Interlingua
Ang Interlingua[1] ay isang wikang guni-guni sa Oksidenteng dinebelop ng International Auxiliary Language Association o IALA mula noong 1937 hanggang 1951. Ang intensiyon ay gamitin ngayon itong wika para sa internasyonal na komunikasyon. Ang inspirasyon ay mga wikang Latino. Ang Interlingua ay isang wikang artipisyal na naturalistiko. Ang mga primaryong wikang pangkontrol sa bokabularyo ay Ingles, Pranses, Italyano, Kastila, at Portuges, at ang mga sekundaryo ay Aleman at Ruso. May mga salita ring galing sa labas ng mga itong wika bilang geisha ng Hapon, sauna ng Pinlandes, at min- (tao) ng Tsino. Ang Interlingua ay artipisyal na wikang a posteriori kung tawagin dahil hinango ang gramatika at bokabularyo galing sa ilang umiiral na lengguwahe.
-
Bandera ng Interlingua
-
Diksiyonaryo
-
Mga wikang pangkontrol
Ang pangalang Interlingua ay galing sa Lating inter—gitna—at lingua—dila o wika.
Ayon sa mga literatura ng Interlingua, ang Interlingua, lalo na sa sulat, ay maiintindihan ng ilang daang milyong tagasalita ng mga wikang Romanse. "Klasiko" ang ispeling sa Interlingua, kaya ang ispeling ng Pilipinas sa Interlingua ay Philippinas na sa Kastila ay Filipinas nga. May maraming kahinlog na mga salitang internasyonal na siyentipiko bilang cycloide, cyanometro, at maraming-maraming iba pa.
Alpabeto at Ponolohiya
Numero | 1 | 2 | 3 | 4 | 5 | 6 | 7 | 8 | 9 | 10 | 11 | 12 | 13 | 14 | 15 | 16 | 17 | 18 | 19 | 20 | 21 | 22 | 23 | 24 | 25 | 26 |
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Letra (malaki) | A | B | C | D | E | F | G | H | I | J | K | L | M | N | O | P | Q | R | S | T | U | V | W | X | Y | Z |
Letra (maliit) | a | b | c | d | e | f | g | h | i | j | k | l | m | n | o | p | q | r | s | t | u | v | w | x | y | z |
IPA | [a] | [b] | [k], [t͡s] ~ [s] | [d] | [e] | [f] | [ɡ] | [h] ~ [∅] | [i] | [ʒ] | [k] | [l] | [m] | [n] | [o] | [p] | [k] | [r] | [s] ~ [z] | [t] | [u] | [v] | [w] ~ [v] | [ks] | [i] ~ [j] | [z] |
Ngalan | a | be | ce | de | e | ef | ge | ha ~ hacha | i | jota | ka | el | em | en | o | pe | qu ~ cu ~ ku | er | es | te | u | ve | duple ve | ix | ypsilon ~ i grec | zeta |
Ang c ay binibigkas na /t͡s/ (o kaya /s/) bago ng e, i, y. Ang ch ay binibigkas na /ʃ/ sa mga salitang galing sa Pranses bilang chef = /ʃef/ na ang ibig sabihin ay hepe or chef, ay /k/ sa mga salitang galing sa Griyego o Italyano bilang choro = /ˈko.ro/ na ang ibig sabihin ay chorus, at kung minsan ay /t͡ʃ/ sa mga salitang galing sa Ingles o Kastila bilang Chile /ˈt͡ʃi.le/ (ang bansang Chile). Ang ti bilang sa emotion ay puwedeng bigkasing /tsj/ o /sj/ (tsy o sy). Ang gi bilang sa avantagiose ay binibigkas nang /ʒ/. Ang hulaping -age bilang sa avantage ay binibigkas nang /aʒe/. Bukod nitong mga paggamit ng g, ang g ay binibigkas nang /g/, ngunit malabo ang paano bigkasin bago ng e, i, y, kung baga /g/ o /ʒ/, bilang sa gemino o angelic. Sa gitna ng mga patinig, ang s ay puwedeng bigkasing /s/ o /z/, ngunit ang ss (dobleng s) ay parating binibigkas nang /s/. Ang qu ay puwedeng /kw/ o /k/. Ang mga dobleng letra ay binibigkas na mag-isa lamang bilang belle /ˈbe.le/ at urbetto /ur.ˈbe.to/. Ang h nang sarili sa salita ay puwedeng may tunog o silente, pero sa rh at th (/r/ at /t/), silente ang h. Ang ph ay /f/.[2]
Ang normal na aksento ay sa patinig na bago ng huling katinig. Iniindika sa diksiyonaryo kung minsan ang aksento ng salita kung iba. Hindi eksaherado ang importansiya ng aksento sa Interlingua. Ang salitang katulad ng kilometro ay puwedeng iaksento sa ikalawa o ikatlong silaba. May toleransiya sa iba-ibang aksento ng mga tagasalita. Alam na may impluwensiya ang katutubong wika ng mga tagasalita. Sa mga salitang walang katinig o mga salitang walang patinig bago ng huling katinig, ang aksento ay sa pauna: io, via, crea, at iba pa. Sa mga pandiwang hinaharap na panahunan, ang aksento ay sa huling silaba: creara, videra, audira, at iba pa.
Halimbawa
Interlingua | Tagalog |
---|---|
Multe cocineros utilisa le blau ollas ab le grande insula. | Ginagamit ng maraming tagaluto ang mga asul na kaldero galing sa malaking isla. |
Le cocinero cocinara le blau flores con le carne in le olla. | Lulutuin ng tagaluto ang mga asul na bulaklak nang kasama ang karne sa kaldero. |
Le cocinero mitteva le blau pisces in le patella durante le festa. | Nilagay ng tagaluto ang mga asul na isda sa kawali noong pista. |
Interlingua | Esperanto | Kastila | Tagalog |
---|---|---|---|
Patre nostre, qui es in le celos, |
Patro nia, Kiu estas en la ĉielo, |
Padre nuestro, que estás en los cielos, |
Ama namin, sumasalangit Ka. |
Da nos hodie nostre pan quotidian, |
Nian panon ĉiutagan donu al ni hodiaŭ |
Danos hoy nuestro pan de cada día; |
Bigyan Mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw. |
Tagalog | Ang lahat ng tao'y isinilang na malaya at pantay-pantay sa karangalan at mga karapatan. Sila'y pinagkalooban ng katwiran at budhi at dapat magpalagayan ang isa't isa sa diwa ng pagkakapatiran.
(Artikulo 1 ng Pandaigdig na Pahayag ng mga Karapatan ng Tao) |
---|---|
Interlingua | Tote le esseres human nasce libere e equal in dignitate e in derectos. Illes es dotate de ration e de conscientia e debe ager le unes verso le alteres in un spirito de fraternitate.
(Articulo 1 del Declaration Universal del Derectos Human) |
ISO 639-1 | ia |
---|---|
ISO 639-2 | ina |
ISO 639-3 | ina |