Jang Ja-yeon

Isa itong pangalang Koreano; ang apelyido ay Jang.
Jang Ja Yun
Kapanganakan25 Enero 1980
Kamatayan7 Marso 2009[1]
MamamayanTimog Korea
Trabahoartista, artista sa pelikula
Jang Ja-yeon
Hangul장자연
Hanja
Binagong RomanisasyonJang Jayeon
McCune–ReischauerChang Chayŏn

Si Jang Ja-yeon (Koreano장자연; 25 Enero 1980 – 7 Marso 2009) ay isang artista sa Timog Korea. Ipinanganak siya sa Seongnam, Lalawigan ng Gyeonggi, Timog Korea. Unang siyang lumabas sa industriya ng paglilibang noong 2006 sa isang patalastas sa telebisyon. Kilala siya sa paglabas sa Koreanovela ng KBS na Boys Over Flowers bilang si Sunny, isa sa mga kontrabida ng serye.

Nang namatay siya sa gulang na 29, lumalabas siya sa Boys Over Flowers. Nagkaroon siya ng depresyon, at sang-ayon sa imbestigasyon ng pulis, nagpakamatay siya. Nagkaroon ng pambansang iskandalo ang kanyang pagkamatay nang may nagpahayag na siya ay sekswal at pisikal na inabuso ng ilang mga kilalang ehekutibo sa paglilibang sa loob ng panahon ng kanyang karera, at diumano ay dumagdag ang pang-aabuso sa kanyang depresyon.[2][3][4][5]

Mga sanggunian


Artista Ang lathalaing ito na tungkol sa Artista ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.