Gitnang patinig

Gitnang patinig (Ingles: mid vowel)[a] ang mga patinig na sinasalita sa pamamagitan ng pagposisyon ng dila sa gitnang bahagi ng bibig, kumpara sa mga nakasara at nakabukang patinig.[1]

Listahan

Narito ang mga gitnang patinig na may kaakibat na simbolo sa Pandaigdigang Ponetikong Alpabeto (PPA).

  • gitnang harapang di-bilog na patinig [e̞] o [ɛ̝]
  • gitnang harapang bilog na patinig [ø̞] o [œ̝]
  • gitnang sentrong di-bilog na patinig [ɘ̞] o [ɜ̝] (madalas sinusulat bilang ə)
  • gitnang sentrong nakaumbok na patinig [ɵ̞] or [ɞ̝] (madalas sinusulat bilang ɵ, na para bang isa itong nakasarang gitnang patinig)
  • gitnang sentrong nakapisil na patinig [əᵝ]
  • gitnang likurang di-bilog na patinig [ɤ̞] o [ʌ̝]
  • gitnang likurang bilog na patinig [o̞] o [ɔ̝]

Tingnan din

Talababa

  1. Kilala rin sa tawag na tunay na gitnang patinig o totoong gitnang patinig (Ingles: true mid vowel).

Sanggunian

  1. Knight, Rachael-Anne; Setter, Jane, mga pat. (2021). The Cambridge Handbook of Phonetics [Ang Handbook ng Ponetika ng Cambridge] (sa wikang Ingles). Cambridge, Reyno Unido: Cambridge University Press. doi:10.1017/9781108644198.