Lumang Mundo
Ang Lumang Mundo ay binubuo ng mga bahagi ng mundo na nakikilala sa kalaunang klasikal at sa Gitnang Panahon sa Europa. Ginamit ito sa diwa ng, at maipagkakaiba, o maihahambing sa "Bagong Mundo" (iyong Kaamerikahan). Binubuo ang Lumang Mundo o Matandang Mundo ng Aprika, Asya, at Europa (na nakikilala bilang Apro-Eurasya kapag pinagsama-sama), dagdag pa ang mga pulong nakapaligid (o kahit na iyong mga bahaging nakikilala o nalalaman sa heograpiyang klasikal bago sumapit ang ika-15 daantaon).
Ang konsepto ng tatlong mga kontinente sa Lumang Mundo ay umaabot pabalik sa kalaunang klasikal (klasikal na sinaunang kapanahunan). Ang mga hangganan ng mga ito ay nilarawan ni Ptolemy at ng iba pang mga heograpo ng sinaunang panahon ay iginuhit sa kahabaan ng kailugan ng Nilo at ng Ilog Don. Ang paglalarawang ito ay nanatiling maipluwensiya sa kahabaan ng Gitnang Panahon (tingnan ang mapa ng T at O) at ng Maagang Makabagong panahon.
Tingnan din
- Apro-Eurasya
- Panahon ng Panggagalugad (Panahon ng Eksplorasyon)
- Silangang Emisperyo
- Malayong Silangan (Dulong Silangan)
- Bagong Mundo