Kasaysayan ng Pilipinas

Bahagi ng isang serye tungkol sa
Kasaysayan ng Pilipinas
Maagang Kasaysayan (bago mag-900)
Taong Callao at Taong Tabon
Pagdating ng mga Negrito
Mga Petroglipo ng Angono
Kalinangang Liangzhu
Pagdating ng mga Austronesyo
Kulturang Batong-lungtian
Panahong Klasikal (900–1565)
Bansa ng Mai (971–1339)
Bayan ng Pulilu (????–1225)
Bayan ng Cainta (????–1572)
Bayan ng Kaboloan (1406–1576)
Bayan ng Tondo (900–1589)
Kaharian ng Maynila (1258–1571)
Kaharian ng Namayan (1175–1571)
Kadatuan ng Madyaas (1080–1569)
Kadatuan ng Dapitan (????–1595)
Karahanan ng Cebu (1200–1565)
Karahanan ng Butuan (1001–1521)
Karahanan ng Sanmalan (1011–1899)
Kasultanan ng Maguindanao (1515–1888)
Kasultanan ng Buayan (1350–1905)
Mga Sultanato ng Lanao (1616–1904)
Kasultanan ng Sulu (1405–1915)
Panahong Kolonyal (1565–1946)
Panahon ng Kastila (1565–1898)
Pamumunong Britaniko (1762–1764)
Silangang Kaindiyahan ng Kastila
Himagsikang Pilipino (1896–1898)
Katipunan
Unang Republika (1899–1901)
Panahon ng Amerikano (1898–1946)
Digmaang Pilipino-Amerikano (1899–1902)
Himagsikang Moro (1902-1913)
Sampamahalaan ng Pilipinas (1935–1942, 1945–1946)
Pananakop ng Hapon (1942–1945)
Ikalawang Republika (1943–1945)
Panahong Kontemporanyo (1946–kasalukuyan)
Ikatlong Republika (1946–1972)
Diktadurya ni Marcos (1965–1986)
Ikalimang Republika (1986–kasalukuyan)
Palatakdaan ng oras
Kasaysayang militar
 Portada ng Pilipinas

Napetsahan ang pinakamaagang aktibidad ng hominin sa kapuluang Pilipinas ng hindi bababa sa 709,000 taon na nakalipas.[1] Nasa pulo ng Luzon ang Homo luzonensis, isang espesye ng sinaunang mga tao, noong mga hindi bababa sa 67,000 taon na nakalipas.[2] Nagmula sa Yungib ng Tabon sa Palawan ang pinakamaagang kilalang makabagong anatomikong tao na nabuhay ng mga 47,000 taon nakalipas.[3] Ang mga Negrito ang unang pangkat na unang nanirahan sa Pilipinas bago ang naitalang kasaysayan nito.[4] Noong mga 3000 BC, naglayag ang mga Austronesyo, na siyang mayorya ng kasalukuyang populasyon, mula sa Taiwan patimog hanggang narating ang mga pulo na tinatawag ngayong Pilipinas.[5]

Ang pinakamaagang naitalang kasaysayan ng Pilipinas ay matatagpuan sa Inskripsiyon sa Binatbat na Tanso ng Laguna na mayroong petsang 822 Shaka (900 AD sa kalendaryong Gregoryano).[6] Nilalahad sa inskripsyon ang pagpatawad sa pakakautang ng isang tao na nagngangalang Namwaran, kasama ang kanyang mga anak na si Dayang Angkatan at Bukah. Ang unang tala na pagbisita na mula sa Kanluran ay ang pagdating ni Ferdinand Magellan sa pulo ng Homonhon, sa timog-silangan ng Samar noong Marso 16, 1521. Nagtayo ng mga permanenteng paninirahan sa Cebu kasabay ng ekspedisyon ni Miguel López de Legazpi noong 1565, at marami pang mga paninirahan ang itinatag pa-hilaga hanggang sa maabot ng mga kolonyalista ang Look ng Maynila sa pulo ng Luzon. Nagtatag ng isang lungsod sa Maynila at dito nagsimula ang panahon ng kolonisasyon ng Espanya na nagtagal ng mahigit tatlong siglo.

Nagsimula ang rebolusyon laban sa Espanya noong Abril ng 1896, na pagkaraan ng dalawang taon ay humantong sa proklamasyon ng kalayaan at ang pagtatatag ng Unang Republika ng Pilipinas. Ngunit ang Kasunduan sa Paris, na naganap sa katapusan ng Digmaang Espanyol-Amerikano, ay naglipat ng pamamahala sa Pilipinas sa Estados Unidos. Nagsimula ang kolonyal na pamamahala ng Estados Unidos sa Pilipinas noong Disyembre ng 1899, kasama ang limitadong lokal na pamamahala noong 1905. Iginawad ang bahagyang pagsasarili noong 1935, bilang paghahanda sa isang ganap ng kalayaan mula sa Estados Unidos noong 1945. Ngunit ang 10-taong transisyon mula sa Komonwelt patungo sa isang soberanyang bansa ay naantala dahil sa pagsakop ng Hapon sa Pilipinas noong panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Natalo ang mga Hapones noong 1945 at naganap ang muling-pagbabalik ng mga sundalong Pilipino at Amerikano para sa kampanya ng pagpapalaya sa Pilipinas mula 1944 hanggang 1945. Kaya naibigay lamang ang ganap na kalayaan sa Pilipinas noong Hulyo 1946.

Umunlad ang ekonomiya ng Pilipinas noong dekada 1950 at 1960, subalit nagkaroon ng kaguluhan noong mga huling taon ng dekada 1960 at mga unang taon ng dekada 1970 laban sa mapang-aping diktadura ni Pangulong Ferdinand Marcos na nagpahayag ng batas militar noong 1972. Dahil sa malapit na relasyon ng Pangulo ng Estados Unidos na si Ronald Reagan kay Pangulong Marcos, sinuportahan pa rin siya ng Estados Unidos kahit na kilala ang kanyang administrasyon sa malawakang katiwalian at pang-aabuso sa mga tao. Ang mapayapang Rebolusyon sa EDSA noong 1986 ang nagpatalsik kay Marcos (na tumakas sa Hawaii lulan ng isang helikopter na pag-aari ng militar ng Estados Unidos, kung saan siya nanatili hanggang sa siya'y mamatay) at ang nagbalik ng demokrasya sa bansa. Ngunit nang nagsimula ang panahong iyon, nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pulitika at humina ang ekonomiya ng bansa.

Kronolohiya

Unang Kasaysayan

Mapa ng Timog-Silangang Asya.
Mag-asawang Tagalog na mga maharlika.

Mga Negrito, Austroasyatiko, Indones at Malay (Austronesiano), ang mga Papuano, at Timog Asyano ang mga sinaunang mamamayan ng Pilipinas.[7] Naganap pa ang iba pang migrasyon sa pamamagitan ng pagbiyahe sa tubig at nangyari sa loob ng ilang libong taon.[8]

Ayon sa kay Professor 'Boyet' Manuel Pagsapit ang pinakamatandang estado sa Pilipinas ay ang Kabihasnang Binuangan na magkapanabay sa Kultura ng dyeyd ng Pilipinas na nagtatakbo noong 2500 B.C. Ang Kabihasnang Binuangan pwede ma tratong gitnaan ng mga koneksyon sa iba't iba pang mga: Bansa, Bayan, Kaharian, Karahanan, at Sultanatos; sa Pilipinas bago pah dumating ang mga Espanyol at bago nabura ito ng mga baha at pagguho ng lupa. Dahil sa iyan, ngayon lang ay natuklasan ulit ang kabihasnang ito dahil sa tumataas na antas ng dagat. Noong ikalawang milenyo AD, meron mga ilang estado na bahagi ng sistema ng tributario ng Tsina.[9](pp177–178)[10](p3) Mga katangiang pangkultura ng India gaya ng mga terminong pangwika at mga gawaing panrelihiyon sa Pilipinas lumaganap noong ika-14 na siglo, marahil sa pamamagitan ng Hindu Imperio ng Majapahit.[11][12] Dinala ang Islam ng mga mangangalakal at mga misyonaryo mula sa Arabia, India, at Indonesia.[13] Noong ika-16 dantaon, matatag na ang Islam sa Sulu at lumaganap ito mula sa Mindanao; nakarating ito sa Maynila noong 1565.[8] Kahit kumalat ang Islam sa Luzon, ang pagsamba pa rin sa mga anito ang relihiyon ng karamihan sa mga pulo ng Pilipinas. Ngunit ang mga konsepto ng mga Muslim at ng mga magsasaka ng Hilagang Luzon ng teritoryalismo ay hindi lumaganap sa ibang lugar.[8] Nang makarating ang mga Kastila noong ika-16 dantaon, karamihan sa humigit-kumulang na 500,000 katao ay nanirahan sa mga panirahang barangay.[8]

Meron iba't ibang mga bansa na ipinundar sa Pilipinas noong ika 10th and 16th na mga siglos katulad ng Maynila,[14] Tondo, Namayan, Pangasinan, Cebu, Butuan, Maguindanao, Lanao, Sulu, at Ma-i.[15] Meron ding ibang mga estado katulad ng Ibalon, Cainta, Pulilu, Sandao, Dapitan, Madyaas, Buayan at Sanmalan.[16] Ang mga naunang bansang ito ay karaniwang may tatlong antas na istrukturang panlipunan: mga maharlika, mga malaya, at mga umaasang may utang-mga bono[10](p3)[17](p672) Kabilang sa mga maharlika ang mga pinunong kilala bilang mga datu, na may pananagutan sa mga nagsasariling grupo (barangay o dulohan).[18] Nang ang mga barangay ay nagsama-sama upang bumuo ng isang mas malaking pamayanan o isang mas maluwag na alyansa sa heograpiya,[10](p3)[19] makikilala ang kanilang higit na iginagalang na mga miyembro bilang isang pangunahing datu,[20](p58)[21] raha o sultan,[22] at sila'y ang mamumuno ng communidad.[23] Naging laganap ang panlipunan at politikal na organisasyon ng populasyon sa mga pulo. Ang mga magsasaka lamang ng Hilagang Luzon ang nagkaroon ng konsepto ng teritoryalismo.[8] Ang simpleng yunit ng pamahalaan ay ang balangay, na isang grupong pinamunuan ng isang datu. Sa isang barangay, ang mga panlipunan na dibisyon ay ang mga maguinoo, kung saan kasama ang datu; ang mga maharlika; at ang mga alipin. Maraming kategorya ang mga alipin: ang mga magsasakang walang lupa; ang mga timawang nawalan ng kalayaan dahil sa pagkakautang o parusa sa krimen at ang mga bihag ng digmaan.[8]

Ipinapalagay na mababa ang populasyon noong ika-14 hanggang ika-16 na siglo[20](p18) dahil sa kadalasan ng mga bagyo at sa lokasyon ng Pilipinas sa Pacific Ring of Fire (Singsing na sunog ng Pacifico)[24] at dahil sa walang tigil na guerra sa mga estados ng Pilipinas.[25]

Sa tiempong ito merong presensya ang mga taga Mindanao sa Mottama, Burma; at mga Luzones na taga Luzon, Pilipinas, ay sumisilbeng bilang mga soldados, mga embahador, at mangangalakal sa Timog, Timog Silangang, at Silangang Asya.[26] Ang reputasyon ng mga Luzones ay napakalakas na sinabi ng sundalong Portuges na si Joao de Barros na sila ay: "ang pinaka-mahilig makipagdigma at magiting sa mga bahaging ito.[27]

Pamumuno ng Espanya (1521–1898)

Mga Unang Ekspedisyon sa Pilipinas

Unang nakarating ang mga Europeo sa Pilipinas sa pagdating ng expedisyon ng mga Español na pinamunuan ng Portuges na si Ferdinand Magellan noong ika-16 Marso 1521. Pumalaot si Ferdinand Magellan sa pulo ng Cebu, inangkin ito para sa Espanya, at binigyan ito ng pangalan na Islas de San Lazaro.[28]

Magiliw siyang nakipag-ugnayan sa ilang mga lokal na datu. Nagdaos pa sila ng tradisyonal na sandugo kung saan pinalalabas ang dugo sa braso, inihahalo sa tubig o alak at iniinom nilang magkasama. Sa ganitong paraan, ang dugo ng kasama niya ay nasa kanyang mga ugat na ginagawa silang "magkapatid sa dugo", isang sagrado at hindi pwedeng ipawalang-bisa na kasunduan. Nakumbinsi sila pa ni Magellan na maging Kristiyano.[28] Nagawa niya ito kay Raha Humabon ng Cebu at dahil sa Kristiyanismo, ginagalang ng mga bata ang mga matatanda. Ito ang humikayat sa konbersiyon dahil noong panahong iyon ay hindi iginagalang ng mga bata ang matatanda dahil wala na silang magagawang mabuti sa tribo. Ang mga kabataan ang nag-uutos sa mga matanda. Nagpakita ito ng isang mahalagang pangyayari sa kasaysayan ng Pilipinas. Nagwagi si Magellan laban kay Humabon sa pamamagitan ng pagdadala ng bagong kultura na nagpapahalaga sa dignidad ng tao.

Ngunit, napatay si Ferdinand Magellan ng pangkat ni Lapu-Lapu, na tumutol sa pamamahala ng Espanya. Hinamon ni Magellan si Lapu-Lapu sa isang labanan, upang ipakita kung paano lumaban ang mga Europeo. May tatlong dahilan kung bakit natalo si Magellan laban kay Lapu-Lapu: (1) Hindi siya nagpadala ng tauhan upang suriin ang lugar, (2) binalaan niya ang kalaban na aatake siya at (3) pumayag siyang mas maraming tribo ang lumaban sa kanyang mga tauhan.

Sa mga sumunod na dekada, iba pang mga ekspedisyon ang ipinadala ng Espanya sa Pilipinas. Noong 1543, pinamunuan ni Ruy López de Villalobos ang isang ekspedisyon patungo sa mga pulo at pinangalanang Las Islas Felipinas (mula sa pangalan ni Felipe II ng Espanya) ang mga pulo ng Samar at Leyte. Hindi nagtagal, ibinigay ang pangalang ito sa buong kapuluan.

Kolonya ng Espanya

Ang permanenteng paninirahan ay naitatag lamang noong 1565 nang makarating ang ekspedisyon na pinamunuan ni Miguel Lopez de Legazpi sa Cebu mula sa Mexico. Ang pamumuno ng mga Espanyol ay naitatag sa mga maliliit na malayang pamayanan na walang alam sa pamahalaang sentralisado.[29] Matapos ang anim na taon, nang matalo ang isang Muslim na datu, itinatag ni Legazpi ang isang lungsod sa Maynila, na nagbigay ng pangunahing daungan sa Look ng Maynila, isang malaking populasyon at malapit sa mga kapatagan ng Gitnang Luzon.[30] Naging sentro ng pamahalaang kolonyal ang Maynila, pati na rin ang aktibidad na pang-militar, panrelihiyon at pangkalakalan (commercial).

Naglayag ang mga bantog na galyon sa pagitan ng Maynila at Acapulco, Mexico. Dinala nila ang pilak at ilang mahahalagang metal mula sa Bagong Mundo sa Maynila upang bumili ng mga pampalasa mula sa Moluccas at ang porselana, ivory, lacquerware at sutla/seda mula sa Tsina at Timog-silangang Asya. Bagama't ginamit ang mga ito sa Mexico, karamihan sa mga kalakal ang dinala sa Espanya, upang ipagbili sa Europa.

Ang Pilipinas ay naging lalawigan ng Nueva Espanya hanggang 1821, nang makamit ng Mexico ang kalayaan.[31] Sa tiempong ito mahoriya ng mga kolonista na pinadala sa Pilipinas ay galing Amerikang Latino, sa mga nasyon ng Mexico at Peru.[32] Pero, meron din maliit na bahagi na nang galing Espanya.

Ang unang sensus sa Pilipinas ay noong 1591, batay sa mga tribute na nakolekta. Ibinilang ng mga ang kabuuang unang population ng Pilipinas sa lalim ng Espanya bilang 667,612 katao.[33]:177[34][35] 20,000 ay mga migranteng Tsino na mamalakal,[36] sa iba't ibang panahon: humigit-kumulang 15,600 indibidwal ay mga Latinong Americano na soldadong-colonistas na pinagsama-samang ipinadala mula sa Peru at Mexico at sila ay ipinadala sa Pilipinas taun-taon,[37][38] 3,000 ang mga residenteng Hapones,[39] at 600 ang mga purong Espanyol mula sa Europa.[40] Mayroong isang malaki ngunit hindi kilalang bilang ng mga Pilipino sa Timog Asya, dahil ang karamihan sa mga alipin na inangkat sa kapuluan ay mula sa Bengal at Timog India,[41] na idinagdag ang mga nagsasalita ng Dravidian na mga Timog Indiano at mga Bengali na nagsasalita ng Indo-Europeano, sa halo ng mga lokal na etniko.[41] Sa mga 600 na Espanyol nah tumira sa Pilipinas, ang Hari ng Espanya bumigay ng mga encomienda sa 236 na Maharlikang Espanyol sa iba't ibang mga probinsya ng Pilipinas.[42]

Ang pananakop sa kapuluan ay nagtagumpay na walang pakikipaglaban (maliban sa mga Muslim).[30] Naging problema ng mga Kastila ang pakikipaglaban ng mga Muslim sa Mindanao at Sulu. Bilang sagot sa paglusob ng mga Espanyol sa mga Muslim at kanilang mga kakampi, sinalakay nila ang mga lugar sa Luzon at Bisayas na nasa ilalim ng pamamahala ng Espanyol. Naglunsad ang mga Kastila ng mga kampanya laban sa mga Muslim, ngunit wala itong naging tiyak na resulta hanggang sa gitna ng ika-19 siglo. Subalit, Noong 1635, si Don Sebastián Hurtado de Corcuera, na gobernador ng Panama, ay nag-import ng mga Peruviano at Panamaniano (kabilang din ang mga Genoese-Italiano na mga soldados mula sa Panama Viejo)[43] bilang mga soldalo upang makipagdigma laban sa Muslim Mindanao at bilang mga kolonistas upang itatag ang Ciudad ng Zamboanga.[32] Magkaugnay ang Simbahan at Estado noong panahon ng Kastila. Naging responsibilidad ng estado ang mga institusyong panrelihiyon.[30] Isa sa mga naging layunin ng Espanya sa kolonyalisasyon ng Pilipinas ay ang pagbibinyag ng mga tribu sa Kristiyanismo. Ang pagpapalit ng relihiyon ay naganap dahil sa kawalan ng ibang maayos na relihiyon, maliban sa Islam, na laganap sa Timog. Ang mga seremonya ng simbahan ay naging bantog, na naging dahilan upang mapasama ang iba't ibang pista sa tradisyong Pilipino.[30]

Watawat ng Nueva Espanya.

Naging sanhi nito ang pagdami ng mga Katoliko sa bansa, na tinutulan ng mga Muslim sa Mindanao at mga tribu sa Hilagang Luzon (tulad ng mga Ifugao ng Kordilyera) at ang mga Mangyan ng Mindoro.[30]

Ang mga Kastila ay nagtatag ng tradisyonal na organisasyon ng barangay sa pamamagitan ng mga pinunong lokal sa mababang antas ng pamamahala. Ang istilong ito na di-direktang pamamahala ang nagdulot ng pagbubuo ng mataas na antas ng mga Pilipino na tinatawag na principalia, na naging mayaman, mataas ang respeto at iba pang mga prihibelyo. Ito ay nagpakita ng isang sistemang oligarkiya sa lokal na pamamahala. Ilan sa mga pagbabago sa ilalim ng pamamahala ng Espanya ang pagpapalit ng ideya ng pagmamay-ari ng lupa sa konsepto ng pribadong pagmamay-ari at ang pagbibigay ng titulo sa mga kasapi ng principalia.[30]

Hindi kumita ang Espanya sa Pilipinas bilang isang kolonya, at malapit nang maubos ang salapi ng pamahalaan dahil sa digmaan laban sa mga Dutch at sa pakikipag-laban sa mga Muslim.[30] Ang kita ng pamahalaang kolonyal ay nanggaling sa kalakalang galyon.[30]

Pagbagsak ng pamumuno ng Espanya

Ang pamamahala ng Espanya sa Pilipinas ay sandaling naputol noong 1792 nang salakayin ng mga Ingles ang Maynila na naging sanhi ng pagpasok ng Espanya sa Digmaan ng Pitong Taon. Ang Kasunduan sa Paris ng 1763 ang nagbalik sa pamamahala ng mga Kastila at nilisan ng mga Ingles ang bansa noong 1764. Ang sandaling pananakop ng mga Ingles ang nagpahina sa kapangyarihan ng Espanya at nagdulot ng mga rebelyon at mga demanda para sa kalayaan.[44]

Noong 1810, ang mga Pilipino na nasa Mexico tumolong sa tagumpay ng guerra na independyensya contra sa Espanya. Si Ramon Fabie ay isang Pilipino na martyr na isinilang sa Manila na tumlong sa kay Miguel Hidalgo sa kanyang himagsikan.[45] Nong ang himagsikan ay tinuloy ni Vincente Guerrero sa pagkamatay ni Miguel Hidalgo, tumolong din ang isang Pilipino-Mexicano na si Isidoro Montes de Oca, at ang kanyang 200 na soldadong Pilipino-Mexicano, sa labanan contra sa Espanya.[46]

Sa anyong 1812, sa labanan sa pamamagitan ng Imperio ng Britania at Republica ng America ang mga Pilipina sa Louisiana na bilang kilalang "Manilamen" sumilbeng mga soldado para sa mga Americano sa battalya ng New Orleans.[47][48]

Sa Argentina noong panahong 1814, maraming Pilipino tumolong sa bansa ng Argentina sa kanilang guerra pang independyensya laban sa Espanya.[49]

Sa 1823 dahil sa malakas na mga relasyon ng Pilipinas sa mga bago na mga bansa sa Latino-America dahil sinuporta ng mga Pilipino and mga rebolusyon doon, meron isang soldadong Pilipino, sina Andrés Novales na lumaban sa isang guerra sa Espanya at tumaas ang ranko niya doon, na bumalik sa Pilipinas para magmahal sa natibong nasyon niya. Sa pag balik niya, siya'y sumikat pero seloso ang mga peninsulares ds kanya, napilitan siyang umaklas sa isang himgasikan at sinuporta siya ng mga Pilipino at mga soldados at kolinstas na nanggaling sa Mexico at sa mga preskong independyenteng bansa ng Colombia, Venezuela, Peru, Chile, Argentina at Costa Rica.[50] Pero si Andres Novales pinatay at ang kanyang mga kawal humi-hiwalay.

Noong 1871, itinatag ni Gobernador-Heneral Jose Basco y Vargas ang Economic Society of Friends of the Country. Noong panahong iyon, ang Pilipinas ay direktang pinamamahalaan ng Espanya. Ang mga kaganapan sa loob at labas ng bansa ay nakatulong sa pagdadala ng mga bagong kaisipan sa Pilipinas. Ang pagbubukas ng Kanal Suez noong 1869 ay nagpaikli ng panahon ng paglalayag patungong Espanya. Naging sanhi ito ng pagdami ng mga ilustrado na naging kasama ng mga creoles, isang mataas na antas ng mga Pilipino, sapagkat maraming mga kabataang Pilipino ang nakapag-aral sa Europa. Itinatag ng mga illustrado ang Kilusang Propaganda noong 1882 dahil sa pag mamartyr ng Espanyol sa tatlong aktibistang Pari na si Gomburza.

Naging layunin ng Kilusang Propaganda ang pagbabalik ng representasyon ng Pilipinas sa Kongreso ng Espanya (Spanish Cortes), ilang reporma at hindi nagtagal, ang kalayaan ng bansa. Si José Rizal, ang pinakamatalino at pinakaradikal na illustrado noong panahong iyon, ang nagsulat ng mga nobelang Noli Me Tangere at ang El Filibusterismo, na naging inspirasyon upang matamo ang kalayaan.[29] Noong 1892, itinatag ni Andrés Bonifacio ang Kataastaasang, Kagalanggalangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KKK) na naging layunin ang pagkakamit ng kalayaan sa pamamagitan ng pakikipaglaban sa mga Kastila. Si Bonifacio ang naging supremo (pinuno) nito.

Unang watawat ng mga rebolusyonaryong Pilipino.
Emilio Aguinaldo, Unang Pangulo ng Pilipinas mula 1899 hanggang 1901.

Nagsimula ang rebolusyon noong 1896. Napagkamalan si Rizal na siya ang nagpasimula ng rebolusyon na naging sanhi ng kanyang pagkamatay noong ika-30 Disyembre 1896. Ang Katipunan sa Cavite ay nahati sa dalawa, ang Magdiwang na pinamunuan ni Mariano Alvarez (kamag-anak ni Bonifacio sa pamamagitan ng kasal), at ang Magdalo, na pinamunuan ni Emilio Aguinaldo. Ang alitan sa pagitan ni Bonifacio at Aguinaldo ang nagdulot sa pagpatay kay Bonifacio ng mga sundalo ni Aguinaldo noong ika-10 Mayo 1897. Sumang-ayon si Aguinaldo sa mga kondisyon ng Kasunduan sa Biak-na-Bato at siya at ang kanyang mga kasamang rebolusonaryo ay ipinatapon sa Hong Kong.

Sesyon ng kongreso ng Unang Republika ng Pilipinas.

Nagsimula ang Digmaang Espanyol-Amerikano noong 1898 nang pasabugin ang USS Maine at lumubog sa daungan ng Havana, na ipinadala sa Cuba upang mabuo ng isang mapayapang resolusyon sa pagitan ng mga ambisyon ng Cuba na maging malaya at ang kolonyalismo ng Espanya. Matapos matalo ni Commodore George Dewey ang mga Espanyol sa Maynila, inimbitahan niya na bumalik si Aguinaldo sa Pilipinas, na ginawa niya noong ika-19 ng Mayo 1898. Nang nakarating ang mga sundalong Amerikano sa Pilipinas, nakuha na ng mga Pilipino ang kontrol sa buong Luzon, maliban sa Intramuros. Noong ika-12 ng Hunyo 1898, ipinahayag ni Aguinaldo ang kasarinlan ng Pilipinas sa Kawit, Cavite, na nagtatag ng Unang Republika ng Pilipinas sa ilalim ng unang demokratikong konstitusyon ng Asya.[29]

Kasabay nito, dumating ang mga sundalong German at idineklarang kung hindi kukunin ng Estados Unidos ang Pilipinas bilang isang kolonya, kukunin ito ng Germany. Nakuha ng mga Amerikano ang lungsod mula sa mga Espanyol sa Labanan ng Maynila. Ang labanang ito ang nagtapos sa pakikipag-usapan ng mga Pilipino at Amerikano, dahil sa pagpigil sa mga sundalong Pilipino sa pagpasok sa lungsod ng Maynila, isang kilos na tinutulan ng mga Pilipino.[51] Nagpadala ng mga komisyoner ang Espanya at Estados Unidos upang pag-usapan ang mga kondisyon ng Kasunduan sa Paris na nagtapos sa Digmaang Espanyol-Amerikano. Si Felipe Agoncillo, ang representatibo ng Pilipinas ay tinanggal sa mga sesyon dahil ang pamahalaang rebolusyonaryo ay hindi kinilala ng ibang mga bansa.[51] Kahit mayroong mga pagtututol, nagdesisyon ang Estados Unidos na hindi isasauli ang Pilipinas sa Espanya, at hindi rin pumayag na kunin ng Germany ang Pilipinas. Maliban sa Guam at Puerto Rico, napilitan din ang Espanya na ibigay ang Pilipinas sa Estados Unidos bilang kapalit sa US$ 20,000,000.00, na sinasabi ng Estados Unidos na "regalo" nila sa Espanya.[52] Nagrebelde ang Unang Republika ng Pilipinas laban sa okupasyon ng Estados Unidos, na nagdulot ng pagsiklab ng Digmaang Pilipino-Amerikano (1899–1913).

Panahong kolonyal ng Amerikano (1898–1946)

Isang karikaturang pampolitika noong 1898 na ipinapakita si McKinley, pangulo ng Estados Unidos kasama ang isang "mabangis" na bata. Ikinukumpara dito ang pagbalik ng Pilipinas sa Espanya sa paghagis ng bata sa bangin.

Nagsimula ang relasyon ng Pilipinas sa Estados Unidos nang magsama ang dalawang bansa upang labanan ang mga Kastila.[53] Bilang mga magka-alyado, binigyan ng mga sundalong Pilipino ang mga Amerikano ng mga mahahalagang impormasyon at suporta mula sa militar.[54] Ngunit, dumistansiya ang Estados Unidos sa mga hangarin ng mga Pilipino. Hindi natuwa si Aguinaldo nang tumutol ang mga Amerikano na suportahan ang kalayaan ng Pilipinas.[54] Nagwakas ang relasyon ng dalawang bansa at tumaas ang tensiyon nang naging malinaw ang pakay ng mga Amerikanong manatili sa mga pulo.[54]

Digmaang Pilipino-Amerikano

Pangunahing artikulo: Digmaang Pilipino-Amerikano

Sumiklab ang Digmaang Pilipino-Amerikano noong Pebrero, 1899, matapos patayin ng dalawang Amerikanong sundalo ang tatlong Pilipinong sundalo sa San Juan.[55] Naging mas magastos at mas marami ang namatay sa digmaang ito kaysa sa Digmaang Espanyol-Amerikano.[29] Humigit-kumulang 126,000 Amerikanong sundalo ang lumaban sa digmaan; 4,234 Amerikano ang namatay, pati na rin ang 16,000 Pilipinong sundalo na naging kasali sa isang pambansang gerilyang kampanya na walang tiyak na bilang ng mga kasapi.[55] Sa pagitan ng 250,000 at 1,000,000 sibilyan ang namatay dahil sa kagutuman at sakit. Pinahirapan nila ang isa't isa.[55]

Ang kakulangan ng mga sandata ang naging sanhi ng pagkatalo ng mga Pilipinong sundalo laban sa mga Amerikano sa mga pangunahing labanan ngunit ang mga Pilipino ay nagwagi sa mga labanang gerilya.[55] Ang Malolos, na kabisera ng pamahalaang rebolusyonaryo, ay nakuha ng mga Amerikano noong ika-31 ng Marso 1899, ngunit nakatakas si Aguinaldo at ang kanyang pamahalaan at nilipat ang kabisera sa San Isidro, Nueva Ecija. Si Antonio Luna, ang pinakamagaling na kumander ni Aguinaldo, ay pinatay noong Hunyo. Dahil sa pagkamatay ni Luna at ang tuloy-tuloy na pagkatalo ng kanyang mga sundalo sa mga labanan sa Hilagang Luzon, pinalitan ng di-sentralisadong mga hukbong gerilya sa bawat sonang militar ang regular na hukbo noong Nobyembre 1899. Ang mga sibilyan, na naiipit sa pagitan ng mga Amerikano at mga rebelde, ay naghirap.[55]

Nadakip si Aguinaldo sa Palanan, Isabela noong ika-23 ng Marso 1901 at dinala sa Maynila. Nanumpa siya ng katapatan sa Estados Unidos at nag-utos na sumuko ang kanyang mga kasama, na naging hudyat ng katapusan ng digmaan.[55] Ngunit nagpatuloy pa rin ang mga labanan sa ilang mga bahagi ng Pilipinas, lalo na sa Mindanao, hanggang noong 1913.[56]

Kolonya ng Estados Unidos

Tinuring ng Estados Unidos ang kanilang misyon sa Pilipinas bilang paghahanda ng mga Pilipino sa malayang pamamahala.[57] Itinatag ang pamahalaang sibil noong 1901, na pinamahalaan ni William Howard Taft, ang unang Amerikanong gobernador-heneral ng Pilipinas, na humalili kay Arthur MacArthur, Jr. Ang gobernador-heneral ang naging pinuno ng Komisyon ng Pilipinas, isang kapisanan na itinatag ng Estados Unidos na may kapangyarihang tagapagbatas at may limitadong kapangyarihang tagapamahala. Nagpatupad ang komisyon ng batas na nagtayo ng iba't ibang mga sangay ng pamahalaan, kasama na rin ang istilong hudisyal, serbisyong sibil at pamahalaang lokal. Itinatag ang Pambansang Pulisya (Philippine Constabulary) upang pamahalaan ang mga natitirang kilusang lumalaban sa mga Amerikano at nang hindi naglaon ay ginampanan rin nito ang mga responsibilidad ng Sandatahang Lakas ng Estados Unidos. Pinasinayaan ang halal na Asamblea ng Pilipinas noong 1907 bilang ang mababang kapulungan, samantalang ang Komisyon ng Pilipinas ang mataas na kapulungan.

Ang mga panukala ng Estados Unidos sa Pilipinas ay napalitan kasabay ng pagpapalit ng mga administrasyon.[29] Sa mga unang taon ng kolonyang pamamahala, ayaw ng mga Amerikano na ibigay ang karapatang pamamahala sa mga Pilipino. Ngunit, nang naging pangulo ng Estados Unidos si Woodrow Wilson noong 1913, isang bagong panukala ang ipinagtibay na naging daan sa kalayaan ng Pilipinas. Ang Batas Jones, na ipinasa ng Kongreso ng Estados Unidos noong 1916, ay naging batayan ng pagtatag ng isang pamahalaan, nagpangako ng kalayaan at pagtatatag ng inihalal na Senado ng Pilipinas.

Naganap noong dekada 1920, ang pakikipagtulungan at mga komprontasyon ng mga Pilipino sa mga gobernador-heneral ng Estados Unidos, depende kung kaya ng gobernador-heneral na pamahalaan ang kolonya kasama ang tagapagbatas ng bansa. Ang mga kasapi ng kongreso ay naghangad na makamit kaagad ang kalayaan mula sa Estados Unidos. Ipinadala sa Washington D.C. ang ilang mga misyong pang-kalayaan. Itinatag ang serbisyong sibil na pinamahalaan ng mga Pilipino noong 1918.

Ang pulitika ng Pilipinas noong panahon ng kolonyalismo nito sa Estados Unidos ay pinamahalaan ng Partido Nacionalista, na itinatag noong 1907. Kahit naghangad ito ng madaliang paggawad ng kasarinlan, naging mataas ang suporta nito sa Estados Unidos sa mga panukala nito.[58] Pinamunuan ito ni Manuel L. Quezon, na naging pangulo ng Senado mula noong 1916 hanggang 1935.

Panahon ng Komonwelt

Pangunahing artikulo: Komonwelt ng Pilipinas
Manuel L. Quezon, pangulo ng Komonwelt kasama si Franklin D. Roosevelt, pangulo ng Estados Unidos sa Washington, D.C..

Noong 1933, ipinasa ng Kongreso ng Estados Unidos ang Batas Hare-Hawes-Cutting bilang ang Batas ng Kalayaan ng Pilipinas kahit ito ay tinutulan ni Pangulong Herbert Hoover.[59] Kahit ang batas na ito ay binuo sa tulong ng isang komisyon mula sa Pilipinas, tinutulan ito ng Pangulo ng Senado, si Manuel L. Quezon, dahil sa probisyon nitong manatili ang kontrol ng Estados Unidos sa mga base militar sa bansa. Sa ilalim ng kanyang impluwensiya, tinutulan ito ng lehislatura ng Pilipinas.[60] Noong sumunod na taon, isang bagong batas na tinawag na Batas Tydings-McDuffie ay ipinasa ng lehislatura. Isinaad sa batas na ito ang pagtatatag ng Komonwelt ng Pilipinas na may 10-taong mapayapang transisyon patungo sa kasarinlan. Magkakaroon ang komonwelt ng sariling saligang-batas at magiging responsibilidad ang pamamahala sa bansa, ngunit ang ugnayang panlabas ay responsibilidad ng Estados Unidos, at ilang mga batas ay kailangan aprubahan ng pangulo ng Estados Unidos.[60]

Manuel Quezon, Pangulo ng Pilipinas mula 1935 hanggang 1944.

Isang konstitusyon ang binuo noong 1934 na pinagtibay sa isang plebisito noong sumunod na taon. Noong ika-14 ng Mayo 1935, isang halalan ang ginanap upang punan ang bagong tatag na posisyon ng Pangulo ng Komonwelt na napanalunan ni Manuel L. Quezon ng Partido Nacionalista, at itinatag ang isang Pilipinong pamahalaan na ibinase sa mga prinsipyo ng Konstitusyon ng Estados Unidos. Ang komonwelt ay itinatag noong 1935, na mayroong malakas na sangay na tagapagpaganap, iisang sangay ng kapulungan, ang National Assembly at ang Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas na binubuo ng mga Pilipino sa unang pagkakataon mula noong 1901. Noong panahon ng Komonwelt, nagpadala ang Pilipinas ng isang halal na Resident Commissioner sa Mababang Kapulungan ng Estados Unidos (tulad ng ginagawa ng Puerto Rico ngayon).

Naging adhikain ng bagong pamahalaan ang pagtatatag ng batayan ng tanggulang pambansa, mas malakas na kontrol sa ekonomiya, mga reporma sa edukasyon, pagpapabuti sa transportasyon, ang kolonisasyon ng pulo ng Mindanao at ang promosyon ng lokal na kabisera at industriyalisasyon. Ngunit hinarap ng komonwelt ang problema sa agrikultura, ang di-tiyak na sitwasyong Diplomatiko at Militar sa Timog-Silangan Asya, at hindi maliwanag na lebel ng komitment ng Estados Unidos sa panghinaharap na Republika ng Pilipinas. Binago ang konstitusyon noong 1939–1940 upang ibalik ang kongresong may dalawang kapulungan at ang pagpapahintulot ng pagtakbo muli ni Pangulong Quezon, na nagkaroon lamang ng isang anim na taong termino.

Ikalawang Digmaang Pandaigdig at ang pagsakop ng mga Hapon

Pangunang Artikulo: Pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas

Humigit-kumulang 10,000 katao ang namatay sa Martsa ng Kamatayan sa Bataan.

Naglunsad ang bansang Hapon ng isang sorpresang pag-atake sa Clark Air Base sa Pampanga noong 8 Disyembre 1941, halos sampung oras lamang matapos ang Pag-atake sa Pearl Harbor. Ang pagbobomba sa pamamagitan ng paggamit ng mga eroplano ay sinundan ng pagdating ng mga sundalong Hapones sa Luzon. Ang hukbo ng mga Pilipino at Amerikanong sundalo ay pinamunuan ni Heneral Douglas MacArthur. Dahil sa pagdami ng mga kalabang dumarating sa bansa, lumikas ang mga hukbong Pilipino at Amerikano sa Bataan at sa pulo ng Corregidor. Ang Maynila, na idineklarang bukas na lungsod/Open City upang maiwasan ang pagkawasak nito, ngunit naging pasaway ang mga hapones at sinalakay pa rin ito [61] ito ay pinasok ng mga Hapones noong ika-2 ng Enero 1942[62]. Nagpatuloy ang pagtatanggol ng mga Pilipino hanggang sa pagsuko ng mga sundalong Pilipino at Amerikano sa Bataan noong 9 Abril 1942 at ang Corregidor noong Mayo 6. Karamihan sa 80,000 na mga preso ng digmaan na nahuli ng mga Hapones sa Bataan ay sapilitang pinagmartsa patungo sa isang kulungang may layo ng 105 kilometro sa Hilaga (Pampangga) . Tinatayang 10,000 mga Pilipino, 300 mga Pilipinong Intsik at 1,200 mga Amerikano ang namatay bago makarating sa destinasyon.[63]

Sumama sina Quezon at Osmeña sa mga sundalong patungong Corregidor at hindi nagtagal ay umalis sila patungong Estados Unidos, at doon pinamahalaan ang Komonwelt.[64] Inutusan si MacArthur na pumunta sa Australia, kung saan sinimulan niya ang planong pagbabalik sa Pilipinas.

Jose P. Laurel, Pangulo ng Pilipinas mula 1943 hanggang 1945.

Agad na nag-organisa ang mga awtoridad ng militar ng Hapon ng bagong estruktura ng pamahalaan sa Pilipinas at itinatag ang KALIBAPI (Kapisanan sa Paglilingkod sa Bagong Pilipinas). Isinaayos nila ang Konseho ng Estado na nagpatupad ng mga pang-sibil na batas hanggang Oktubre 1943, nang ideklara nila ang Pilipinas bilang isang malayang bansa. Ang republikang nasa ilalim ng mga Hapones na pinamunuan ni Jose P. Laurel ay hindi naging popular.[65]

Ang pagsakop ng mga Hapon sa Pilipinas ay tinutulan nang maraming aktibidad ng mga gerilya. Lumaban ang pangkat ng militar ng Hukbong Katihan ng Komonwelt ng Pilipinas sa mga Hapones sa isang digmaang gerilya at kinilalang isa itong pangkat ng Hukbong Katihan ng Estados Unidos. Ang tagumpay ng pakikipaglabang ito ay ipinakita sa katapusan ng digmaan, kung saan kontrolado lamang ng mga Hapones ang labindalawa sa apatnapu't walong lalawigan sa bansa.[65] Ang pangunahing elemento ng paghihimagsik sa Gitnang Luzon ay ginampanan ng Hukbalahap (Hukbong Bayan Laban sa Hapon), na mayroong 30,000 kasapi at ipinaabot ang kontrol sa karamihang lugar sa Luzon.[65]

Noong ika-8 ng Mayo 1942 hanggang ika-2 ng Setyembre 1945, nagsimula ang kampanya ng Labanan ng Pilipinong Nadakpin-Muli sa Pilipinas sa ilalim ng pagsakop ng mga Hapon. Mahigit daan-libong mga Pilipino at mga Pilipinong Intsik na kalakihan ay sumali bilang sundalo ay isang dating militar ng Hukbong Katihan ng Komonwelt ng Pilipinas sa ilalim ng pangkat ng militar ng Estados Unidos (1935–1946) at ang sumali bilang gerilya ng kumilalang pangkat ng gerilya sa buong pagbabaka at labanang ito sa Pilipinas katulad ng Luzon, Visayas at Mindanao at lumaban sila sa mga Hapon, at bago po pagbabalik ng mga Amerikanong sundalo sa Pilipinas noong 1944.

Dumating si Heneral Douglas MacArthur at si Pangulong Sergio Osmena kasama ang maraming mga Pilipino at Amerikanong sundalo sa Leyte noong ika-20 ng Oktubre 1944. Maraming pang mga sundalo ang dumating, at pinasok ng mga Magkakaalyadong sundalong Pilipino at Amerikano ang Maynila. Nagtagal ang labanan hanggang sa pormal na pagsuko ng Hapon noong ika-2 ng Setyembre 1945. Nagdanas ang Pilipinas ng pagkawala ng maraming buhay at malawakang pagkasira nang matapos ang digmaan. Tinatayang isang milyong Pilipino ang namatay, at nawasak ang Maynila dahil hindi idineklara ng mga Hapones ang Maynila bilang isang bukas na lungsod katulad ng ginawa ng mga Amerikano noong 1942.[65]

Sergio Osmena, Pangulo ng Pilipinas mula 1944 hanggang 1946.

Kasama ni Pangulong Manuel L. Quezon sa Estados Unidos si Sergio Osmena. Namatay si Quezon sa sakit na tuberkulosis noong ika-1 ng Agosto 1944 at si Osmeña ang humalili sa kanya. Kasama siya ng mga puwersang Amerikanong lumunsad sa Leyte. Samantala maraming ang magkakasanib ng mga sundalong Pilipino at Amerikano kasama ng mga kumilalang gerilya ay ipagtatanggol ng sagupaan ng pakipaglaban sa mga Hapones ay simula ng kampanya ng labanan ng pagpapalaya sa Pilipinas. Nagsilbi siya bilang pangulo ng bansa hanggang sa magkaroon ng halalan noong ika-23 ng Abril 1946. Paghahanda ito sa pagbibigay ng kalayaan ng Estados Unidos. Kumandidato siya bilang pangulo, ngunit natalo kay Manuel Roxas.

Malayang Pilipinas at ang Ikatlong Republika (1946–1972)

Pangunahing artikulo: Kasaysayan ng Pilipinas (1946–1972)

Pamamahala ni Manuel Roxas (1946–1948)

Manuel Roxas, Pangulo ng Pilipinas mula 1946 hanggang 1948.

Nagkaroon ng halalan noong 1946, na nagluklok kay Manuel Roxas bilang unang pangulo ng malayang Pilipinas. Ibinalik ng Estados Unidos ang soberanya ng Pilipinas noong ika-4 ng Hulyo 1946.[29] Ngunit ang ekonomiya ng Pilipinas ay nanatiling umaasa sa ekonomiya ng Estados Unidos, ayon kay Paul McNutt, isang mataas na komisyoner ng Estados Unidos.[66] Ang Philippine Trade Act, na ipinagtibay bilang isang kondisyon upang makatanggap ng perang gagamitin sa rehabilitasyon mula sa digmaan ang Pilipinas mula sa Estados Unidos,[67] ay lalong nagpalala sa relasyon ng dalawang bansa sa probisyon itong itali ang ekonomiya ng dalawang bansa. Isang kasunduan na militar ang nilagdaan noong 1947 na nagtakda sa Estados Unidos ng 99-taong pag-uupa sa mga piling base militar sa bansa (binawasan ito ng 25 taon noong 1967).

Pamamahala ni Elpidio Quirino (1948–1953)

Elpidio Quirino, Pangulo ng Pilipinas mula 1948 hanggang 1953.

Pinatawad ng administrasyon ni Roxas ang mga taong nakipagtulungan sa mga Hapones noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, maliban sa mga taong gumawa ng mga marahas na krimen. Namatay si Roxas dahil sa atake sa puso at tubercolosis noong Abril 1948, at humalili ang pangalawang pangulo, si Elpidio Quirino, sa posisyon ng presidente. Tumakbo siya sa pagkapangulo noong 1949. Natalo ni Quirino si Jose P. Laurel at nakamit niya ang apat na taong termino. Iniwan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang Pilipinas na sira-sira at nawalan ng moral. Ang muling pagbangon ng bansa ay naguluhan dahil sa mga aktibidad ng mga gerilyang Hukbalahap ("Huks") na naging kalaban ng bagong pamahalaan ng Pilipinas. Ang mga panukala ng pamahalaan sa mga Huk ay parehong naging pang-negosasyon at pang-supresyon. Ang Kalihim ng Tanggulang Pambansa, si Ramon Magsaysay ay nagsimula ng kampanya upang matalo ang mga rebelde sa pamamagitan ng militar at para makuha na rin ang suporta ng pamahalaan mula sa mga mamamayan. Unti-unting kumunti ang kampanya ng mga Huk noong dekada 1950's, at tuluyang nagwakas ito sa walang kundisyon na pagsuko ni Luis Taruc, pinuno ng mga Huk noong Mayo 1954.

Pamamahala ni Ramon Magsaysay (1953–1957)

Ramon Magsaysay, Pangulo ng Pilipinas mula 1953 hanggang 1957.

Suportado ng Estados Unidos, nahalal si Magsaysay sa pagkapangulo noong 1953 dahil sa popularidad niya sa mga tao. Ipinangako niya ang reporma sa ekonomiya, at napaunlad niya ang reporma sa lupa sa pamamagitan ng pagtaguyod sa paglipat ng tirahan ng mga mahihirap na tao sa Katolikong hilaga patungo sa mga tradisyonal na mga lugar ng mga Muslim. Kahit nakatulong ito sa pagbabawas ng populasyon sa Hilaga, tumaas ang tensiyong panrelihiyon.[68] Ngunit naging popular pa rin siya sa mga mamamayan, at ang kanyang pagkamatay sa pagbagsak ng kanyang eroplano noong Marso 1957 ay nagdulot ng kalungkutan sa maraming mga Pilipino.

Pamamahala ni Carlos Garcia (1957–1961)

Carlos Garcia, Pangulo ng Pilipinas mula 1957 hanggang 1961.

Humalili si Carlos P. Garcia sa posisyon ng pangulo matapos ang pagkamatay ni Magsaysay, at nahalal rin siya sa apat na taong termino noong Nobyembre ng taon ding iyon. Ipinatupad niya ang patakarang "Pilipino Muna", na nagbibigay ng pagkakataon sa mga Pilipino na malinang ang ekonomiya ng bansa.[69] Nakipag-ugnayan si Garcia sa Estados Unidos ukol sa pagsasauli ang mga Amerikanong base militar sa Pilipinas. Ngunit nawala ang popularidad ng kanyang administrasyon dahil sa mga isyu ng kurapsiyon sa mga sumunod na taon.[70]

Pamamahala ni Diosdado Macapagal (1961–1965)

Diosdado Macapagal, Pangulo ng Pilipinas mula 1961 hanggang 1965.

Nahalal si Diosdado Macapagal sa pagkapangulo noong halalan ng 1961. Ang panukalang banyaga ni Macapagal ay humingi ng mas malapit na relasyon sa mga kalapit na mga bansa, partikular na ang Malaya (ngayo'y Malaysia) at Indonesia.[68] Ang pakikipag-negosasyon niya sa Estados Unidos ukol sa mga karapatan sa mga base militar ay nagdulot ng negatibong damdamin sa mga Amerikano.[68] Binago niya ang Araw ng Kalayaan mula sa Hulyo 4 na pinalitan ng Hunyo 12, upang gunitain ang araw na idineklara ni Emilio Aguinaldo ang kalayaan ng bansa mula sa Espanya noong 1898.

Sa panahon ng panunungkulan ni Pangulong Diosdado Macapagal nagpatuloy sa pagtaas ang halaga ng bilihin, ngunit naisagawa niyang kahit paano'y mapanatili ang mababang halaga ng bigas at mais. Gayunpama'y ang pagpupuslit ng mga kalakal na ipinagbabayad sa adwana'y laganap pa rin tulad ng dati. Si Macapagal sa kanyang sarili'y isang taong matapat, ngunit ipinapalagy ng mga taong siya'y mahina at hindi nababagay sa kanyang tungkulin, o kaya'y kinukunsinti niya ang katiwalian at kasamaang ginagawa ng mga taong malapit sa kanya o may lakas sa kanyang tanggapan.

Tangi sa pampalagiang suliranin na pangkabuhayan at pampamahalaan ang lumigalig sa kanyang pangasiwaan.

Pamumuno ni Ferdinand Marcos (1965–1986)

Ferdinand Marcos, Pangulo ng Pilipinas mula 1965 hanggang 1986.

Ang isa pang subyang sa panig ni Macapagal ay ang Pangulo ng Senado na si Ferdinand Marcos, isang kapwa Liberal. Sinasabing upang matamo ang pagtulong ni Marcos sa halalan noong 1961, lihim na nakipagkasundo si Macapagal kay Marcos na hindi siya tatakbong muli para sa reeleksiyon sa halalan ng taong 1965. Ngunit habang lumalapit ang halalan ng taong 1965, napatunayang masugit si Macapagal sa pagkandidato.

Sa pagkabigo ng pag-asa ni Marcos sa pagiging kandidato ng Partido Liberal sa pagkapangulo, at sa dahilang naanyayahang sumama sa Partido Nacionalista at samantalahin ang pagkakataon sa Kumbensiyon ng mga Nacionalista'y iniwan niya ang Partido Liberal at sumapi sa Nacionalista. Nagwagi si Marcos sa Kumbensiyon at naging opisyal na kandidato sa pagka-Pangulo.

Sa una niyang termino, naglunsad si Marcos ng iba't ibang mga proyekto at nagtaas ng koleksiyon ng buwis na nakatulong sa pag-unlad ng bansa noong dekada '70. Dahil rin sa pag-utang niya at sa tulong pang-ekonomiya na nanggaling sa Estados Unidos, mas maraming mga daan ang naitayo ng kanyang administrasyon kaysa sa lahat ng daan na naitayo ng mga nakalipas na pangulo at mas maraming mga paaralan kaysa sa nakalipas na administrasyon.[71] Nahalal muli si Marcos bilang pangulo noong 1969, na naging unang pangulo ng malayang Pilipinas na natamo ang ikalawang termino.

Hinarangan ng mga kalaban ni Marcos ang kinailangang lehislasyon para maisakatuparan ang kanyang mga plano. Dahil dito, nawala ang positibong damdamin sa kanyang ikalawang termino at bumagal ang pag-unlad ng kabuhayan.[72] Dumami ang krimen at pagsuway ng mga sibilyan sa batas. Binuo ng Partido Komunista ng Pilipinas ang Bagong Hukbong Bayan. Nagpatuloy ang pakikipaglaban ng Moro Islamic Liberation Front para sa kalayaan ng Mindanao. Ang isang pagsabog sa pagtitipon ng Partido Liberal kung saan idineklara ang kanilang kandidato para sa Senado noong ika-21 ng Agosto 1971 ang nagdulot ng pagsuspinde ni Marcos sa writ of habeas corpus, na ibinalik niya noong ika-11 ng Enero 1972 matapos ang mga protesta ng publiko.

Batas Militar

Tingnan din: Estratehiya ng tensiyon.
23 Setyembre 1972 - Ipinahahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos ang Batas Militar sa isang pabalita sa himpapawid.

Dahil sa kawalan ng respeto sa batas at ang banta ng rebelyon ng mga Komunista, idineklara ni Marcos ang batas militar noong ika-21 ng Setyembre 1972 sa bisa ng Proklamasyon Blg. 1081. Tinanggal ni Marcos ang kalayaan ng pamamahayag at iba pang karapatan ng mga mamamayan, ipinasara ang Kongreso at ang mga kompanya ng pamamahayag, at iniutos ang pag-aresto sa mga pinuno ng oposisyon at mga aktibidad ng mga militante, kasama na ang kanyang pinakamalaking mga kritiko, si Senador Benigno Aquino, Jr., Senador Jovito Salonga at Senador Jose Diokno.[73] Ang deklarasyon ng batas militar ay tinanggap ng karamihan, dahil sa problemang panlipunang dinaranas ng Pilipinas.[74] Malaki ang binaba ng bilang ng krimen matapos isakatuparan ang curfew.[75] Maraming mga kalaban sa pulitika ang napilitang umalis ng bansa.

Isang konstitusyonal na kumbensiyon, na itinatag noong 1970 upang palitan ang Saligang-Batas ng 1935, ay nagpatuloy sa pagbuo ng bagong saligang-batas matapos ang deklarasyon ng batas militar. Nagkaroon ng bisa ang bagong konstitusyon noong 1973, na binago ang istilo ng pamahalaan mula sa pampanguluhan na naging parlamentaryo at nagpahintulot kay Marcos na manatili siya sa kapangyarihan matapos ang 1973.

Ayon kay Marcos, ang batas militar ang simula nang pagbubuo ng Bagong Lipunan na ibinase sa mga kahalagahang panlipunan at pampolitika.[76] Lumakas ang ekonomiya noong dekada 1970s, na nagkaroon ng sobrang salapi para sa budyet at pangangalakal. Tumaas ang Kabuuang Pambansang Produkto mula sa 55 bilyong piso noong 1972 na naging 193 bilyong piso noong 1980. Lumaki ang kita ng pamahalaan sa turismo. Ngunit nakilahok si Marcos, ang kanyang mga kroni at ang kanyang maybahay, si Imelda Romualdez-Marcos sa paggawa ng kurapsiyon.[77]

Ikaapat na Republika

Upang palubagin ang Simbahang Katolika bago ang pagbisita ng Santo Papa, si Papa Juan Pablo II,[78] opisyal na ipinatigil ni Marcos ang batas militar noong 17 Enero 1981. Ngunit, pinanatili niya ang kapangyarihan ng pamahalaan sa paghuli at pagkulong. Ang kurapsiyon at ang kaguluhan sa lipunan ang naging sanhi ng pagbagal ng pag-unlad ng ekonomiya sa ilalim ni Marcos, na humina ang kalusugan dahil sa lupus.

Binoykot ng oposisyon ng halalan noong 1981, kung saan lumaban si Marcos at ang retiradong heneral na si Alejo Santos.[73] Nanalo si Marcos ng 16 milyong boto, na pinahintulutan siyang manungkulan ng anim na taon. Nahalal ang Kalihim ng Pananalapi, si Cesar Virata bilang Punong Ministro ng Batasang Pambansa.

Noong 1983, napatay ang pinuno ng oposisyon, si Benigno Aquino, Jr. sa Pandaigdigang Paliparan ng Maynila sa kanyang pagbalik sa Pilipinas matapos ang mahabang panahon ng pananatili sa ibang bansa. Nagdulot ito ng pagtutol sa pamumuno ni Marcos at ang serye ng mga pangyayari, kasama ang pag-aalala ng Estados Unidos, na nagsanhi ng halalan noong Pebrero 1986.[79] Nagkaisa ang oposisyon sa biyuda ni Aquino, si Corazon Aquino.

Idineklara ng Komisyon ng Eleksiyon (COMELEC), ang opisyal na tagabilang ng resulta ng halalan, ang pagkapanalo ni Marcos. Ngunit malaki ang pagkakaiba nito sa bilang ng Namfrel, isang pinagkakatiwalaang tagabantay ng halalan. Tinutulan ni Corazon Aquino at ng kanyang mga tagasuporta ang maling resulta ng halalan. Hindi rin kinilala ng mga dayuhang tagamasid, kasama ang delegasyon ng Estados Unidos, ang opisyal na resulta.[79] Binawi ni Hen. Fidel Ramos at Kalihim ng Tanggulang Pambansa, si Juan Ponce Enrile, ang suporta nila kay Marcos. Napatalsik si Marcos sa isang mapayapang demonstrasyon, tinatawag na Rebolusyon sa EDSA ng 1986 at ang paghalili ni Corazon Aquino bilang pangulo noong ika-25 ng Pebrero 1986.

Ikalimang Republika (1986-Kasalukuyan)

Pamamahala ni Corazon Aquino (1986–1992)

Corazon Cojuangco-Aquino, Pangulo ng Pilipinas mula 1986 hanggang 1992.

Bumuo kaagad si Corazon Aquino ng isang rebolusyonaryong pamahalaan para maging normal ang sitwasyon, na naging batayan ang transisyonal na Freedom Constitution.[80] Isang bagong saligang-batas ang ipinagtibay noong Pebrero 1987.[81] Ipinagbawal ng konstitusyong ito ang pagdedeklara ng batas militar, pagtatatag ng mga nagsasariling rehiyon sa Cordillera at sa Timog Mindanao at ang pagbabalik ng istilong pampanguluhan ng pamahalaan at ang Kongresong may dalawang kapulungan.[82] Umunlad ang bansa sa pamamagitan ng pagtatatag muli ng mga demokratikong institusyon at respeto sa mga mamamayan, ngunit naging mahina ang pagbangon ng bansa sa administrasyong Aquino dahil sa mga kudeta ng mga di-apektadong mga kasapi ng militar.[83] Ang paglakas ng ekonomiya ay hinadlangan ng serye ng mga kalamidad, kasama na ang pagsabog ng Bulkang Pinatubo noong 1991 na nagdulot ng pagkamatay ng 700 katao at ang pagkawala ng mga tirahan ng 200,000 na katao.[84]

Noong 1991, ibinasura ng Senado ang kasunduang nagpapahintulot sa pananatili ng mga base militar ng Estados Unidos sa loob ng sampung taon. Isinauli ng mga Amerikano sa pamahalaan ang Clark Air Base sa Pampanga noong Nobyembre ng taong iyon, at ang Subic Bay Naval Base sa Zambales noong Disyembre 1992, na nagtapos sa halos isang siglo ng pamamalagi ng militar ng Estados Unidos sa Pilipinas.

Namatay si Corazon Aquino noong ika-1 ng Agosto 2009 sa Makati medical center sa Lungsod ng Makati sa kadahilanang Colon Cancer.

Pamamahala ni Fidel V. Ramos (1992–1998)

Fidel Ramos, Pangulo ng Pilipinas mula 1992 hanggang 1998.

Noong 1992, nagwagi sa halalan ang Kalihim ng Tanggulang Pambansa, si Fidel Ramos, na inendorso ni Pangulong Aquino, na may 23.6% lamang ng kabuuang boto sa pagitan ng pitong kandidato. Sa mga unang taon ng kanyang termino, idineklara niya na mataas niyang prayoridad ang nasyonal na rekonsilyasyon at gumawa siya ng koalisyon upang makabangon sa mga hidwaan ng administrasyong Aquino.[82] Ginawa niyang legal ang Partidong Komunista at nakipag-negosasyon sa mga ito, sa mga rebeldeng Muslim at mga rebeldeng militar upang kumbinsihin sila na itigil ang kanilang mga kampanya laban sa pamahalaan. Noong Hunyo 1994, nilagdaan niya ang amnestiyang nagpapatawad sa mga rebeldeng pangkat, at mga Pilipinong militar at mga pulis na kinasuhan ng krimen habang nakikipaglaban sa mga rebelde. Noong Oktubre 1995, nilagdaan ng pamahalaan ang kasunduang nagtatapos sa kaguluhang rebelde. Isang kasunduang pang-kapayapaan ang nilagdaan ng pamahalaan at ng Moro National Liberation Front (MNLF), isang pangkat ng mga rebeldeng naghahangad na maging malayang bansa ang Mindanao, noong 1996, na nagtapos sa pakikipaglaban na nagtagal ng 24 taon. Ngunit ipinagpatuloy ng humiwalay na pangkat ng MNLF, ang Moro Islamic Liberation Front ang pakikipaglaban. Maraming mga malalaking protesta ang kumontra sa pagsisikap ng mga taong sumuporta kay Ramos na susugan ang batas upang magkaroon siya ng pagkakataong tumakbo muli para sa ikalawang termino, na naging sanhi ng hindi pagtakbo muli ni Ramos sa halalan.[85]

Pamamahala ni Joseph Estrada (1998–2001)

Joseph Estrada, Pangulo ng Pilipinas mula 1998 hanggang 2001.

Nanalo si Joseph Estrada, isang dating aktor at naging bise pangulong ni Ramos, sa halalan ng pagka-Pangulo noong 1998. Ipinangako niya sa kanyang kampanya ang pagtulong sa mga mahihirap at paunlarin ang sektor ng agrikultura sa bansa. Naging popular siya sa mga mahihirap.[86] Noong panahon ng krisis na pinansiyal sa Asya na nagsimula noong 1997, ang pamamahala ni Estrada ay nagdulot ng mas malalang kahirapan sa ekonomiya. Maraming Pilipino ang nawalan ng trabaho, lumaki ang kakulangan sa badyet at bumaba ang halaga ng piso. Ngunit nakabangon ang kabuhayan ng bansa ngunit mas mabagal ito kumpara sa mga kalapit-bansa nito.

Sa loob ng isang taon ng kanyang eleksiyon, nawala ang popularidad ni Estrada dahil sa mga akusasyon ng kronyismo at kurapsiyon, at ang pagkabigo na masolusyonan ang mga suliranin sa kahirapan.[77] Noong Oktubre 2000, inakusahan si Estrada na tumatanggap siya ng pera mula sa sugal. Siya ay isinakdal ng Mababang Kapulungan, ngunit ang kanyang paglilitis sa Senado ay hindi natuloy nang iboto ng senado na huwag eksaminahin ang tala sa bangko ng pangulo. Bilang sagot, nagkaroon ng mga demonstrasyon na naghingi sa pag-alis ni Estrada. Dahil sa mga rally, ang resignasyon ng mga kalihim at ang pagkawala ng suporta ng sandatahang lakas, umalis si Estrada sa opisina noong ika-20 ng Enero 2001.

Pamamahala ni Gloria Macapagal-Arroyo (2001–2010)

Gloria Macapagal-Arroyo, Pangulo ng Pilipinas mula 2001 hanggang 2010.

Humalili si Bise Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo (ang anak ni Pangulong Diosdado Macapagal) sa posisyon ng Pangulo sa araw ng kanyang paglisan. Tinatayang hindi lehitimo ang pag-upo ni Ginang Arroyo sa pwesto dahil hindi pa tapos ang paghahatol sa kaso ng nakaraang pangulong Estrada. Naging mas lehitimo ang kanyang pag-upo sa halalan pagkalipas ng apat na buwan, kung saan nanalo ang kanyang koalisyon sa karamihan ng mga posisyon.[77] Ang unang termino ni Arroyo ay nagkaroon ng hating politika ng mga koalisyon at isang kudeta sa Maynila noong Hulyo 2003 na naging sanhi ng pag-deklara niya ng isang buwang pambansang state of rebellion.[77]

Sinabi ni Arroyo noong Disyembre 2002 na hindi siya tatakbo sa halalan noong 2004 ngunit binago niya ang kanyang desisyon noong Oktubre 2003 at nagdesisyong sumali sa halalan.[77] Siya ay muling nahalal at isinalin sa puwesto para sa kanyang anim na taong termino noong ika-30 ng Hunyo 2004. Noong 2005, isang tape na naglalaman ng isang usapan ay lumabas na naglalaman ng usapan ni Arroyo at isang opisyal ng halalan kung saan inutusan ni Arroyo ang opisyal na itaas ang bilang ng kanyang mga boto upang manatili siya sa puwesto.[87] Nagdulot ito ng mga protesta na humihingi sa pagbaba ni Arroyo sa puwesto. Inamin niya na kinausap niya ang isang opisyal ng halalan, ngunit tinatwa niya ang mga alegayon ng pandaraya at hindi siya bumaba sa puwesto.[87] Hindi nagtagumpay ang mga planong pagpapatalsik sa pangulo noong taong iyon.

Pamamahala ni Benigno Simeon C. Aquino III (2010-2016)

Benigno Aquino III, Pangulo ng Pilipinas mula 2010 hanggang 2016.

Taong 2009 nang hikayatin si Benigno Simeon Cojuangco Aquino III na kumandidato bilang pangulo ng Pilipinas. Dahil dito, nabuo ang Noynoy Aquino for President Movement (NAPM) upang mangalap ng isang milyong lagda sa buong Pilipinas para sa kanyang kandidatura. Pinagbigyan ni Aquino ang kahilingan ng maraming Pilipino. Siya ay tumakbo at nahalal na pangulo ng Pilipinas noong 2010.

Kung walang corrupt, walang mahirap. Ito ang isa sa mga islogan na gimanit ni Pangulong Aquino sa kanyang kampanya noong siya ay kumakandidato pa lamang. Sa kanyang inagurasyon noong ika-30 ng Hunyo 2010 nabanggit niya na ito pa rin ang prinsipyo na magiging batayan ng kanyang administrasyon. Batay sa kanyang talumpati, ang ilan sa mga hakbang na kanyang gawain upang maiangat ang bansa sa kahirapan ay ang mga sumusunod:

  • Pagkakaroon ng tuwid at tapat na hanay ng mga pinuno
  • Pagpapatayo ng mga imprastraktura para sa transportasyon
  • Pagbibigay ng trabaho sa mga lokal na komunidad
  • Pagpapalakas ng koleksiyon ng buwis at pagsugpo sa korapsyon sa Kawanihan ng Rentas Internas o Bureau of Internal Revenue at Bureau of Customs

Pamamahala ni Rodrigo Duterte (2016–2022)

Rodrigo Duterte naghahatid ng kanyang unang State of the Nation Address.

Si Rodrigo Duterte nakikilala sa kanyang giyera kontra sa ilegal na droga at sa krimemalidad.[88][89][90] Sa tiempo na siya'y namumuno, siya'y saksi sa pagpanalo ng Pilipinas laban sa China sa kaso ng Karagatang Kanlurang Pilipinas[91] Si Duterte din ang responsable sa pag lagay ng bangkay ni Ferdinand Marcos sa mga libingan ng mga bayani. Noong Mayo 23 2017, nangyari ang Krisis sa Marawi sa ilalim ng administrasyon ni Duterte. Ang krisis iniresolba sa pamamagitan ng 60 na araw na martial law samantalang binomba ang lungsod ng Marawi para pulbusin ang mga ISIS na terrorista. Nag popokus din si Duterte sa Inprastruktura sa kanyang "Build Build Build" na initiatibo, isang programa na ipalawak ang pag dedevelop ng Pilipinas.[92] Pinataas din ni Duterte ang mga sweldo ng mga personel sa gobyerno and pintatag niya ang libreng tuition para sa estudyante sa Kolehiyo. Siya din ang umuna ng mandatoryong pag reregister ng mga Cellphone Sim Card para makaiwas ang mga scam at panloloko. Siya din, kasama ng kamara ang gumawa ng Bangsamoro Organic Law na pa-reporma na ARMM (Autonomous Region of Muslim Mindanao).

Pamamahala ni Bongbong Marcos (2022–Ngayon)

Noong annyong 2022, nanalo si Ferdinand Marcos Jr, oh si Bongbong Marcos, sa eleksyon, kasama iya sa pagnanalo ang babaeng anak ni Presidenteng Rodrigo Duterte, na si Sarah Duterte na tumakbo bilang Bise-Presidente.[93]

Mga sanggunian

  1. Ingicco, T.; van den Bergh, G.D.; Jago-on, C.; Bahain, J.-J.; Chacón, M.G.; Amano, N.; Forestier, H.; King, C.; Manalo, K.; Nomade, S.; Pereira, A.; Reyes, M.C.; Sémah, A.-M.; Shao, Q.; Voinchet, P.; Falguères, C.; Albers, P.C.H.; Lising, M.; Lyras, G.; Yurnaldi, D.; Rochette, P.; Bautista, A.; de Vos, J. (Mayo 1, 2018). "Earliest known hominin activity in the Philippines by 709 thousand years ago". Nature (sa wikang Ingles). 557 (7704): 233–237. Bibcode:2018Natur.557..233I. doi:10.1038/s41586-018-0072-8. ISSN 0028-0836. PMID 29720661. S2CID 13742336. Inarkibo mula sa orihinal noong Marso 1, 2021. Nakuha noong Oktubre 31, 2022.
  2. Mijares, Armand Salvador; Détroit, Florent; Piper, Philip; Grün, Rainer; Bellwood, Peter; Aubert, Maxime; Champion, Guillaume; Cuevas, Nida; De Leon, Alexandra; Dizon, Eusebio (July 2010). "New evidence for a 67,000-year-old human presence at Callao Cave, Luzon, Philippines". Journal of Human Evolution (sa wikang Ingles). 59 (1): 123–132. doi:10.1016/j.jhevol.2010.04.008. PMID 20569967.
  3. Détroit, Florent; Dizon, Eusebio; Falguères, Christophe; Hameau, Sébastien; Ronquillo, Wilfredo; Sémah, François (Disyembre 2004). "Upper Pleistocene Homo sapiens from the Tabon cave (Palawan, The Philippines): description and dating of new discoveries". Comptes Rendus Palevol (sa wikang Ingles). 3 (8): 705–712. doi:10.1016/j.crpv.2004.06.004.
  4. Reid, Lawrence A. (2007). "Historical linguistics and Philippine hunter-gatherers". Sa L. Billings; N. Goudswaard (mga pat.). Piakandatu ami Dr. Howard P. McKaughan (sa wikang Ingles). Manila: Linguistic Society of the Philippines and SIL Philippines. pp. 6–32. The Negrito groups are considered to be the earliest inhabitants of the Philippines... genetic evidence (the occurrence of unique alleles) suggests that the Negrito groups in Mindanao may have been separated from those in Luzon for twenty to thirty thousand years (p.10).
  5. Bellwood, Peter; Fox, James J.; Tryon, Darrell, mga pat. (2006). The Austronesians: Historical and Comparative Perspectives. Comparative Austronesian Series. ANU Press. pp. 37–38. ISBN 978-1-920942-85-4. JSTOR j.ctt2jbjx1.
  6. Postma, Antoon (Abril–Hunyo 1992). "The Laguna Copper-Plate Inscription: Text and Commentary". Philippine Studies (sa wikang Ingles). 40 (2). Ateneo de Manila University: 182–203. JSTOR 42633308.
  7. Larena, Maximilian; Sanchez-Quinto, Federico; Sjödin, Per; McKenna, James; Ebeo, Carlo; Reyes, Rebecca; Casel, Ophelia; Huang, Jin-Yuan; Hagada, Kim Pullupul; Guilay, Dennis; Reyes, Jennelyn (2021-03-30). "Multiple migrations to the Philippines during the last 50,000 years". Proceedings of the National Academy of Sciences of the United States of America. 118 (13): e2026132118. Bibcode:2021PNAS..11826132L. doi:10.1073/pnas.2026132118. ISSN 0027-8424. PMC 8020671. PMID 33753512.
  8. 8.0 8.1 8.2 8.3 8.4 8.5 "Philippines - Early History". U.S. Library of Congress. Nakuha noong 2006-08-22.
  9. Scott, William Henry (1994). Barangay: Sixteenth-century Philippine Culture and Society. Quezon City, Philippines: Ateneo de Manila University Press. ISBN 978-971-550-135-4.
  10. 10.0 10.1 10.2 Junker, Laura Lee (1999). Raiding, Trading, and Feasting: The Political Economy of Philippine Chiefdoms. Honolulu, Hawaii: University of Hawaiʻi Press. ISBN 978-0-8248-2035-0.
  11. Ramirez-Faria, Carlos (2007). "Philippines". Concise Encyclopedia of World History. New Delhi, India: Atlantic Publishers & Distributors. p. 560. ISBN 978-8126907755.
  12. Evangelista, Alfredo E. (1965). "Identifying Some Intrusive Archaeological Materials Found in Philippine Proto-historic Sites" (PDF). Asian Studies: Journal of Critical Perspectives on Asia. 3 (1). Asian Center, University of the Philippines: 87–88. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong April 29, 2023. Nakuha noong April 29, 2023.
  13. Agoncillo, Teodoro C. (1990) [1960]. History of the Filipino People (ika-8th (na) edisyon). Quezon City: Garotech Publishing. pp. 22. ISBN 971-8711-06–6.
  14. Ring, Trudy; Salkin, Robert M. & La Boda, Sharon (1996). International Dictionary of Historic Places: Asia and Oceania. Chicago, Ill.: Taylor & Francis. pp. 565–569. ISBN 978-1-884964-04-6.
  15. Quezon, Manuel L. III; Goitia, Pocholo, mga pat. (2016). Historical Atlas of the Republic. Manila, Philippines: Presidential Communications Development and Strategic Planning Office. p. 64. ISBN 978-971-95551-6-2.
  16. Reading Song-Ming Records on the Pre-colonial History of the Philippines By Kansai University
  17. Wernstedt, Frederick L.; Spencer, Joseph Earle (January 1967). The Philippine Island World: A Physical, Cultural, and Regional Geography. Berkeley, Calif.: University of California Press. ISBN 978-0-520-03513-3.
  18. Arcilla, José S. (1998). An Introduction to Philippine History (ika-Fourth enlarged (na) edisyon). Quezon City, Philippines: Ateneo de Manila University Press. p. 15. ISBN 978-971-550-261-0.
  19. Decasa, George C. (1999). The Qur'anic Concept of Umma and Its Function in Philippine Muslim Society. Interreligious and Intercultural Investigations (sa wikang Ingles). Bol. 1. Rome, Italy: Pontificia Università Gregoriana. p. 328. ISBN 978-88-7652-812-5.
  20. 20.0 20.1 Newson, Linda A. (April 16, 2009). Conquest and Pestilence in the Early Spanish Philippines. Honolulu, Hawaii: University of Hawaiʻi Press. ISBN 978-0-8248-6197-1.
  21. Legarda, Benito Jr. (2001). "Cultural Landmarks and their Interactions with Economic Factors in the Second Millennium in the Philippines". Kinaadman (Wisdom): A Journal of the Southern Philippines. 23. Xavier University – Ateneo de Cagayan: 40.
  22. Carley, Michael; Jenkins, Paul; Smith, Harry, mga pat. (2013) [2001]. "Chapter 7". Urban Development and Civil Society: The Role of Communities in Sustainable Cities. Sterling, Va.: Routledge. p. 108. ISBN 978-1-134-20050-4.
  23. Tan, Samuel K. (2008). A History of the Philippines. Quezon City, Philippines: University of the Philippines Press. p. 37. ISBN 978-971-542-568-1.
  24. Bankoff, Greg (January 1, 2007). "Storms of history: Water, hazard and society in the Philippines: 1565-1930". Sa Boomgaard, Peter (pat.). A World of Water: Rain, Rivers and Seas in Southeast Asian Histories. Verhandelingen van het Koninklijk Instituut voor Taal-, Land- en Volkenkunde. Bol. 240. Leiden, Netherlands: KITLV Press. pp. 153–184. ISBN 978-90-04-25401-5. JSTOR 10.1163/j.ctt1w76vd0.9.
  25. Reyeg, Fernardo; Marsh, Ned (December 2011). "2" (PDF). The Filipino Way of War: Irregular Warfare Through The Centuries (Post Graduate). Naval Postgraduate School Monterey, California. p. 21. hdl:10945/10681. Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong April 15, 2021. Nakuha noong February 15, 2021.
  26. Pires, Tome, A suma oriental de Tome Pires e o livro de Francisco Rodriguez: Leitura e notas de Armando Cortesão [1512 – 1515], translated and edited by Armando Cortesão, Cambridge: Hakluyt Society, 1944.
  27. "The Mediterranean Connection by William Henry Scott Page 138 (Published By: Ateneo de Manila University) Taken from "Translated in Teixera, The Portuguese Missions, p. 166."
  28. 28.0 28.1 Lacsamana, Leodivico Cruz (1990). Philippines History and Government, Second Edition. Phoenix Publishing House, Inc. p. 47.
  29. 29.0 29.1 29.2 29.3 29.4 29.5 "Philippine History". DLSU-Manila. Inarkibo mula sa orihinal noong 2006-08-22. Nakuha noong 2006-08-21.
  30. 30.0 30.1 30.2 30.3 30.4 30.5 30.6 30.7 "Philippines - The Early Spanish Period". U.S. Library of Congress. Nakuha noong 2006-08-22.
  31. "Philippines History". Encyclopedia of Nations. Nakuha noong 2006-08-23.
  32. 32.0 32.1 "SECOND BOOK OF THE SECOND PART OF THE CONQUESTS OF THE FILIPINAS ISLANDS, AND CHRONICLE OF THE RELIGIOUS OF OUR FATHER, ST. AUGUSTINE" (Zamboanga City History) "He (Governor Don Sebastían Hurtado de Corcuera) brought a great reënforcements of soldiers, many of them from Perú, as he made his voyage to Acapulco from that kingdom."
  33. Pearson, M. N. (1969). "The Spanish 'Impact' on the Philippines, 1565-1770". Journal of the Economic and Social History of the Orient. 12 (2). Brill: 165–186. doi:10.2307/3596057. ISSN 0022-4995. JSTOR 3596057. Inarkibo mula sa orihinal noong May 7, 2021. Nakuha noong July 22, 2021.
  34. The Unlucky Country: The Republic of the Philippines in the 21st Century By Duncan Alexander McKenzie (page xii)
  35. Demography Philippine Yearbook 2011 Naka-arkibo October 24, 2021, sa Wayback Machine. Page 3
  36. Bao Jiemin (2005). "Chinese in Thailand". Sa Carol R. Ember; Melvin Ember; Ian A. Skoggard (mga pat.). Encyclopedia of Diasporas: Immigrant and Refugee Cultures around the World, Volume 1. Springer. pp. 759–785.:751
  37. Stephanie Mawson, 'Between Loyalty and Disobedience: The Limits of Spanish Domination in the Seventeenth Century Pacific' (Univ. of Sydney M.Phil. thesis, 2014), appendix 3.
  38. Mawson, Stephanie J. (August 2016). "Convicts or Conquistadores? Spanish Soldiers in the Seventeenth Century Pacific". Past & Present. 232 (1). Oxford Academic: 87–125.
  39. "Japanese Christian". Philippines: Google map of Paco district of Manila, Philippines. Inarkibo mula sa orihinal noong May 7, 2010. {cite journal}: Cite journal requires |journal= (tulong)
  40. "Spanish Settlers in the Philippines (1571–1599) By Antonio Garcia-Abasalo" (PDF). Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong January 17, 2021. Nakuha noong November 23, 2020.
  41. 41.0 41.1 Peasants, Servants, and Sojourners: Itinerant Asians in Colonial New Spain, 1571-1720 By Furlong, Matthew J. Naka-arkibo April 29, 2022, sa Wayback Machine. "Slaves purchased by the indigenous elites, Spanish and Hokkiens of the colony seemed drawn most often from South Asia, particularly Bengal and South India, and less so, from other sources, such as East Africa, Brunei, Makassar, and Java..." Chapter 2 "Rural Ethnic Diversity" Page 164 (Translated from: "Inmaculada Alva Rodríguez, Vida municipal en Manila (siglos xvi-xvii) (Córdoba: Universidad de Córdoba, 1997), 31, 35-36."
  42. Relacion de las Encomiendas existentes en Filipinas el dia 31 de Mayo de 1591. in Retana: Archivo del Bibliofilo Filipino, iv, pp. 39-112.
  43. Casa de los Genoveses- Sitio Arqueológico de Panamá Viejo Naka-arkibo 2012-02-05 sa Wayback Machine.
  44. "Philippines - The Decline of Spanish Rule". U.S. Library of Congress. Nakuha noong 2006-08-22.
  45. Lozano, Gerardo (6 October 2021). "A Filipino figured in Mexico's 200th year of independence". BusinessMirror. Nakuha noong 7 October 2021.
  46. "Filipinos in Nueva España: Filipino-Mexican Relations, Mestizaje, and Identity in Colonial and Contemporary Mexico. (Page 414; Citation 56: "According to Ricardo Pinzon, these two Filipino soldiers—Francisco Mongoy and Isidoro Montes de Oca—were so distinguished in battle that they are regarded as folk heroes in Mexico. General Vicente Guerrero later became the first president of Mexico of African ancestry. See Floro L. Mercene, "Central America: Filipinos in Mexican History," (Ezilon Infobase, January 28, 2005")". April 2005. Nakuha noong April 23, 2020.
  47. Hinton, Matthew (2019-10-23). "From Manila to the Marigny: How Philippine pioneers left a mark at the 'end of world' in New Orleans". Very Local New Orleans.
  48. "Filipino American History Month Resolution". FANHS National (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2020-05-23.
  49. Delgado de Cantú, Gloria M. (2006). Historia de México. México, D. F.: Pearson Educación.
  50. ""Filipinos In Mexico's History 4 (The Mexican Connection – The Cultural Cargo Of The Manila-Acapulco Galleons) By Carlos Quirino". Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-08-04. Nakuha noong 2021-11-24.
  51. 51.0 51.1 Lacsamana, Philippine History and Government, p. 126
  52. "Philippines - The Malolos Constitution and the Treaty of Paris". U.S. Library of Congress. Nakuha noong 2006-08-22.
  53. Lacsamana, Philippine History and Government, p. 135
  54. 54.0 54.1 54.2 "Philippines - Spanish American War". U.S. Library of Congress. Nakuha noong 2006-08-22.
  55. 55.0 55.1 55.2 55.3 55.4 55.5 "Philippines - War of Resistance". U.S. Library of Congress. Nakuha noong 2006-08-22.
  56. Agoncillo, History of the Filipino People, p. 247–260, 294–297
  57. "Philippines - United States Rule". U.S. Library of Congress. Nakuha noong 2006-08-22.
  58. "Philippines - A Collaborative Philippine Leadership". U.S. Library of Congress. Nakuha noong 2006-08-22.
  59. Agoncillo, History of the Filipino People, p. 345–346
  60. 60.0 60.1 "Philippines - Commonwealth Politics". U.S. Library of Congress. Nakuha noong 2006-08-23.
  61. Agoncillo, History of the Filipino People, p. 390
  62. Agoncillo, History of the Filipino People, p. 392
  63. Lacsamana, Philippine History and Government, p. 168
  64. Agoncillo, History of the Filipino People, p. 415
  65. 65.0 65.1 65.2 65.3 "Philippines - World War II". U.S. Library of Congress. Nakuha noong 2006-08-22.
  66. "Philippines - Economic Relations with the United States". U.S. Library of Congress. Nakuha noong 2006-08-22.
  67. "Balitang Beterano: Facts about Philippine Independence". Philippine Headline News Online. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-06-09. Nakuha noong 2006-08-21.
  68. 68.0 68.1 68.2 "Philippines - The Magsaysay, Garcia, and Macapagal Administrations". U.S. Library of Congress. Nakuha noong 2006-08-22.
  69. "Carlos Garcia: Unheralded nationalist". Philippine News Online. Inarkibo mula sa orihinal noong 2006-10-26. Nakuha noong 2006-08-21.
  70. Lacsamana, Philippine History and Government, p. 184
  71. Lacsamana, Philippine History and Government, p. 187
  72. "Philippines - Marcos and the Road to Martial Law". U.S. Library of Congress. Nakuha noong 2006-08-24.
  73. 73.0 73.1 "Philippines - Proclamation 1081 and Martial Law". U.S. Library of Congress. Nakuha noong 2006-08-24.
  74. Lacsamana, Philippine History and Government, p. 189
  75. Agoncillo, History of the Filipino People, p. 576–577
  76. Agoncillo, History of the Filipino People, p. 574–575
  77. 77.0 77.1 77.2 77.3 77.4 "Country Profile: Philippines, Marso 2006" (PDF). U.S. Library of Congress. Nakuha noong 2006-08-22.
  78. "In many tongues, pope championed religious freedoms". St. Petersburg Times. Nakuha noong 2006-08-21.
  79. 79.0 79.1 "Philippines - From Aquino's Assassination to People Power". U.S. Library of Congress. Nakuha noong 2006-08-22.
  80. Agoncillo, History of the Filipino People, p. 585
  81. Agoncillo, History of the Filipino People, p. 586
  82. 82.0 82.1 "Background Notes: Philippines, Nobyembre 1996". U.S. Department of State. Nakuha noong 2006-08-16.
  83. "Then & Now: Corazon Aquino". CNN. Nakuha noong 2006-08-16.
  84. "Pinatubo - Eruption Features". National Geophysical Data Center. Nakuha noong 2006-08-23.
  85. "Showdown in Manila". Asiaweek. Inarkibo mula sa orihinal noong 2006-11-10. Nakuha noong 2006-08-16.
  86. "Profile:Joseph Estrada". BBC News. Nakuha noong 2006-08-16.
  87. 87.0 87.1 "Gloria Macapagal Arroyo Talkasia Transcript". CNN. Nakuha noong 2006-07-29.
  88. "Between Duterte and a death squad, a Philippine mayor fights drug-war violence". Reuters. March 16, 2017.
  89. "#RealNumbersPH". Philippine Information Agency. Inarkibo mula sa orihinal noong May 17, 2017. Nakuha noong May 22, 2017.
  90. "Cayetano: PH war on drugs exaggerated by fake news". ABS-CBN. May 5, 2017. Nakuha noong May 22, 2017.
  91. "Ang West Philippine Sea: Isang Sipat" [The West Philippine Sea: A Briefer] (PDF) (sa wikang Filipino). Kagawaran ng Ugnayang Panlabas. December 2014. p. 2. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 6 Marso 2022. Nakuha noong 18 Pebrero 2022. Nasa kanlurang bahagi ng Pilipinas ang Karagatang Kanlurang Pilipinas o West Philippine Sea (WPS).
  92. "Home". Build!. Inarkibo mula sa orihinal noong June 22, 2017. Nakuha noong June 28, 2017.
  93. "Ferdinand Marcos Jr wins landslide election victory in the Philippines". France 24 (sa wikang Ingles). May 9, 2022.