Ezra Pound

Ezra Pound
KapanganakanKamalian ng Lua na sa Module:Wd na nasa linyang 1890: bad argument #1 to 'ipairs' (table expected, got nil).
    • Hailey
  • (Blaine County, Idaho, Estados Unidos ng Amerika)
Kamatayan1 Nobyembre 1972
LibinganCemetery of San Michele
MamamayanEstados Unidos ng Amerika
NagtaposUniversity of Pennsylvania
Hamilton College
Trabahomakatà, kritiko literaryo, kompositor, tagasalin, awtobiyograpo, manunulat, ekonomista, mamamahayag, personalidad sa radyo, historyador ng panitikan
AsawaDorothy Shakespear (20 Abril 1914–)
KinakasamaIseult Gonne
AnakMary de Rachewiltz, Omar Pound
Magulang
  • Homer Loomis Pound
  • Isabel Weston

Si Ezra Weston Loomis Pound (30 Oktubre 1885 – 1 Nobyembre 1972) ay isang Amerikanong nangibang-bayang makata, manunuri, at intelektuwal, na naging isang pangunahing tao sa kilusang Modernista noong unang hati ng ika-20 daang taon. Malawakang itinuturing siya bilang ang makatang may kagagawan ng pagbibigay kahulugan at pagtataguyod sa isang makabagong estetiko sa panulaan.[1] Sinabi ng manunuring si Hugh Kenner ukol kay Pound nang magtagpo sila na: "Agad kong napag-alamang nasa paligid ako ng gitna ng modernismo.[2][3]

Sa kaagahan ng "kabataan" ng ika-20 daang taon, nagbukas siya ng pagpapalitan ng mga gawa at mga ideya sa pagitan ng mga manunulat na mga Britaniko at mga Amerikano, at naging bantog sa pagiging mapagbigay na ginamit niya sa pagsulong ng mga gawa ng kanyang mga kasabayang sina Robert Frost, William Carlos Williams, Marianne Moore, H. D. (o Hilda Doolittle), Ernest Hemingway, at natatangi na si T. S. Eliot. Nagkaroon din siya ng mabigat na impluho sa mga Irlandes na manunulat na sina W. B. Yeats at James Joyce.

Nagsimula ang kanyang malaking ambag sa panulaan sa pamamagitan ng kanyang pagtataguyod ng Imahismo, isang kilusan sa panulaang humango ng teknika mula sa klasikong panulaang Intsik at Hapones, na nagbibigay ng diin sa kalinawan, katumpakan, at ekonomiya o pagkamatipid sa wika, at pagtatanggal ng nakaugaliang rima o tugmaan at metro, upang  – ayon sa mismong mga pananalita ni Pound  – "makalikha sa loob ng pagkakasunud-sunod ng pariralang matugtugin, hindi na sa pagkakasunud-sunod ng metronoma."[1][4] Tumuon ang kanyang sumunod na panghuling mga gawa, sa loob ng limampung mga taon, sa kanyang The Cantos, isang ensiklopedikong epikong tula.

Mga sanggunian

  1. 1.0 1.1 Ezra Pound, Poets.org
  2. Salin ng Ingles na: "I suddenly knew that I was in the presence of the center of modernism."
  3. Blume, Harvey. Hugh Kenner: The Grand Tour[patay na link], Bookwire.com
  4. Salin ng Ingles na: "compose in the sequence of the musical phrase, not in the sequence of the metronome."