Kriyobiyolohiya

Ang kriobiyolohiya o kriyobiyolohiya (Ingles: cryobiology) ay ang sangay ng biyolohiyang nag-aaral sa mga epekto ng malalamig o mabababang mga temperatura sa mga nabubuhay na mga bagay. Nagmula ang salitang kriobiyolohiya mula sa mga salitang Griyegong "cryo" = malamig, "bios" = buhay, at "logos" = agham. Nangangahulugan itong agham o siyensiya ng buhay na nasa mababang temperatura. Sa pagsasagawa, pag-aaral ng materyal o bagay na biyolohikal o mga sistemang nasa mga temperaturang nasa ibaba ng karaniwan o normal ang kriobiyolohiya. Kasama sa mga materyal o mga sistema pinag-aaralan ang mga protina, sihay, lamuymoy, mga organo, o buong organismo. Saklaw na mga temperatura ang mula hindi gaano o katamtamang hipotermikong mga katayuan hanggang sa mga kriyohenikong mga temperatura.

Tingnan din

  • Kriyoniks

Biyolohiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Biyolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.