Luwalhati sa Ama

Ang Luwalhati o Luwalhati sa Ama[1] ay isang dasal ng mga Katoliko. Bahaging panalangin ito sa pagdarasal ng rosaryo.[2] Tinatawag din itong Glorya Patri (mula sa Lating Gloria Patri) na nangangahulugang Luwalhati sa Ama.[1] Isa itong halimbawa ng isang doksolohiya.

Balangkas ng panitik

Ito ang nilalaman ng dasal:[3]

Luwalhati sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo.
Kapara noong unang-una, ngayon, at magpakailanman, at magpasawalang hanggan.
Amen.

Tingnan din

Mga sanggunian

Pananampalataya Ang lathalaing ito na tungkol sa Pananampalataya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.