Katedral ng Todi

Kanlurang harapan

Ang Katedral ng Todi (Italyano: Duomo di Todi; Concattedrale della Santissima Annunziata) ay isang Katoliko Romanong katedral sa Todi, Umbria, Italya, na alay sa Pagpapahayag sa Birheng Maria. Dating luklukan ito ng mga obispo ng Todi, at mula noong 1986 ay naging konkatedral ng Diyosesis ng Orvieto-Todi .

Kasaysayan

Ang katedral ay nakatayo sa lugar ng isang gusaling Romano sa dating forong Romano, sa kasalukuyang Piazza del Popolo sa sentro ng lungsod ng Todi. Ang maagang kasaysayan nito ay malabo. Ang naunang simbahan dito, pinaniniwalaang naitayo noong mga taong 1000, ay halos ganap na nawasak ng apoy noong 1190. Ang muling itinayong katedral ay natapos noong ika-14 na siglo, ngunit ang estruktura ay inayos at binago nang maraming beses mula noon.

Bibliograpiya

  • Prandi, Adriano, 1980: Ombrie romane, pp. 269-283. Zodiaque, Abbaye Sainte-Marie de la Pierre-Qui-Vire, Saint-Léger-Vauban
  • Santini, Loretta, 1987: L'Ombrie, nouveau guide, p. 59. Éditions Plurigraf, Narni - Terni
  • Touring Club Italiano, 2004: L'Italia: Umbria . Touring Club Italiano-La Biblioteca di Repubblica