Lego
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.
Ang Lego ay isang laruang brick na ginagawa ng The Lego Group. Ang pangalang Lego ay nanggagaling sa leg godt o maglaro ng mabuti.
Kasaysayan
Noong 1932, nagsimulang gumawa si Ole Kirk Christiansen (1891-1958), isang karpintero sa Billund, Denmark, ng mga laruang gawa sa kahoy para sa kanyang mga anak. Gumawa siya ng kumpanyang tinawag niyang Lego noong 1934.
Noong 1947, nagsimula siyang gumamit ng plastik. Noong 1949, nadiskubre ni Christiansen and kilalang-kilalang mga bricks ng Lego, na tinawag niyang Automatic Binding Bricks.
Nang mamatay si Christiansen, sumunod sa kanya ang kanyang pangatlong anak na si Godtfred Kirk Christiansen sa pamamahala sa The Lego Company. Noong 1969, unang iginawa ang Lego Duplo, ang Legong pambata.
Noong 1978, unang ipinalabas ang mga minifigures, ang mga tao ng Lego.
Mga Lider ng The Lego Group
- Ole Kirk Christiansen (1891-1958; namahala 1932-1958)
- Godtfred Kirk Christiansen (1919-1995; namahala 1958-1995)
- Kjeld Kirk Christiansen (1947-; namahala 1995-2004)
- Jørgen Vig Knudstorp (1968-; namamahala mula 2004)
Lego City
Ang Lego City ay ang pinakilalang kategorya ng Lego. Ang ipinalalabas sa ilalim nito ay mga building na makikita sa isang amerikanong or europeong lungsod.
Ang mga subkategorya ng Lego City ay:
- Fire
- Police
- Traffic
- Construction
- Transport
- Train
- Coast Guard
- Farm
- Forest
- Mining
- Great Vehicle