Ikalawang Aklat ng mga Macabeo
Mga Aklat ng Bibliya |
---|
|
Ang Ikalawang Aklat ng mga Macabeo[1] ay isang aklat sa Lumang Tipan ng Bibliya. Isinulat ito ni Jason na taga-Cirene.[2] Isa itong deuterokanonikong libro sa Kanon Katoliko at Apokripa sa Kanon Protestante na tumutuon ng pansin sa mga panghihimagsik ng mga Hudyo laban kay Antioco at nagwawakas sa pagkagapi sa heneral ng mga Siryanong si Nicanor noong 161 BK. Ang bayani ng aklat na si Judas Macabeo ang nagwagi laban sa heneral na si Nicanor.
Sa pagkakasunud-sunod na pang-Bibliya, sinundan nito ang Unang Aklat ng mga Macabeo.[1] Ngunit, ayon sa kronolohiya ng mga kaganapan, hindi ito maituturing na kasunod ng Unang Aklat ng mga Macabeo sapagkat isa itong bukod na paglalahad na mga kaganapang sakop ng ilan at piling mga taon sa pagitan ng 175 BK at 160 BK.[3]
Paglalarawan
Katulad ng sinundang Unang Aklat ng mga Macabeo, tinatalakay din sa mga pahina ng librong ito ang pagiging bayani ng taong nagngangalang Judas Macabeo at ng mga kapatid niya. Nilalahad rin dito ang ginawa nilang pagtatanggol sa kanilang pananampalataya at sambayanan. Sa katunayan, isa lamang itong buod ng limang mga aklat na pangkasaysayan, at naguulat ng mga kaganapan sa kasaysayan ng mga Hudyo mula mga 180 BK (panahon ng Dakilang Saserdoteng si Onias III) magpahanggang 161 BK (panahon ng kamatayan ni Nicanor). May mga bahaging umaagapay sa mga pangyayaring binabanggit sa unang kabanata ng Unang Aklat ng Macabeo. Pinaniniwalaang naganap ang mga pangyayaring nakapaloob sa aklat na ito noong mga 168 BK hanggang 135 BK, at nakapapalooban ng mga pagpapatotoo hinggil sa pagkakaroon ng kabilang-buhay, sa muling-pagkabuhay ng mga sumakabilang-buhay, ng purgatoryo, at ang walang-katapusang pagbibigay ng kaparusahan mga makasalanan.[1] Ngunit, mas may damdamin ang Ikalawang Aklat ng mga Macabeo, kung ihahambing sa Una. At binigyang diin ang natatanging pananaw ng mga Hudyo. Kabilang sa paksa ang pagkakaroon ng "mariing pagpapahalaga sa pagiging tapat sa kautusan at sa gantimpala ng Diyos para sa mga martir ng pananampalataya."[3][2]
Mga bahagi
Binubuo ang Unang Aklat ng mga Macabeo ng tatlong mga bahagi:[1]
- Pambungad na Salita (1, 1-2, 33)
- Ang Pag-uusig ni Antioco sa Relihiyon (3, 1-7, 42)
- Kasaysayan ni Judas Macabeo (8, 1-15, 40)
Mga sanggunian
- ↑ 1.0 1.1 1.2 1.3 Abriol, Jose C. (2000). "Mga Macabeo". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.
- ↑ 2.0 2.1 "[http://angbiblia.net/2_macabeo.aspx Ang Ikalawang Aklat ng mga Macabeo]". Ang Biblia/Bagong Magandang Balita Biblia (Lumang Tipan, Deuterocanonico at Bagong Tipan). Philippine Bible Society, Lungsod ng Batangas, Pilipinas. 2008.
{cite ensiklopedya}
: External link in
(tulong)|title=
- ↑ 3.0 3.1 "Bible: First and Second Maccabees, p. 159". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.
Mga panlabas na kawing
- Ikalawang Aklat ng mga Macabeo, mula sa Ang Biblia, AngBiblia.net