John Shelby Spong

Ang Karapatdapat na Reverendo John Shelby Spong
Obispong Emeritus ng Newark
Spong noong 2006
SimbahanSimbahang Episkopal
LalawiganProvince 2
DiyosesisNewark
Panunungkulan1979–2000
HinalinhanGeorge Rath
KahaliliJohn P. Croneberger
Mga orden
OrdinasyonDisyembre 1955
KonsekrasyonJune 12, 1976
ni John Allin
Mga detalyeng personal
Kapanganakan16 Hunyo 1931(1931-06-16)
Charlotte, North Carolina, US
Yumao12 Setyembre 2021(2021-09-12) (edad 90)
Richmond, Virginia, US
KabansaanAmerican
DenominasyonAnglikano
Mga magulangJohn Shelby Spong, Doolie Boyce Griffith
AsawaJoan Lydia Ketner (m. 1952, d. 1988)
Christine Mary Bridger (m. 1990)
Mga anak5
Dating puwestoCoadjutor Bishop of Newark (1976–1979)
Alma materUniversity of North Carolina
Virginia Theological Seminary
Websitejohnshelbyspong.com

Si John Shelby "Jack" Spong (Hunyo 16, 1931 – Setyembre 12, 2021) ay isang Amerikanong Obispo ng Simbahang Episkopal at obispo mula 1979 hanggang 2000 ng Episcopal Diocese of Newark. Siya ay isang Kristiyanong liberal, teologo, komentador ng relihiyon at may akda ng mga aklat. Tumawag siya sa isang pundamental na muling pagiisip ng paniniwalang Kristiyano mula sa teismo at mga tradisyonal na doktrina.[1]

Si Obispo Spong ay ipinanganak sa Charlotte, North Carolina at nag-aral sa University of North Carolina at Chapel Hill noong 1952. Kanyang natanggap ang Master of Divinity degree mula sa Virginia Theological Seminary noong 1955. Siya ay may mga honoraryong doktradong degree sa Dibinidad ng Virginia Theological Seminary at Saint Paul's College, Virginia at isang honoraryong doktorad sa Humane Letters ng Muhlenberg College sa Pennsylvania.

Noong 2005, isinulat ni Spong na "Nilunod ko ang aking sarili sa kontemporaryong iskolarship ng Bibliya sa mga lugar gaya ng Union Theological Seminary sa New York City, Yale Divinity School, Harvard Divinity School at sa Edinburgh University, Oxford University at Cambridge University."[2]

Si Spong ay nagsilbing rektor ng St. Joseph's Church sa Durham, North Carolina mula 1955 hanggang 1957; rektor ng Calvary Parish, Tarboro, North Carolina mula 1957 hanggang 1965; rektor ng St. John's Church sa Lynchburg, Virginia mula 1965 hanggang 1969 at rektor ng St. Paul's Church sa Richmond, Virginia mula 1969 hanggang 1976. Siya ay nagkaroon ng mga pagtuturo sa mga pangunahing Amerikanong institusyong teolohikal gaya ng Harvard Divinity School at nagretiro noong 2000. Siya ang kauna-unahang Amerikanong obispo na nag-ordina ng kababaihan sa klerhiya noong 1977 at unang nag-ordina ng isang homosekswal ng paring si Robert Williams noong 1989. Kalaunan, ang simbahan ay sumunod kay Spong. Ang hukumang Episkopal ay naghayag ang homosekswalidad ay hindi salungat sa mga prinsipyo nito noong 1996 at kinilala ng simbahan ang kasal ng parehong kasarian noong 2015.[3]

Inilarawan ni Spong ang kanyang buhay bilang isang paglalakbay mula sa literalismong biblikal at konserbatibong teolhiya ng kanyang kabataan sa isang mas malawak na pananaw ng Kristiyanismo. Siya ay tumanggap ng Humanista ng Taon noong 1999.[4]

Mga sanggunian

  1. Interview. ABC Radio Australia, June 17, 2001
  2. John Shelby Spong, The Sins of Scripture, HarperCollins 2005, page xi
  3. Risen, Clay (19 Setyembre 2021). "John Shelby Spong, 90, Dies; Sought to Open Up the Episcopal Church". The New York Times. Nakuha noong 22 Setyembre 2021.{cite news}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "The Humanist Foundation". Churchofhumanism.org. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2013-05-06. Nakuha noong 2011-05-23.{cite web}: CS1 maint: date auto-translated (link)