Lambat na hinahagis

Ang Casting the Net (Paghahagis ng Lambat), na kuha ng potograpo na taga Iraq na si Murad al-Daghistani noong dekada 1930

Ang lambat na hinahagis (Ingles: casting net o throw net) ay isang lambat na ginagamit sa pangingisda. Isa itong pabilog na lambat na may maliliit na pabigat na nakalagay sa palibot ng gilid nito.

Ang lambat ay inihagis sa pamamagitan ng kamay na sa paraang ito, bumubuka ito habang nasa himpapawid bago ito lumubog sa tubig. Tinatawag ang pamamaraan na ito na paghahagis ng lambat (Ingles: net casting o net throwing). Nahuhuli ang mga isda habang hinahatak pabalik ang lambat. Partikular na epektibo ang simpleng kagamitan na ito para sa paghuli ng maliliit na pampain o isdang pangkain, at ginagamit ito, na may iba't ibang pagbabago, sa loob ng libu-libong taon.

Kasaysayan

Sa Sinaunang Roma, sa isang imitasyon ng pangingisda, isang uri ng gladyador na tinatawag na retiarius o "mandirigma ng lambat" ay armado ng isang tridente at isang lambat na hinahagis. Tradisyonal ang retiarius na nakikipaglaban sa isang secutor.[1]

Sa pagitan ng 177 at 180 ang may-akdang Griyego na si Opiyano ay sinulat ang Halieutica, isang tulang didaktiko sa pangingisda. Inilarawan niya ang iba't ibang paraan ng pangingisda kabilang ang paggamit ng mga lambat na hinahagis mula sa mga bangka.

Sa mitolohiyang Nordiko, ang higanteng babae sa dagat na si Rán ay naghulog ng lambat na hinahagis upang ibitag ang mga nawawalang mandaragat.[2]

Mayroong isang pagtukoy sa Bagong Tipan sa lambat na hinahagis. Sa Juan 21:6: "“Ihulog ninyo ang lambat sa gawing kanan ng bangka at makakahuli kayo,” sabi ni Jesus. Inihulog nga nila ang lambat at nang hilahin nila ito ay hindi nila makaya sa dami ng huli."[3][4]

Mga sanggunian

  1. Auguet, Roland [1970] (1994). Cruelty and Civilization: The Roman Games. London: Routledge. ISBN 0-415-10452-1.
  2. Davidson, Hilda (2002). Roles of the Northern Goddess. p. 179. ISBN 9781134778027.
  3. "Bible Gateway passage: Juan 21:6 - Magandang Balita Biblia". Bible Gateway (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-02-04.
  4. "John 21:6 He told them, "Cast the net on the right side of the boat, and you will find some." So they cast it there, and they were unable to haul it in because of the great number of fish". biblehub.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-07-26. Nakuha noong 2021-08-19.