Klamidia
Ang klamidia[1][2] (Ingles: chlamydia) ay isang uri ng sakit na nakukuha sa pakikipagtalik na sanhi ng isang impeksiyong bakterya. Lumalabas ang sakit na ito mula pito hanggang dalawampu’t isang araw pagkatapos na mahawa. Tinatawag din itong sakit na tulo.[2]
Mga palatandaan
Madalas na walang palatandaang makikita sa taong nahawahan na ng klamidia, partikular na sa mga lalaki. Ayon sa estadistika, pito sa bawat sampung babaeng may klamidia ang hindi nililitawan ng mga palatandaan; subalit mas madalas na ang mga lalaki ang nagiging tagapagdala (carrier) na kalimitang hindi rin pinagkakakitaan ng anumang mga sintomas. Maaari ring magkaroon ng klamidia na kasama ang iba pang uri ng mga sakit na nakukuha sa pakikipagtalik. Kung may sintomas, nagkakaroon ng pagiihing mahapdi at may kadalasan kung ihahambing sa pangkaraniwan. Nagkakaroon din ng mabahong pangangamoy sa mga ari. Kapwa din nagkakalagnat ang lalaki at babae. Sa mga kababaihan, nagkakaroon ng malapot at walang kulay na likidong lumalabas mula sa kasangkapang pangkasarian, at nagiging abnormal ang pagsasapanahon.[2]
Kumplikasyon
Sa mga kababaihan, may pamamaga ang mga tisyu sa kapaligiran ng bahay-bata (Ingles: pelvic inflammatory disease, PID), pagdadalang-tao sa labas ng matris o ektopikong pagbubuntis (Ingles: ectopic pregnancy), pagdurugo pagkaraang makipagtalik, hindi normal na pagreregla, rayuma at pagkabaog.[2]
Sa mga kalalakihan, nagkakaroon ng namamagang bayag, pagkabaog, rayuma, pamamaga ng mga mata (Ingles: conjunctivitis, sore eyes), pamamaga at tulo sa lalamunan (Ingles: pharyngitis).[2]
Tingnan din
Mga sanggunian
- ↑ "Klamidia, chlamydia." Sexually Transmitted Diseases/Mga Sakit na Nakukuha sa Pakikipagtalik Naka-arkibo 2008-08-29 sa Wayback Machine., HealthInfo (PDF), Mount Carmel Health, Ohio State University Medical Center/OhioHealth, Columbus, Ohio, healthinfotranslations.org, healthinfotranslations.com (serbisyong pampubliko, walang restriksiyon sa kopirayt), Hulyo 2007 (Tagalog at Ingles), nakuha noong 8 Agosto 2008
- ↑ 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 “Klamidia, chlamydia” Naka-arkibo 2008-03-14 sa Wayback Machine., Sexually Transmitted Infection, "Ano ang STI?", Healthy Body STI/HIV-AIDS, NEWS, Foundation for Adolescent Development/PATH Foundation Philippines, Inc./Kabalikat ng Pamilyang Pilipino Foundation, Inc., Quiapo, Maynila, Teenfad.ph, 2000, (Tagalog), nakuha noong: 13 Marso 2008