Lindol sa Kashmir, 2005
Ang lindol sa Kashmir (tinatawag din sa media na Kashmir earthquake, Northern Pakistan earthquake o South Asia earthquake) ng 2005 ay isang lindol na naganap bandang 08:50:38 Pakistan Standard Time (03:50:38 UTC, 09:20:37 India Standard Time), noong 8 Oktubre 2005 na may episentro, o gitna ng lindol, na matatagpuan sa rehiyong pinangangasiwaan ng Pakistan sa pinagtatalunang teritoryo ng Kashmir. Nakarehistro ang lakas nito na 7.6 sa moment magnitude scale at nauuri bilang malakas na lindol kahalintulad sa lakas sa lindol sa Quetta ng 1935, lindol sa Gujarat ng 2001, at ng lindol sa San Francisco ng 1906.
Noong Oktubre 21, ang bilang ng namatay, ayon sa pamahalaang Pakistani, ay 53,182 [1] (kabilang sa higit sa 13,000 na namatay sa North West Frontier Province), at naiulat na 1,360 na namatay sa rehiyon ng Kashmir na pinangangasiwaan ng India. Nahuhuli ang bilang ng sentro ng pamahalaan sa Pakitan ng mga taya mula sa mga pang-rehiyon na opisyal, kaya umaabot ang bilang ng mga namatay sa 79,318. [2]. Tinatay ng iba na ang bilang ng mga namatay ay aabot ng 100,000 [3]. Karamihan sa mga apektadong lugar ay nasa kabundukan at walang nakakapasok dahil sa mga landslide na humaharang sa mga daanan. Tinatayang 3.3 milyon ang nawalan ng tahanan sa Pakitan. Iniulat ng UN na higit sa 4 na milyong katao ang tuwirang apektado. Karamihan sa kanila ay nanganganib na mamatay mula sa pagkalat ng mga sakit. Tinatayang ang halaga ng napinsala ay aabot ng higit sa USD 5 bilyon [4] [5] [6] [7].