahilerang ebolusyon. Ang ebolusyonaryong relay ay naglalarawan kung paanong ang independiyenteng espesye ay nagkakamit ng magkatulad na mga katangian sa pamamagitan ng ebolusyon ng mga ito sa magkatulad na kapaligiran sa iba't ibang mga panahon. Ang halimbawa nito ang mga palikpik na dorsal ng ekstinkt na ichthyosauro at mga pating. Ang paralellong ebolusyon ay nangyayari kapag ang dalawang independiyenteng espesye ay sabay na nag-eebolb sa parehong panahon sa parehong ekoespasyo at nagkakamit ng magkatulad na mga katangian. Ang halimbawa nito ang mga nanginginaing kabayo at paleothere.