Hipnos
Sa mitolohiyang Griyego, si Hipnos, Hypnos, o Himnos (Ingles: Hypnos, Kastila: Hipnos, Katalan: Himnos) ay ang diyos, kinatawan, o katauhan ng pagtulog o tulog. Anak na lalaki siya ni Nyx at lalaking kakambal ni Thanatos, ang diyos ng kamatayan. Mga lalaking anak ni Hipnos ang mga Oneroi: sina Morpeo, Phobetor, at Phantasos. Sa mitolohiyang Romano, tinatawag siyang Somnus.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Mitolohiya, Gresya at Roma ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.