Literal translation

Ang literal na pagsasalinwika, na tinatawag ding tuwirang pagsasalinwika, direktang pagsasalinwika, diretsong pagsasalinwika, diretsuhang pagsasalinwika, o diretsahang pagsasalinwika, ay ang isang gawain ng pagsasalinwika o paglalapat ng salitang katumbas ng isang salita o kaisipan na nahahayag sa ibang wika, na maaaring nakaayon sa tahasang sinasabi o binabasa. Kadalasan itong matutunghayan sa mga panulat sa wikang Filipino kung saan karaniwang kagawian ang Pagsasaling Literal ng mga salitang Ingles sa mga katumbas nilang kasalinan sa wikang Filipino.

Kaiba sa sining ng Pagsasalingwika, ang Pagsasaling Literal ay nakatuon lamang sa natutukoy na partikular na salita. Ang paksain ng Pagsasaling Literal ay ang bokabulayo ng wika hindi tulad ng sa pagsasalingwika kung saan ang paksain ay nakatuon higit sa bokabularyo at mga partikular na salita bagkus ay sa diwa at kaisipan tinataglay ng anyo at paraan ng gamit ng mga salita. Ang pagkakaiba ng dalawa ay makikita sa kaugnayan ng konteksto ng mga salitang isinasalin.

Masasabing natatangi ang wikang Filipino bilang kakaibang wika na mahalagang bahagi na ng bokabularyo nito ang Pagsasaling Literal. Malaki ang kinalaman dito ng limitadong bokabularyo ng wikang Filipino na maiuugat ang kalagayan sa pinagdaanan nitong kasaysayan. Matatandaang maging ang Saligang Batas ng Pilipinas ay tumutukoy sa Filipino at Ingles bilang mga opisyal na wika ng bansa. Sa pagkakaroon ng alternatibong wika (ang Ingles), hindi napagyaman ng wikang Filipino ang kalikasan nito. Partikular na ngang naging kakulangan ng wika ang limitado nitong bokabularyo.

Ang Pagsasaling Literal ay nagiging paraan narin upang punan ang pagkukulang na yaon. Sa kawalan ng salitang katumbas sa dilang Filipino, isinasagawa ang Pagsasaling Literal upang bigyang ng salitang katumbas ang mga salitang Ingles at iba pang salitang banyaga.


Wika Ang lathalaing ito na tungkol sa Wika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.