Kandahar
Kandahar کندهار | |
---|---|
Lungsod | |
Mga gusali sa Kandahar | |
Mga koordinado: 31°37′N 65°43′E / 31.617°N 65.717°E | |
Bansa | Afghanistan |
Lalawigan | Lalawigan ng Kandahar |
Distrito | Kandahar District |
Taas | 1,000 m (3,000 tal) |
Populasyon (2009) | |
• Kabuuan | 468,200 |
Central Statistics Office of Afghanistan | |
Sona ng oras | UTC+4:30 (Afghanistan Standard Time) |
Ang Kandahar o Qandahar (Pashto/Persa (Persian): کندهار or قندهار) ang ikalawang pinakamalaking lungsod sa Apganistan, na may populasyon na umaabot ng 850,000. Ito ang kabisera ng Lalawigan ng Kandahar, na matatagpuan sa katimugang bahagi ng bansa may 1,005 m (3,297 feet) ang taas sa lebel ng dagat. Dumadaloy ang Ilog Arghandab katabi ng lungsod.
Ang Kandahar ang pangunahing sentro ng tupa, lana, bulak, sutla, pyeltro, mga Angkak, sariwa at pinatuyong mga prutas, at tabako. Mayaman ang rehiyon sa mga prutas lalo na sa pomegranates at ubas, at mayroon din ang lungsod ng mga halaman para sa pagdedelata, pagtutuyo, at pag-iimpake ng mga prutas. May pandaigdigang paliparan ang Kandahar at mayroon ring mga kalsadang nagdudugson sa Farah at Herat sa kanluran, Ghazni at Kabul sa hilagang-silangan, Tarin Kowt sa hilaga, at Quetta sa Pakistan sa timog.
Maraming emperyo na rin ang naglaban para sa lungsod dahil sa estratehikong lokasyon nito para sa pakikipagkalakalan sa Timog at Gitnang Asya. Noong 1748, ginawang kabisera ng Apganistan ang Kandahar ni Ahmad Shah Durrani, ang nagtatag ng Emperyong Durrani.[1][2]
Mga sanggunian
Mga kawing panlabas
- (sa Ingles) Old photos of Kandahar Naka-arkibo 2007-05-20 sa Wayback Machine.
- (sa Ingles) Kandahar dreamers test Taliban edicts
- (sa Ingles) Arachosia
- (sa Ingles) Alexandria in Arachosia
- (sa Ingles) The Taliban's Campaign for Kandahar
Ang lathalaing ito na tungkol sa Heograpiya at Afghanistan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.