Folk music
Ang tugtuging pambayan ay isang uri ng musika na kinabibilangan ng tradisyonal na tugtuging pambayan at ang uring kontemporaryo na umusbong mula noong ika-20 dantaon sa muling pagbuhay ng pambayan o folk revival. Maaring tawagin ang ilang uri ng katutubong musika bilang musika ng mundo. Ipinakakahulugan ang tradisyunal na tugtuging pambayan sa maraming paraan: bilang musika na naipapasa sa pamamagitan ng salita lamang, musika na may hindi kilalang mga kompositor, musika na tinutugtog sa tradisyonal na mga instrumento, musika tungkol sa kalinangan o pambansang pagkakakilanlan, musika na nagbabago sa pagitan ng mga henerasyon (prosesong pambayan), musika na nauugnay sa isang tao, kuwentong-bayan, o musikang itinatanghal sa pamamagitan ng kaugalian sa loob ng mahabang panahon. Naiiba ito sa mga istilong komersyal at klasiko. Nagmula ang katawagan noong ika-19 na dantaon, subalit lumalagpas ang tugutuging pambayan sa panahong iyon.
Simula noong kalagitnaan ng ika-20 dantaon isang bagong anyo ng popular na tugtuging pambayan ang umusbong mula sa tradisyonal na tugtuging pambayan. Tinatawag na (ikalawang) muling pagbuhay ng pambayan o folk revival ang proseso at panahong na naabot ang pinakamataas na antas noong dekada 1960. Tinatawag minsan ang ganitong uri ng musika na kontemporaryong tugtuging pambayan o muling pagbuhay ng pambayan upang ipagkaiba ito mula sa mas naunang mga anyong pambayan.[1] Naganap ang mas maliit, na parehong mga muling pagbuhay sa ibang lugar sa mundo sa ibang mga oras, subalit karaniwang hindi inilalapat ang katawagang tugtuging pambayan sa bagong musika na nilikha sa panahon ng mga muling pagbuhay na iyon. Kasama rin sa ganitong uri ng tugtuging pambayan ang mga sinanib na uri tulad ng rak na pambayan (folk rock), metal na pambayan (folk metal), at iba pa. Habang isang uri ang kontemporaryong tugtuging pambayan na karaniwang naiiba mula sa tradisyonal na tugtuging bayan, sa Ingles ng Estados Unidos, may parehong pangalan ito (folk music at traditional folk music), at kadalasang may parehong mga tagapagtanghal at mga lugar na katulad ng tradisyonal na tugtuging bayan.
Tradisyonal na tugtuging pambayan
Kahulugan
Ang mga katawagang tugtuging pambayan, awiting pambayan, at sayawing pambayan lalo na ang katumbas na katawagang Ingles ay medyo kamakailang mga ekspresyon. Ektensyon ang mga ito ng katawagang kuwentong bayan na ang katumbas na katawagan sa Ingles, ang folklore, ay nilikha noong 1846 ng Ingles na antikuwaryo na si William Thoms upang ilarawan ang "mga tradisyon, kaugalian, at pamahiin ng mga uring di-sibilisado".[2] Higit pang hinango ang katawagan sa ekspresyong Aleman na volk, na nangangahulugan na "ang mga tao sa kabuuan" na inilapat sa sikat at pambansang musika ni Johann Gottfried Herder at ng mga Romantikong Aleman noong mahigit kalahating siglo na nauna pa dito. Bagama't nauunawaan na musika ng tao ang tugtuging pambayan, mahirap makakuha ang mga tagamasid ng isang mas tumpak na kahulugan.[3] Hindi man lamang sumasang-ayon ang ilan na dapat gamitin ang tugtuging pambayan.[3] May posibilidad na magkaroon ang tugtuging pambayan ng ilang mga katangian[2] subalit hindi malinaw kung maiiba ito sa purong musikal na mga katawagan. Ang isang kahulugan na kadalasang ibinibigay ay ang "mga lumang awitin, na walang kilalang kompositor,"[4] ang isa pa ay ang musika na isinumite sa isang ebolusyonaryong "proseso ng tradisyong pasalita ... ang pag-usbong at muling pag-usbong ng musika ng pamayanan ang nagbibigay dito ng katangiang pambayan."[5]
Himig
Sa tugtuging pambayan, ang himig ay isang maikling instrumental na piyesa, isang melodiya, madalas na may paulit-ulit na mga seksyon, at kadalasang tinutugtog ng ilang beses.[6] Kilala pamilyang himig ang koleksyon ng mga himig na may magkakatulad na estruktura. Sinasabi ng Musical Landscape ng America na "ang pinakakaraniwang anyo para sa mga himig sa tugtuging pambayan ay AABB, na kilala rin bilang anyong binaryo."
Sa ilang mga tradisyon, ang mga himig ay maaaring pinagsama-sama sa mga medley o "set."[7]
Mga pinagmulan
Sa karamihan ng kasaysayan ng tao at bago ang kasaysayan, hindi posible ang pakikinig sa naka-rekord na musika.[8] Ginawa ang musika ng mga karaniwang tao sa panahon ng kanilang trabaho at paglilibang, gayundin sa panahon ng mga aktibidad sa relihiyon. Kadalasang mano-mano at pampamayanan ang gawain ng produksyong pang-ekonomiko.[9] Kadalasang kasama sa manwal na paggawa ang pag-awit ng mga manggagawa, na nagsilbi ng ilang praktikal na layunin.[10] Binabawasan nito ang pagkabagot sa mga paulit-ulit na gawain, pinapanatili nito ang ritmo sa panahon ng magkasabay na pagtulak at paghila, at itinakda nito ang bilis ng maraming aktibidad tulad ng pagtatanim, paggagamas, pag-aani, paghampas, paghabi, at paggiling. Sa oras ng paglilibang, ang pag-awit at pagtugtog ng mga instrumentong pangmusika ay karaniwang mga anyo ng libangan at pagsasalaysay ng kasaysayan—mas karaniwan pa kaysa ngayon kapag ang mga teknolohiyang pinapagana sa kuryente at malawakang literasiya ay ginagawang mapagkumpitensya ang iba pang anyo ng libangan at pagbabahagi ng impormasyon.[11]
Naniniwala ang ilan na nagmula ang tugtuging pambayan bilang sining ng musika na binago at malamang na pinababa ng transmisyong pasalita habang sinasalamin ang katangian ng lipunang gumawa nito.[2] Sa maraming lipunan, lalo na ang mga preliterarya, nangangailangan ang transmisyong pangkalinangan ng tugtuging pambayan ng pag-aaral sa pamamagitan ng tainga, bagaman, umunlad ang notasyon sa ilang kultura.[12] Maaaring may iba't ibang ideya ang iba't ibang kultura tungkol sa isang dibisyon sa pagitan ng "pambayan" na musika sa isang banda at ng "sining" at "korte" na musika sa kabilang banda. Sa paglaganap ng mga sikat na uri ng musika, tinatawag din ang ilang tradisyunal na tugtuging pambayan bilang "Musika ng Mundo" o "Pinag-ugatang Musika".[13]
Nagsimula ng bagong uri, ang Kontemporaryong Tugtuging Pambayan, ang muling pabuhay ng pambayan pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa Amerika at Britanya, at nagdala ng karagdagang kahulugan sa katawagang "tugtuging pambayan": mga bagong likhang awit, inayos sa anyo at ng mga kilalang may-akda, na ginaya ang ilang anyo ng tradisyonal na musika. Naging dahilan ang katanyagan ng mga pag-rekord ng "kontemporaryong pambayan" ng paglitaw ng kategoryang "Folk" o "Pambayan" sa Gawad Grammy ng 1959;[14] noong 1970, inalis ang katawagan at pinaboran ang "Best Ethnic or Traditional Recording" o "Pinakamahusay na Etniko o Tradisyonal na Pagrerekord" (kabilang ang mga Tradisyunal na Blues),[15] habang noong 1987, nagdulot ng pagkakaiba sa pagitan ng "Pinakamahusay na Pagrerekord ng Tradisyonal na Pambayan" ("Best Traditional Folk Recording") at "Pinakamahusay na Pagrerekord ng Kontemporaryong Pambayan" ("Best Contemporary Folk Recording").[16] Pagkatapos noon, nagkaroon sila ng kategoryang "Tradisyonal na musika" na sinundan ng pagbago sa iba. Sa pagsisimula ng ika-20 dantaon, maaaring sumaklaw ang katawagang Ingles na "folk" (o "pambayan"), sa pagsisimula ng ika-21 dantaon, sa mga mang-aawit at manunulat ng awitin, tulad ni Donovan[17] mula sa Eskosya at Amerikanong si Bob Dylan,[18] na lumitaw noong dekada 1960 at marami pang iba. Ang kilalang mga musikero o mang-aawit ng tugtuging pambayan sa Pilipinas ay sina Freddie Aguilar, Florante, Heber Bartolome, Joey Ayala and ang bandang Asin na lahat ay nasa uring rak na pambayan o folk rock. Nakumpleto nito ang isang proseso kung saan ang hindi na nangangahulugang tradisyonal na tugtuging pambayan lamang ang "tugtuging pambayan".[4]
Mga sanggunian
- ↑ Ruehl, Kim. "Folk Music" (sa wikang Ingles). About.com definition. Nakuha noong Agosto 18, 2011.
{cite web}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 2.2 Percy Scholes, The Oxford Companion to Music, OUP 1977, article "Folk Song". (sa Ingles)
- ↑ 3.0 3.1 The Never-Ending Revival by Michael F. Scully University of Illinois Press Urbana and Chicago 2008 ISBN 978-0-252-03333-9 (sa Ingles)
- ↑ 4.0 4.1 Ronald D. Cohen Folk music: the basics (CRC Press, 2006), pp. 1–2. (sa Ingles)
- ↑ Depinisyon ng International Folk Music Council (1954/5), binigay nina Lloyd (1969) at Scholes (1977). (sa Ingles)
- ↑ Harbron, Rob. "Folk Music: A resource for creative music-making Key Stages 3 & 4" (PDF). media.efdss.org (sa wikang Ingles). Nakuha noong 11 Oktubre 2021.
{cite web}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Harbron, Rob. "Folk Dance Tune Sets" (PDF). media.efdss.org (sa wikang Ingles). Nakuha noong 11 Oktubre 2021.
{cite web}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "How listening to music has changed - CBBC Newsround" (sa wikang Ingles). BBC. 21 Abril 2019. Nakuha noong 11 Oktubre 2021.
{cite news}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Work in the Late 19th Century | Rise of Industrial America, 1876-1900 | U.S. History Primary Source Timeline | Classroom Materials at the Library of Congress | Library of Congress". Library of Congress (sa wikang Ingles). Nakuha noong 11 Oktubre 2021.
{cite web}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Wolterstroff, Nicholas. "Work Songs | The Yale ISM Review". ismreview.yale.edu (sa wikang Ingles). Nakuha noong 11 Oktubre 2021.
{cite web}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "To Hear Your Banjo Play, Alan Lomax's 1947 Documentary narrated by Pete Seeger" (sa wikang Ingles). YouTube. Hunyo 14, 2007. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2021-10-16. Nakuha noong Disyembre 29, 2012.
{cite web}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Harris, Christina (21 Setyembre 2021). "What is Folk Music? The History of English and American Traditional Music". IOWALUM (sa wikang Ingles). Nakuha noong 11 Oktubre 2021.
{cite web}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Traditional and Ethnic | Musical Styles | Articles and Essays | The Library of Congress Celebrates the Songs of America | Digital Collections | Library of Congress". Library of Congress (sa wikang Ingles). Nakuha noong 11 Oktubre 2021.
{cite web}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "2nd Annual GRAMMY Awards". GRAMMY.com (sa wikang Ingles). 28 Nobyembre 2017. Nakuha noong 11 Oktubre 2021.
{cite web}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "13th Annual GRAMMY Awards". GRAMMY.com (sa wikang Ingles). 28 Nobyembre 2017. Nakuha noong 11 Oktubre 2021.
{cite web}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "30th Annual GRAMMY Awards". GRAMMY.com (sa wikang Ingles). 28 Nobyembre 2017. Nakuha noong 11 Oktubre 2021.
{cite web}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "The Scottish Psychedelic Folk singer and songwriter Donovan turns 75 today". popexpresso.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 11 Oktubre 2021.
{cite web}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Kooper, Al. "Bob Dylan | Biography, Songs, Albums, & Facts". Encyclopedia Britannica (sa wikang Ingles). Nakuha noong 11 Oktubre 2021.
{cite web}
: CS1 maint: date auto-translated (link)