Kama Sutra

Isang larawan mula sa Kama Sutra. Isa sa mga magkaparehang nasa loob ng tigre ay nagsasagawa ng posisyong tinatawag na "ang konggreso ng baka".

Ang Kamasutra (Sanskrit: कामसुत्र), binabaybay din bilang Kama Sutra o Kamasutram, ay isang sinaunang aklat ng pag-ibig mula sa Indiya. Isinulat ito ni Mallanaga Vatsyayana. Bahagi ng aklat na ito ang pagtuon sa kaugaliang seksuwal ng tao at nagbibigay ng mga payo kaugnay nito. Hindi isang gabay na aklat ang Kamasutra o kaya isang banal o pampananampalatayang akda. Hindi ito isang tantrikong teksto. Ayon kay Indra Sinha, sa simula ng aklat na may pagtalakay sa tatlong mga layunin ng sinaunang buhay na pang-Hindu - dharma, artha at kama – nilayon ni Vatsyayana na itakda ang kama, o kasiyahan ng mga pandama, bilang konteksto. Kaya't ang dharma o pamumuhay na may kabutihan ang pinakamataas na layunin, kasunod ang pagpaparami ng kayamanan, at ang kama ang pinakahuling o may pinakamababang kahalagahan sa tatlo.[1] Malawakan itong nasusulat sa prosa, na may maraming isiningit na mga taludtod ng panulaang anustubh. Nangangahulugan ang "Kāma" ng kaligayang sensuwal o seksuwal. May ibig sabihin naman ang "sūtra" na sinulid o guhit na nagpapanatiling magkakasama-sama ang mga bagay, at mas metaporikal na tumutukoy sa aporismo (o linya, panuntunan, o pormula), o isang katipunan o koleksiyon ng ganyang mga aporismo sa anyo ng isang manuwal.

Ang Kama Sutra ang pinakamatanda at pinakakilala sa isang pangkat ng mga tekstong kilala sa pangkalahatan bilang Kama Shastra (Sanskrit: Kāma Śāstra).[2] Bilang tradisyon, ang unang transmisyon ng Kama Shastra o "Disiplina ng Kama" ay ibinibigay sa Nandi ang banal na toro, ang tagapagbantay ng pintuna ni Shiva, na naantig sa banal na pagbanggit dahil sa pagkakarinig na pagtatalik ng diyos at ng kanyang asawang si Parvati at lumaong itinala ang kanyang mga pagbanggit para sa kapakanan ng sangkatauhan.[3]

Sinasabi ng manunulat ng kasaysayan na si John Keay na ang Kama Sutra ay isang kompendyo o maikling buod na kinolekta noong ika-2 daang taon KE, at naging pangkasalukuyan nitong anyo.[4]

Mga sanggunian

  1. Mga pangkaraniwang maling kaisipan ukol sa Kama Sutra.
  2. Para sa Kama Sutra bilang pinaka nakikilala sa mga panitikang kāma śhāstra, tingnan ang : Flood (1996), p. 65.
  3. Para sa pag-uulat ni Nandi ng mga pagbanggit, tingnan ang pahina 3. Daniélou, Alain. The Complete Kama Sutra: The First Unabridged Modern Translation of the Classic Indian Text. Inner Traditions: 1993. ISBN 0-89281-525-6.
  4. Para sa Kama Sutra bilang isang kompilasyon, at nagpepetsa sa ikalawang daang taon KE, tingnan ang Kkgeay, pp. 81, 103.

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.