Imperyong Britaniko

Imperyong Britaniko
Watawat ng Nagkakaisang Kaharian ng Imperyong Britaniko
Watawat ng Nagkakaisang Kaharian
All areas of the world that were ever part of the British Empire. Current British Overseas Territories have their names underlined in red.
All areas of the world that were ever part of the British Empire. Current British Overseas Territories have their names underlined in red.

Ang Imperyong Britaniko ay binubuo ng mga dominyo, mga kolonyo, mga protektorado, utos at iba pang mga teritoryo na pinamahalaan o pinangasiwaan ng Nagkakaisang Kaharian at ng mga estadong hinalinhan nito. Ito ay nag-umpisa sa mga ari-arian sa ibang bansa at pangkalakalan na himpilan na itinatag ng Inglatera sa pagitan ng huling ika-16 at unang bahagi ng ika-18 siglo. Sa tugatog nito, ito ay naging ang pinakamalaking imperyo sa kasaysayan at, para sa mahigit na isang siglo, ay ang nangunguna sa pandaigdigang kapangyarihan. Noong 1913, ang Imperyong Britaniko ay humawak ng kapangyarihan sa mahigit 412 milyong mga tao, 23% ng populasyon ng mundo sa panahon, at nang 1920, 35,500,000 km2 (13,700,000 sq mi) ang sakop nito, 24% ng kabuuang lawak ng lupain ng Daigdig. Bilang isang resulta, ang pampulitika, legal, lingguwistiko at kultural na mana nito ay laganap. Sa tugatog ng kapangyarihan nito, ang pariralang "ang imperyong hindi nilulubugan ng araw" ay madalas na ginagamit upang ilarawan ang Imperyong Britaniko, dahil ang kalawakan nito sa buong mundo ay nanguhulugan na ang araw ay laging nagniningning sa hindi bababa sa isa sa mga teritoryo nito.

Sa panahon ng Panahon ng Pagtuklas sa ika-15 at ika-16 na mga siglo, pinasimunuan ng Portugal at Espanya ang Europeong pagsaliksik ng mundo, at sa proseso nagtatag ng malalaking imperyo sa ibayong dagat. Nanaghili sa malaking kayamanan ng mga imperyo na nabuo, ang Inglatera, Pransiya, at ang Netherlands ay nagsimulang magtatag ng mga kolonya at pangangalakal na mga network ng kanilang sarili sa Amerika at Asya. Ang isang serye ng mga digmaan sa ika-17 at ika-18 na mga siglo sa Netherlands at Pransiya ay nagiwan sa Inglatera at pagkatapos, ang mga sumunod na unyon sa pagitan Inglatera at Eskosya sa 1707, ang Dakilang Britanya, ang nangibabaw na kolonyal na kapangyarihan sa Hilagang Amerika at Indya.


KasaysayanImperyong Britanya Ang lathalaing ito na tungkol sa Kasaysayan at Imperyong Britanya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.