Huni

Si Huni (na binabasa rin bilangNi-Suteh,[3] Nisut-Hu[4] at Hu-en-nisut[5]) ang paraon ng Ikatlong dinastiya ng Ehipto noong Lumang Kaharian ng Ehipto. Siya ay namuno sa loob ng 24 taon na nagsimula noong ca. 2625 BCE. Ang kanyang posisyong kronolohikal bilang huling hari ng Ikatlong dinastiya ay katamtamang tiyak ngunit hindi maliwanag kung anong helenisadong pangalan siya itinala ng Griyegong historyan na si Manetho. Sa pinakaposible, siya ay kinikilala sa helenisadong pangalan na Aches. Maraming mga Ehiptologo ay naniniwala na si Huni ang ama at direktang predesesor ng paraon na si Sneferu ngunit ito ay pinagtatalunan pa rin sa ngayon. Ang pinakamalaking problema sa pinunong ito ang sirkunstansiya na ang kanyang pangalan ay naingatan lamang bilang pangalang cartouche at nananatili pa ring mahirap na iugnay ito a kanyang kontemporaryong pangalang Horus.

Pamilya

Si Huni ang ama ni Hetepheres I na asawa ni Sneferu na unang paraon ng Ikaapat na dinastiya ng Ehipto. Siya ay hinalinhan ni Sneferu ayon sa Papyrus Prisse ("Mga Instruksiyon ni Kagemni") ngunit hindi alam kung si Sneferu ay isang anak ni Huni.[6]

Mga sanggunian

  1. Thomas Schneider: Lexikon der Pharaonen. Albatros, Düsseldorf 2002, ISBN 3-491-96053-3, page 99.
  2. 2.0 2.1 Alan H. Gardiner: The royal canon of Turin. Griffith Institute, Oxford 1997, ISBN 0900416483, page 13 & table 2. Turin canon, column III, line 8.
  3. Ludwig Borchardt: König Hu. In: Zeitschrift für Ägyptische Sprache und Altertumskunde (ZÄS), volume 46, 1909, page 12.
  4. Hans Gödicke in: Zeitschrift für Ägyptische Sprache und Altertumskunde. vol. 81, 1956, page 18.
  5. Wolfgang Helck: Der Name des letzten Königs der 3. Dynastie und die Stadt Ehnas. In: Studien zur Altägyptischen Kultur (SAK), vol. 4. 1976, page 125-128.
  6. Dodson and Hilton, The Complete Royal Families of Ancient Egypt