Kananga
Kananga | |
---|---|
Kananga na tanaw mula sa himpapawid | |
Mga koordinado: 5°53′32″S 22°24′10″E / 5.89222°S 22.40278°E | |
Bansa | Demokratikong Republika ng Congo |
Lalawigan | Kasaï-Central |
Itinatag | 1884 |
Lawak | |
• Kabuuan | 742.8 km2 (286.8 milya kuwadrado) |
Taas | 608 m (1,995 tal) |
Populasyon (2015) | |
• Kabuuan | 1,271,704[1] |
Klima | Aw |
Pambansang wika | Tshiluba |
Ang Kananga, dating kilala bilang Luluabourg o Luluaburg, ay kabiserang lungsod ng Lalawigan ng Kasaï-Central sa Demokratikong Republika ng Congo at kabisera ng dating Lalawigan ng Kasaï-Occidental. Ang lungsod ay may tinatayang populasyon ng 1,463,556 na katao.[2]
Matatagpuan ang lungsod malapit sa Ilog Lulua, isang sangay ng Ilog Kasaï, at sa daambakal ng Ilebo-Lubumbashi. Isa itong mahalagang sentrong pampangasiwaan at pangkalakalan at tahanan ng isang pambansang museo[3] at ng Paliparan ng Kananga. Matatagpuan din dito ang isang kolehiyong nagsasanay ng mga guro.[3]
Pampook, kilala ang lungsod bilang Kananga-Malandji o Kananga-Malandji wa Nshinga. Ang Nshinga (o kable) ay tumutukoy sa mga malaki at mataas na boltaheng linyang transmisyon ng proyektong Inga-Shaba na dumadaan sa himpapawid ng Kananga at nag-uugnay ng Kolwezi at Lalawigan ng Lualaba sa Saplad ng Inga sa Bas-Congo.
Kasaysayan
Nagtatag ng isang estasyon sa lugar ng kasalukuyang Kananga ang Aleman na manggagalugad na si Hermann Wissmann, sa kaliwang pampang ng Ilog Lulua. Pinangalan niyang Malandji ang estasyon, isang pangalang minungkahi ng kaniyang 400 mga tagahatid na galing sa lungsod ng Malanje, Angola. Paglaon, kalakip ng pagtatayo ng daambakal sa kabilang pampang ng ilog, nilipat ang estasyon at napunta ang pangalan ng estasyong tren ng Lulua sa bagong bayan, alalaong baga'y Luluabourg. Ang dating lokasyon ay ipinangalang Malandji-Makulu (dating Malandji) hanggang sa kasalukuyan.
Sa Kapulungang Round Table ng Belhika-Congo noong 1960 (ang mga usapan para sa kasarinlan ng noo'y Belhikanong Konggo), isang pasiya ang napagkasunduan na ililipat ng bagong estado ang kabisera sa Luluabourg mula Kinshasa dahil sa gitnang kinaroroonan nito. Ngunit dahil sa mga balakid pampolitika at ang tangka ni Albert Kalonji na itiwalag ang Timog Kasai, hindi naitupad ang pasiyang ito. Nang nilupid muli ng pamahalaan ang Timog Kasai noong 1962, ang Luluabourg ay naging kabisera ng noo'y bagong lalawigan ng Kasai-Occidental. Dito naganap, noong 1964, ang pagbalangkas ng unang sulat-Konggoles na saligang batas para sa Demokratikong Republika ng Congo.
Noong 1966, sa kasagsagan ng kampanyang Aprikanisasyon, pinalit ni Mobutu Sese Seko ang pangalan ng ilang mga lungsod na buhat ang mga pangalang Europeo. Ang Leopoldville ay naging Kinshasa, at Luluabourg ay naging Kananga. Ang pangalang Kananga ay hango sa salitang "kanangayi" sa wikang Tsiluba, nagnangahulugang "isang lugar para sa kapayapaan at pagmamahal" sapagkat ang kinalalagyan ng kasalukuyang lungsod ay dating tagpuang lugar ng mga pinuno bago ang panahong kolonyal upang magtalakay ng mga tratado at upang maayos ang mga tunggalian.
Sa ilalim ng saligang batas noong 2006 constitution, inihati ang Demokratikong Republika ng Congo sa 26 na mga lalawigan at isang pambansang kabiserang lungsod (Kinshasa). Nahati ang dating Kasaï-Occidental sa dalawang mga lalawigan. Naging kabisera ng lalawigan ng Kasaï-Central.
Klima
Malak ng kapanahunan sa Kananga | |||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Buwan | Ene | Peb | Mar | Abr | May | Hun | Hul | Ago | Set | Okt | Nob | Dis | Taunan |
Balasaking taas °S (°P) | 29 (85) |
29 (85) |
30 (86) |
30 (86) |
31 (87) |
31 (88) |
29 (85) |
30 (86) |
29 (85) |
29 (85) |
29 (85) |
29 (84) |
30 (86) |
Balasaking baba °S (°P) | 20 (68) |
20 (68) |
20 (68) |
20 (68) |
20 (68) |
18 (64) |
17 (63) |
19 (66) |
19 (67) |
20 (68) |
20 (68) |
20 (68) |
19 (67) |
Balasaking kadanligan mm (dali) | 119 (4.7) |
114 (4.5) |
185 (7.3) |
155 (6.1) |
81 (3.2) |
13 (0.5) |
18 (0.7) |
50 (2) |
117 (4.6) |
147 (5.8) |
234 (9.2) |
206 (8.1) |
1,440 (56.7) |
Sanggunian: Weatherbase [4] |
Demograpiya
Taon | Pop. | ±% |
---|---|---|
1984 (sen.) | 290,898 | — |
2004 (taya) | 720,362 | +147.6% |
2012 (taya) | 1,061,181 | +47.3% |
2015 (taya) | 1,271,704 | +19.8% |
Senso 1984:[3] Pagtataya 2004: [5] Pagtataya 2015: [1] |
Ekonomiya
Isang mahalagang sentrong pangkalakalan ang Kananga, na naglilingkod sa rehiyong nagtatanim ng kape at bulak, naghahayop at nagmimina ng diyamante.[3] Kabilang sa mga industriya ang pagproseso ng langis ng palma, bigas, balinghoy (manioc), mani, saging at pinya, at paggawa ng serbesa at paglilimbag.[3]
Mga sanggunian
- ↑ 1.0 1.1 "Archive copy". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2018-10-14. Nakuha noong 2019-04-21.
{cite web}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2019-03-27. Nakuha noong 2019-04-21.
{cite web}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 3.0 3.1 3.2 3.3 3.4 Compton's Encyclopedia & Fact-Index (Encyclopedia). Bol. 12. Estados Unidos: Compton's Learning Company, A Tribune Publishing Company. 1995. p. 171. ISBN 0-944262-02-3. LCCN 94-70149.
{cite book}
: no-break space character in|title-link=
at position 10 (tulong); no-break space character in|title=
at position 10 (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Weatherbase: Historical Weather for Kananga, Democratic Republic of the Congo". Weatherbase. 2011. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2017-01-09. Nakuha noong 24 Nobyembre 2011.
{cite web}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Kananga". Encyclopædia Britannica. Nakuha noong 25 Abril 2019.
{cite web}
: no-break space character in|work=
at position 15 (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga kawing panlabas
- "Villes de RD Congo - Kananga" (sa wikang Pranses). MONUC. 2006-05-29. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2007-12-17. Nakuha noong 2008-09-16.
{cite web}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
05°53.82′S 22°26.93′E / 5.89700°S 22.44883°E
Ranggo | Pangalan | Lalawigan | Pop. | ||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Kinshasa Lubumbashi |
1 | Kinshasa | Kinshasa | 11,116,000 | Mbuji-Mayi Kananga | ||||
2 | Lubumbashi | Haut-Katanga | 1,936,000 | ||||||
3 | Mbuji-Mayi | Kasaï-Oriental | 1,919,000 | ||||||
4 | Kananga | Kasaï-Central | 1,119,000 | ||||||
5 | Kisangani | Tshopo | 1,001,000 | ||||||
6 | Goma | Hilagang Kivu | (pagtataya) 1,000,000[2] | ||||||
7 | Bukavu | Timog Kivu | (pagtataya) 1,000,000[3] | ||||||
8 | Tshikapa | Kasaï | (pagtataya) 600,000[4] | ||||||
9 | Masina | Kinshasa | 485,167 | ||||||
10 | Kolwezi | Lualaba | 453,147 |
Pasilip ng sanggunian
- ↑ "The World Factbook: Africa - Congo, Democratic Republic of the". The World Factbook. CIA. Nakuha noong Abril 13, 2016.
{cite web}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "DRC: Watching the volcanoes". IRIN News. IRIN. 16 Pebrero 2010. Nakuha noong 14 Abril 2015.
Against these odds, the population of Goma has grown to about one million from 400,000 in 2004 and 250,000 in 2002, making it difficult to evacuate in the event of a volcanic eruption, a military observer in Goma said.
{cite web}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Matías, Juan (28 Enero 2014). "DRC: 690 people treated for cholera in Bukavu". Médecins Sans Frontières. Nakuha noong 14 Abril 2015.
{cite web}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Baker, Aryn (Agosto 27, 2015). "Inside the Democratic Republic of Congo's Diamond Mines". Time. Nakuha noong Abril 13, 2016.
{cite web}
: CS1 maint: date auto-translated (link)