Kuwebang Tabon
Ang mga Kuwebang Tabon o mga Yungib sa Tabon ay mga kumpol ng kuweba sa Palawan, Pilipinas. Kilala ang mga kwebang ito dahil sa pangibabaw na panakip ng bungo ng Taong Tabon na mayroon nang 22,000 taong gulang. Nadiskubre ito at ang kuweba ni Dr. Robert Fox at ng kanyang grupong nagmula pa sa Pambansang Museo ng Pilipinas. Sinasabing may kalahating milyong taong gulang na at pinamahayan sa loob ng 50,000 taong nakalipas.
Binubuo ng mga natuklasan nang mga kuweba ang kabuuan ng mga Kuwebang Tabon, subalit may dalawandaang mga kilalang kuweba sa Punto ng Lipuun. Pinangangalagaan at pinamamahalaan ang mga ito ng Pambansang Museo ng Pilipinas. Bukas sa publiko ang isa sa mga kuwebang ito. May mga tapayan sa loob nitong ginamit sa paglalagak ng mga buto ng mga tao na may kasamang mga hayop.
Mga sanggunian
- "Kuweba sa Tabon" (Tabon cave), "Tao sa Tabon", Ang Unang Tao, Elaput.org
- "Kuweba ng Tabon", Palamuti na yari sa Kabibe, Cultures of the Past, A Museum Handbook for Teachers, Arkeolohiya, Koleksiyong Arkeolohikal ng Pambansang Museo (National Museum Archaeological Collection), Pambansang Museo ng Pilipinas (National Museum of the Philippines), Philmuseum.ueuo.com
- "Kuweba ng Tabon, Palawan" Naka-arkibo 2008-09-17 sa Wayback Machine., Philippine History, Thinkquest.org (sa Ingles)
Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.