Lamad ng sihay

Ilustrasyon ng membrano ng isang selulang eukaryotiko.

Ang lamad ng sihay (Ingles: cell membrane o plasma membrane) ay isang lamad biolohikal na humihiwalay sa interior (loob) ng lahat ng selula mula sa panlabas na kapaligiran. Ang mga lamad ng sihay ay selektibong matatagos (permeable) sa mga iono at molekulang organiko at kumokontrol sa paggalaw ng mga substansiyang labas-masok sa mga selula. Ito ay pangunahing pumoprotekta sa selula mula sa mga panlabas na puwersa. Ito ay binubuo ng mga dalawang patong (bi-layer) na lipido na may nakakabit na mga protina. Ang mga lamad ng selula ay nasasangkot sa iba't ibang uri ng mga prosesong selular gaya ng adhesyon ng selula, konduktibidad ng iono at paghuhudyat ng selula at nagsisilbi rin itong ibabaw na kabitan ng ilang mga istrakturang panlabas ng selula gaya ng pader ng selula, glikokaliks at sitoskeleton.