Lex Luthor
Lex Luthor | |
---|---|
Impormasyon ng paglalathala | |
Tagapaglathala | DC Comics |
Unang paglabas | Action Comics Blg. 23 (Abril 1940) |
Tagapaglikha | Jerry Siegel Joe Shuster |
Impormasyon sa loob ng kwento | |
Buong pangalan | Alexander Joseph Luthor |
Kasaping pangkat | Injustice League Injustice Gang Legion of Doom Justice League Secret Six Intergang Secret Society LexCorp Lexmark |
Kilalang alyas | Mockingbird, Kryptonite Man, Atom Man, Apex Lex |
Kakayahan |
|
Si Alexander Joseph Luthor ( /ˈluːθɔːr/ o /ˈluːθər/) ay isang kathang-isip na supervillain na lumalabas sa Amerikanong komiks na nilalathala ng DC Comics. Nilikha ang karakter nina Jerry Siegel at Joe Shuster. Orihinal na lumabas si Lex Luthor sa Action Comics Blg. 23 (pinetsahan ang pabalat: Abril 1940).1 Kilala siya bilang ang mortal na kaaway ni Superman.[1]
Orihinal na baliw na siyentipiko si Lex Luthor, ngunit simula noong huling bahagi ng dekada 1980, kadalasan siyang isinasalarawan bilang makapangyarihang-baliw na napakayamang negosyante, ang Punong Ehekutibong Opisyal ng LexCorp. Nais niyang mawala sa mundo si Superman, dahil para baga'y isang banta si Superman sa sangkatauhan, ngunit sa katotohanan naiinggit siya sa popularidad at impluwensiya ni Superman.[2] Bagaman dahil prominente siyang supervillain, madalas siyang nagkakaroon ng hidwaan kay Batman at ibang mga superhero sa DC Universe.[3] Isang ordinaryong tao lamang si Lex Luthor at walang likas na higit-sa-taong lakas subalit paminsan-minsan niyang sinusuot ang kanyang Warsuit, isang kasuotan ng demakinang baluti na nagbibigay sa kanya ng pinabuting lakas, paglipad, dekalibreng sandata, at iba pang kakayahan.[4]
Mga sanggunian
- ↑ "Lex Luthor". dccomics.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 6 Marso 2016.
- ↑ "Lex Luthor". dccomics.com. Nakuha noong 27 Hunyo 2015.
- ↑ Siegel, Jerry (w), Sikela, John (a), Ellsworth, Whitney (ed). "The Skeletons in Armor" Action Comics 47: 1 (Abril 1942), DC Comics
- ↑ Sanderson, Peter (Pebrero 24, 2007). "Comics in Context #166: Megahero Vs. Megavillain". QuickStopEntertainment.com (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Pebrero 1, 2008. Nakuha noong 13 Pebrero 2008.