Kaharian ng Aragon
Kaharian ng Aragon Reino d'Aragón (sa Aragones) Regne d'Aragó (sa Catalan) Regnum Aragonum (sa Latin) Reino de Aragón (sa Kastila) | |||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
1035–1706 | |||||||||
Kabisera | Jaca, Huesca, Zaragoza (sa pagkakaayos-ayos) | ||||||||
Karaniwang wika | Aragones, Katalan, Espanyol, at Latin | ||||||||
Relihiyon | Romano Katolisismo | ||||||||
Pamahalaan | Monarkiyang piyudal | ||||||||
Panahon | Gitnang Kapanahunan | ||||||||
• Kondado ng Aragon itinatag bilang nagsasariling kaharian | 1035 | ||||||||
• Mga dekretong Nueva Planta binuwag ang mga institusyong Aragones noong 1707 | 1706 | ||||||||
| |||||||||
Bahagi ngayon ng | Espanya |
Ang Kaharian ng Aragon (Aragones: Reino d'Aragón, Katalan: Regne d'Aragó, Latin: Regnum Aragonum, Espanyol: Reino de Aragón), ay naging isang medyebal at sinaunang modernong kaharian sa Tangway Iberiko na humahanay ngayon sa nagsasariling komunidad ng Aragon sa Espanya. Hindi dapat iyon ikalito sa higit na malaking Korona ng Aragon na kung saan kabilang din ang iba pang mga teritoryo — ang Kondado ng Barcelona, at iba pang mga Kondadong Katalan, ang Kaharian ng Balensya, Kaharian ng Mahorka, at iba pang mga kahawakan na bahagi na ngayon ng Pransya, Italya at Gresya — na nasa ilalim noon ng pamumuno ng Hari ng Aragon, ngunit hiwa-hiwalay na pinamunuan mula sa Kaharian ng Aragon.
Kasaysayan
Nagsasariling Kaharian
Ang Aragon ay orihinal na piyudal na kondado ng Imperyong Karolinhiyo sa palibot ng lungsod ng Jaca, na noong unang kalahati ng ika-9 siglo ay naging estadong basalya ng kaharian ng Pamplona (na naging Navarre). Ang sarili nitong dinastiya ng mga konde ay nagtapos noon 922 nang walang tagapagmanang lalake. Ang pangalang Aragón ay kapangalan ng Ilog Aragon na dinadaluyan ang Jaca. Maaaring hinango iyon mula sa Basko na nangangahulugang "mabuting itaas na talampas" ("haran+goi+ona", kung saan "haran" = talampas, "goi" = itaas, at "ona" = mabuti). Bukod dito, maaari ring hinango ang pangalan mula sa higit na maagang lalawigang Romano ng Hispania Tarraconensis.
Mga larawang may kaugnayan sa Kaharian ng Aragon
-
Lokasyon ng Aragon sa Korona ng Aragon
-
Petronilla ng Aragon, at Ramon Berenguer IV, Konde ng Barselona na ipininta
-
Aljafería Palace
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.